Binibini Maaari Ba Kitang Lamasin?

8 2 0
                                    


Binibini kahit gaano pa man 'yan katigas
'Yang bagay na nasa dibdib mong hindi mailabas
Palalambutin ko 'yan sa pamamagitan ng paglamas
Lalamasin ko at walang-humpay na ligaya'y saiyo ipararanas.

Lalamasin ko gamit ang matatamis na salita
Nang lumambot ang puso mong tumigas na
Hihimasin ko at palalambutin gamit mga kataga
Katagang nakalakip ang pag-ibig na nadarama.

Lalamasin ko ang matigas mong puso
Gamit mga kataga ay palalambutin ko ito
Kasabay ng paghilom at pagpatigil ng pagdurugo
Lalamasin gamit ang tinipang letra ng lumambot puso mo.

Habang nilalamas dahan-dahan akong bababa
Pababa habang puso mo'y pinapalambot ng aking tula
Tulang naglalaman ng pag-ibig ko sa'yo sinta
Dahan-dahang bababa ng makapwesto na.

Bababa at sa harapan mo ako ay luluhod
Sa kinatatayuan mo doon tuhod ay itutukod
Habang hawak-hawak ko ang iyong kamay at hinahagod
Hindi ako titigil sinta kahit na ako ay mapagod.

Habang ako ay nakaluhod sa harapan mo aking binibini
Sisimulan ko ito ng walang pag-aalinlangan at may ngiti
Dahan-dahan kong ipapasok sa iyong makinis at maputi
Ipapasok ang singsing sa makinis at maputi mong daliri.

Matapos kong maisuot ang singsing sa'yo aking sinta
Asahan mong ito na ang simula ng masaya nating pagsasama
Magsasama tayo hanggang sa mga balat natin ay kumulubot na
Ngayon binibini payag kabang lamasin kita?

A Poem CompilationsWhere stories live. Discover now