Binibini maaari ba kitang tabihan?
Tabihan at ikaw ay aking hahagkan,
Sapagkat nais ko lang maramdaman init ng iyong katawan,
Init na lumalagablab upang pananabik ko'y maibsan.Binibini h'wag kang mag-alala,
Wala naman ako ibang nais kundi ang paligayahin ka,
Nais ko lang naman pagmasdan ang maamo mong mga mata,
At ang maganda mong labi na nakahahalina.Binibini h'wag ka sanang magagalit kung nais kong tumabi,
Nais ko lang naman masilayan maganda mong ngiti,
Upang mapawi ang puso kong humihikbi,
Nais ko lang na tabihan ka upang mapalis ang bawat pighati.O binibini sana ako ay pagbigyan mo,
At ipagpaumanhin mo sana ang susunod na magagawa ko sa'yo,
Sapagkat hindi ko alam kung mapipigilan ko ang sarili ko,
Dahil sa pananabik at lumalagablab na pagmamahal ko sa'yo.O binibini nawa ngayong gabi ay sabayan mo akong maglakbay,
Tayo'y maglalakbay patungong langit ng sabay,
Maglalakbay habang sa lumang tela'y nakasakay,
Maglalakbay patungong langit ng hindi namamatay.
YOU ARE READING
A Poem Compilations
PuisiMga letrang hinabi sa pamamagitan ng pluma at tinta upang makagawa ng isang tula.