Kabanata || 1

1.6K 39 2
                                    

Lexus's POV:

" Ang gwapo talaga ni Lexus. "

" Oo nga. Sana maging akin sya. "

" Mangarap ka. Ako ang una nyang magiging girlfriend no. "

Napailing nalang ako sa mga naririnig ko. Sanay na sanay na ako sa mga papuri nila araw-araw. Pero hindi ko parin maiwasan na mainis.

Hindi ba sila nagsasawa? Palagi nalang ba ganyan? Kung magbulong-bulongan ay akala mo wala ako dito o hindi man lang ako dumaan sa kanilang harapan.

Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko nalang sila. Wala naman sila ibang hinahangaan kundi ang mukha ko at talino ko lang. Isama mo na din ang pagiging mayaman ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa daraanan ko. Isa syang babae at basi sa uniform nya ay isa syang tourism student. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakayuko sya.

" Excuse me miss. "

Pero imbis na umalis sya sa harapan ko ay may inilahad pa sya sa akin na isang box ng chocolate. Nakita ko na din ang mukha nya dahil tiningnan na nya ako.

Sinalubong ko naman na may kunot noo ang tingin nya.

" P-Para sayo Lexus. Ginawa ko 'yan para sayo. "

Napabuntong hininga naman ako na tinanggap ang binigay nya. Sumilay naman ang mga ngiti sa labi nya.

" Salamat. "

" Wala 'yon. Para - - - "

I cut her out.

" Sana hindi na 'to maulit. "

Nakita ko naman na nalungkot sya. Nilampasan ko na sya at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ibig sabihin na tinanggap ko ang bigay nyang chocolate ay mag-a-assume na sya. Alam ko na masakit ang sinabi ko sa kanya pero para na rin 'yon sa kanya.

Ayoko na umasa sila. 'Di porket tinanggap ko ang bigay nila ay gusto ko na sila. Mahilig pa naman mag-assume ang mga babae.

Lumiko na ako sa likod ng building papunta sa secret place ko. Mapuno dito kaya walang nagagawi dito. Pagkalampas ko sa ilang mga puno ay nakarating ako sa may kubo.

Simple lang ang kubo. May maliit na kusina at sala. May dalawang sofa at mesa. Sa lolo at lola ko ang kubo na 'to. Pinamana nila sa akin noong nabubuhay pa sila.

Ito kasi daw ang tagpuan nila dati. Mababait ang lolo at lola ko, ewan ko ba kung saan nagmana ang ama ko at ang sama ng ugali. Na-spoil kasi sya dahil sya lang ang anak.

Pumasok na ako at padabog na umupo sa sofa. May dalawang oras pa ako para magsimula ang susunod kong klasi. Inihilig ko sa sofa ang ulo ko at pumikit.

" Oh? Nandito ka na pala. Lunch is ready. "

Napadilat ako at napatingin sa babaeng naghahain sa mesa. Napangiti nalang ako habang tinitignan ang ginagawa nya.

Sya si Allisa Panaz. Ang tanging babaeng nagugustuhan ko sa lahat ng mga babae dito sa campus. Hindi sya tulad ng iba dyan na nagpapansin sa akin at hinahabol ako.

Iba sya sa kanila. Sya ang tanging babaeng hinding-hindi daw ako magugustohan dahil kaibigan lang ang tingin nya sa akin. Naalala ko tuloy nong una ko syang makita.

*

Tumatakbo ako dahil kanina pa ako hinahabol ng mga dying hard fan 'kuno' ko. Agad akong nagtago sa malaking puno na malapit sa akin.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon