Binibini ngayon ay sisisirin kita,
Gaano man kalalim 'yan ay hindi alintana,
Titiisin kahit hindi na makahinga,
Sisisirin kita hanggang sa sumapit ang umaga,Sisisirin at aking uungkatin,
Uungkatin ang bumulag sa'yong paningin,
Bawat pinagdaanan mo'y aking aalamin,
Masakit na mga nakaraan ay aking lilinisin.Lilinisin lahat ng nakaimbak na sakit,
Hihilumin sugat nang hindi na mamilipit,
Binibini h'wag kang matakot saaki'y kumapit,
Sisisirin kita hanggang katas ng nakaraan ay sumirit.Sa bawat sisid ipapasok ko ang pagmamahal ko,
Paglalaruin ang matatamis na kataga sa isipan mo,
Isasagad ang lumalagabgab na nararamdaman ko,
Ibabaon ko sa limot lahat ng hinanakit mo.Binibini matapos kitang sisirin ngayong gabi,
Asahan mong mawawala iyong pighati,
Kalungkutang nararamdama'y mapapalitan ng ngiti,
Aasahan mong tatahan pusong humihikbi.
YOU ARE READING
A Poem Compilations
شِعرMga letrang hinabi sa pamamagitan ng pluma at tinta upang makagawa ng isang tula.