Kabanata || 25

479 17 2
                                    

BUSY'NG nagbabasa ng mga papeles si Lexus ng biglang bumukas ang pinto ng opisina nya. Hindi na sya nag-abalang tumingin dahil alam nyang ang sekretarya nya ito at ibibigay sa kanya ang pinapakuha nyang mga dokumento.

Lumapit ito sa kanya. Napatingin sya sa paper bag na inilapag nito. Napakunot-noo at nagtatanong na nag-angat ng tingin sa naglapag nito doon.

Gulat syang napatingin sa hindi nya inaasahang bisita.

"Busy ka ata." Anito saka umupo sa visitor chair.

"Not much."

Napangiwi ito sa naging tanong nya saka tumingin sa nakatambak na mga papeles sa mesa nya. Gusto nyang iuntog ang ulo sa sinabi nya, kita na ngang madaming nakatambak na mga dokumento sa mesa nya ay sinagot nya pa ito ng not much.

"Not much nga." Tumango-tango pa ito.

"Ano nga pa lang ginagawa mo dito?" Pag-iiba nya ng usapan.

Sumandal ito sa upuan saka tumingin sa kanya. "Dinalhan lang kita ng lunch, alam ko kasi na hindi ka pa kumakain."

"You really know me well ha." May panunudyo nya dito.

"Not as Allisa know you." Biglang naglaho ang ngiti sa labi nya ng banggitin nito ang pangalan ng kasintahan na agad naman napansin ni Blaze. "Sorry."

"It's okay." Ngumiti sya dito. Hindi isang pilit ngunit hindi din naman aabot sa mata. "Anyway, ikaw ba nagluto nito?"

Kinuha nya ang paper bag saka ito tiningnan. Bigla syang natakam ng maamoy ang mabangong aroma na mula sa loob. Kinuha nya ang styrofoam saka ito binuksan.

"Nah. Binili ko lang 'yan sa Palace. Alam mo naman wala akong talent sa pagluluto."

"Kung anong ikinagaling ng kuya mo sa pagluluto, 'yon naman ang ikinapalpak mo."

"Eh sa hindi kami magkaibigan ng kusina eh."

Natawa sya ng ngumuso ito. Pinisil nya ang ilong nito na may panggigigil na mas nakapagpanguso nito.

"Ang sakit non ha."

Natawa sya sa pagiging childish nito.

"Kumain na nga tayo."

Kinuha nya ang plastic plate, spoon and fork sa loob ng plastic bag. Inilapit nya ito sa harap ni Blaze.

Napatawa nalang sya ng maalala kung paano sila unang nagkakilala. Ang sungit-sungit pa nito sa kanya na para bang abot hanggang langit ang galit ng ito sa kanya.

Pero simula ng mangyari ang sa mall at lunch ay naging okay na sila. Lumalabas na sila kapag may oras sila at ang hindi nya inaasahan ay may pagiging isip bata din ito.

Minsan naman ay pumupunta ito sa opisina nya para dalhan sya ng lunch dahil alam nito na minsan ay hindi sya kumakain ng pananghalian dahil masyado syang busy sa trabaho.

Masaya sya kapag kasama si Blaze. Nakakangiti at nakakatawa sya. Naikuwento na din nya ang tungkol kay Allisa at sa mga anak nila. Parang mas gumaan ang sarili nya habang nilalabas nya ang mga sinasabi nya. Na-miss nya ang magkwento tungkol sa kanila ni Allisa dati.

Wala na kasi syang nakakausap tungkol kay Allisa. Hindi din naman sya makakpagkwento kay Allison dahil may sarili na itong pamilya. Isa pa, ayaw na nyang pag-alalahanin pa ang kaibigan. Tama na ang mga taon na dinamayan sya nito sa oras ng kalungkotan nya.

NANONOOD ng pelikula si Lexus ng pumasok ang anak nyang naka-uniform mula sa school. Patakbo itong lumapit sa kinaroroonan nya ng makita sya. Hindi na sya nag-abala pang tumayo at hinintay lang ang anak na makalapit sa kanya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon