Kabanata || 4

682 27 1
                                    

Nang makarating ako sa kubo ay habol ko pa ang hininga ko dahil tumakbo ako para mas makarating agad sa kubo. Nang makapasok ako ay wala sya sa sala.

" L? "

" Nandito ako sa kusina. "

Napangiti nalang ako. See? Bakit pa ako malulungkot kung ganito kami palagi? Para na nga kaming mag-asawa at ang kubong ito ang mumunti naming bahay.

Dumiretso na ako sa kusina at nakita kong may nakahaing kanin at adobo sa mesa. Agad akong natakam sa mga nakita ko. Hindi lang dahil sa gutom kundi dahil alam ko na masarap ang ulam.

Sya kasi mismo ang nagluluto at isa lang ang masasabi ko. Sobrang sarap nyang magluto. Kaya nga madami ang nakakain ko kapag ang luto nya ang kinakain ko.

" Akala ko ba magme-merienda lang tayo? Eh mukhang pangtanghalian na 'to ah. "

Ani ko at umupo na sa upuan. Nilapag naman nya sa harap ko ang pinggan, kutsara at tinidor. Nilagay na din nya sa mesa ang isang pitsel na may lamang tubig at baso.

" Alam kong gutom ka. Hindi ka na naman kumain ng agahan. "

Napangiti nalang ako. Kilala na nya talaga ako. Hindi kasi ako nag-aagahan kasi ayoko kumain sa bahay. Makakasama ko lang ang mga magulang ko don.

Eh parang wala lang din naman ako sa kanila dahil parehas silang busy. At mag-aaway lang kami dahil pipilitin na naman nila akong ipakasal.

Kahit kailan hindi nila inisip kung gusto ko bang magpakasal sa anak ng business partner nila. Kung ikakasal man ako ay gusto ko sa taong gusto ko lang at si Allisa 'yon.

" Hoy! Lutang ka na naman. "

Napatingin ako sa kanya ng pumalakpak na naman sya sa mismong mukha ko. Gawain na nya 'yan sa twing lutang ako. Ganon ba ako kalutang?

" Sorry. "

Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

" Nag-away na naman ba kayo ng mama mo? "

" Hindi. "

Iling kong sagot. Bumuntong hininga naman sya.

" Sige na kumain ka na. May klasi pa tayo. "

Napangiti naman ako ng lagyan nya ng kanin at ulam ang plato ko. Ang swerte ko talaga sa kanya. Sana lang dumating ang araw na mahalin nya din ako pabalik.

Tahimik na kaming kumain at medyo binilisan namin dahil malapit ng magsimula ang klasi namin. Nang matapos kami ay nauna na syang umalis. Nagpalipas muna ako ng limang minuto bago sumunod.

Ganito palagi ang gawain namin. Hindi kami pwedeng sabay pumasok. Naglakad na ako papunta sa susunod kong klasi. Nasa ikalawang palapag ang susunod kong silid.

Napahinto ako ng may tatlong babae na humarang sa daan ko. Napabuntong hininga nalang ako. Haist! Na naman.

" P-para sayo Lexus. "

Inilahad nya sa akin ang isang garapon na may cookies. Napangiti naman sya ng tanggapin ko ito.

" Salamat at sana hindi na maulit. "

Walang sabi-sabi na nilampasan ko sila. Narinig ko naman na inalo sya ng dalawa nyang kasama. Mukhang napaiyak ko sya. Hindi naman sa wala akong pakialam. Ayaw ko lang talaga na umasa sila.

Nang makaakyat na ako ay nakita ko si Allisa na nakakapit sa bakal habang nakatingin sa baba. Tiningnan ko kung ano ang tinitignan nya. 'Yong tatlong babae.

Nakita ko na umiyak nga 'yong babae na nagbigay sa akin ng cookies dahil nagpupunas pa sya ng luha nya. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

" Ang harsh mo talaga sa babae. "

Narinig kong sabi nya ng napadaan ako. Hindi sya sa akin nakatingin ng sabihin nya 'yon kundi doon sa mga babae. Mahina lang din ang pagkakasabi nya na ako lang ang makakarinig.

Wala din namang katao-tao sa hallway kaya palihim nya akong kinausap. Napa'tsk nalang ako at dumiretso sa pagpasok. Kung ikaw ba naman ang magbigay sa akin ng mga regalo araw-araw ay tatanggapin ko 'yon ng may ngiti.

Kaso nga kaibigan nya lang ako kaya 'wag ng umasa. Umupo na ako sa pinakalikod. Maya-maya lang ay pumasok na din sya kasabay ng iba pa naming kaklasi.

Umupo sya sa bakanteng upuan na nasa harap ko lang. Nagsimula na ang klasi at nakinig nalang ako. Lumipas ang oras at uwian na namin.

Pumunta muna ako ng kubo dahil nakalimutan ko ang libro ko don. Nang makapasok ako ay nakita ko si Allisa na papaalis na din at mukhang nagmamadali.

" Oh L, nagmamadali ka? "

" Oo eh. Malapit na akong ma-late sa work. Una na ako ha? Bye. "

Hindi na ako nakasagot ng tumakbo na sya. Napailing nalang ako. Ang sipag nya talaga. Nag-aaral sya sa umaga at nagtatrabaho naman sya kapag gabi.

Buti nalang at hindi sya nagkakasakit. Naalala ko na naman nong tinanong ko ang tungkol sa mga magulang nya.

*

" Wala ka bang magulang L? "

" Hmm 'yong umampon sa akin ay patay na sila. Naaksidente ang sinasakyan nilang bus. Tapos hindi ko naman alam kung sino ang totoo kung magulang. "

Nagulat ako sa sinabi nya. Ibig sabihin ulila na sya. Pero...

" Bakit? Ano bang nangyari at nahiwalay ka sa totoo mong magulang? "

Nagkibit balikat naman sya at kumain ng sandwich bago sumagot.

" Ewan. Ang sabi ni nanay nakita nya lang daw ako malapit sa basurahan nong sanggol pa lang daw ako. Sinubukan nilang hanapin ang mga magulang ko. Nag-report na din sila sa pulis pero wala naman daw naghahanap ng sanggol na nawawala.

Ang sabi ni nanay ay baka daw sa ibang lugar nakatira ang mga magulang ko. Siguro ay napadpad lang ako sa lugar nila. Kaya napagdesisyonan nalang nila na ampunin ako. Wala din naman kasi silang anak ni tatay. "

" Wala ka bang alam sa kanila kahit konti? "

" Wala eh. "

Napatingin ako sa kanya ng taimtim. Kung titignan sya parang wala syang problema. Hindi mo maiisip na ulila na pala sya.

" So saan ka nakatira ngayon? Sa mga kamag-anak mo? "

Natawa naman sya kaya nagtaka ako. Ano namang nakakatawa sa tanong ko?

" Haha hindi. Nasa bahay parin ako nina nanay at tatay. At isa pa, hindi ko nga kilala ang totoo kong mga magulang. Mga kamag-anak pa kaya? Haha patawa ka talaga. "

Napakamot naman ako sa batok ko. Oo nga naman pala. May point din sya kaya pala natawa sya.

" ang ibig kong sabihin, kamag-anak ng umampon sayo. "

" Ah sila ba? Hindi. "

" Hindi ka nila kinuha? "

" Hindi nga nila ako tanggap eh, ang kunin pa kaya. "

Nakangiti ngunit may halong lungkot nyang pagkakasabi. Ibig sabihin pala, mag-isa nalang sya sa buhay.

" Eh saan ka naman kumukuha ng pambayad sa skwelahan? "

" Hmm raket-raket lang. Nagpa-part time job din ako pagkatapos ng klasi. 5pm ako pumapasok at uwian ko naman ay 10pm sa isang coffee shop. "

" H-Hindi ba mahirap? "

" Mahirap. Pero kailangan kong gawin para makapagtapos ng pag-aaral. "

*

Nang mga oras na 'yon ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. Ilang beses ko na din syang sinubukan na tulungan pero palagi nyang tinatanggihan.

Hindi naman daw sya nanglilimos kaya hindi ko sya dapat kaawaan. Kahit gustong-gusto ko syang tulungan ay hindi ko magawa. Ayaw din nyang tanggapin.

Mas lalo tuloy akong nahulog at humanga sa kanya. Dahil sa pagiging matatag nya sa kabila ng hirap na pinagdadaanan nya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon