Katas Ng Pag-ibig

11 3 0
                                    


Binibini kahit ano kaya kong gawin
Kahit anong posisyon ang iyong nanaisin
Mapapatag man o kaya ay sa bukirin
Kahit saan basta pagod mo'y aking papawiin.

Kahit anong posisyon handang umakyat ng ligaw
Marinig lang tinig mong kasing tagsing ng batingaw
Ayos na saakin kahit sa bintana ka lang dumungaw
Ang mahalaga maihayag pag-ibig na nag-uumapaw.

Kahit nasaan ka man nakahanda akong makinig sa'yo
Handang makinig sa hinanakit na pasan-pasan mo
Nang mapawi lang paghikbi ng iyong puso
Binibini sasamahan kita san mang lupalop ng mundo.

Subalit binibini may nais lang akong sabihin sa'yo
Gusto ko lang ipaalam na tigas na tigas na ito
Matigas na ang aking munting puso
Tumigas buhat ng saktan ako ng unang inibig ko.

Ngunit mula nang ikaw ay aking masilayan
Puso ay natunaw at lumambot ng agad-agaran
Pinalambot mo sa hindi maipaliwanag na dahilan
Muling lumambot at puso ay nabuhayan.

Binibini huwag kang mag-alala
Subalit mahaba ito at magugustuhan mo talaga
Mahaba ang aking natatanging pasensya
Kaya naman kahit matagal ay hihintayin padin kita.

Binibini 'wag ka sanang matatakot
Kung ito'y ipapasok sa pusong mong makipot
Dadahan-dahanin ko naman upang hindi na kumirot
At sasamahan kita hanggang balat mo'y kumulubot.

Binibini hayaan mo nalang at ikaw ay magpaubaya na
Ibuka mo nalang ang iyong puso ng bahagya
Ako nalang ang bahalang gumalaw sinta
Pangako puso mo'y pakaiingatan ng hindi na masaktan pa.

Binibini kung sakali mang pagbibigyan mo ako
Pagbibigyan na makapasok ang pagmamahal na alay ko
Makapasok sa iyong munting puso
Pinapangako kong hindi na muling hihikbi ito.

Binibini kung sakali mang tuparin mo ang hiling ko
Na ipapasok ang lumalagablab na pagmamahal ko
Upang makabuo tayo ng kwentong may ikaw at ako
Kwentong papamagatan nating tayo.

Binibini itong kwento natin ay walang katapusan
Kung ako ay iyong pagbibigyan ito'y patutunayan
Walang makapaghihiwalay sa'tin na kahit sinoman
Hindi patitinag kahit na kay kamatayan.

Binibini buong pwersa't lakas kong isasagad sa'yo
Ang makamandag na buga ng pagmamahal ko
Kapag ito'y hinayaang makapasok sa iyong puso
Asahan mong ipuputok ko sa loob ito.

Ipuputok sa loob ng iyong puso't isipan
Ang lumalagablab kong nararamdaman
Ipuputok sa loob ang pagmamahal na walang hanggan
Ipuputok sa loob upang mabuo ang ating pagmamahalan.

Ngayon kung bibigyan mo ng pagkakataong maipasok pag-ibig na walang-hanggan
Asahan mong ikaw lamang ang aking pag-aalayan
Walang ibang ipararamdam kundi kasiyahan
Binibini makaaasa kang hinding-hindi kita iiwan.

A Poem CompilationsWhere stories live. Discover now