Para Sa'yo Sinta

10 3 0
                                    


O mahal kong nilalangit,
Mukha mo'y mistulang inipit,
Ganda mo'y panloob lang ng bahay,
Kung kaya't walang nais sumilay.

Napakaganda ng buhok mong paalon-alon,
Subalit kuto mo'y patalon-talon,
Suot mo'y napag-iwanan ng panahon,
Kung maligo'y hindi gumagamit ng sabon.

Ngipin mo'y pantay-pantay,
Subalit ginto naman ang kulay,
Buhok mong walang suklay,
Tainga mo ay inaanay.

Ikaw ang talang sa langit nagmula,
Kung kaya'y no'ng nahulog mukha mo'y sira-sira,
Sinta sa iyong ganda ako'y sumasamba,
Sa iyong hininga ako'y tumba.

Paano na ang ating kinabukasan,
Kung hindi ka marunong maghugas ng pinggan,
Ang damit mong amo'y pinaglumaan,
Kutis mong mistulang balat ng durian.

Ngunit ikaw parin ay iniibig,
Araw-araw kang sasalukan ng tubig,
Sa iyong pagtulog ipaglalatag ka ng banig,
Tunay nga ang kasabihan na bulag ang pag-ibig.

A Poem CompilationsWhere stories live. Discover now