Dahil na-inspire sa new release song ng pinakamamahal kong BTS. 'IDOL' kaya ito ako ngayon at may pa-update. Hoho.
Gosh! Mas lalo ata akong na-in love kay bebe Jimin. Haha badass na badass ang dating. Yays!
Anyways, baka bukas ko na i-update si Cray. Hindi pa ako tapos eh.
- Enjoy :)
***
MAY NGITI sa labi ng gumising si Lexus at bumungad sa kanya ang magandang mukha ng fiancee. Fiancee. Kay gandang pakinggan. Sa kanya na talaga ang babae. Mas napangiti sya ng maalala ang nangyari sa kanila kagabi. She give her self to him. Sa mga oras na 'yon ay sya na ata ang pinaka-masaya at pinama-swerte dahil pinagkatiwalaan at minahal sya ni Allisa.
Sobrang saya nya ng tinanggap ng dalaga ang proposal nya. Matagal pa man bago sila ikasal ay ayos lang sa kanya, basta alam nya na sa kanya na ang dalaga. Sa kanya na talaga ito.
Maingat nyang hinaplos ang maamo nitong mukha. Mula sa singkit nitong mata, patungo sa matangos nitong ilong hanggang sa malambot nitong mga labi. Those sweet lips that can make him crazy and craving for more.
"Ang aga, pinagnanasaan mo na ako ha." Ani ng dalaga na nakapikit parin.
"Good morning L." Bati nya dito at hinalikan sa labi na tinugon naman agad ng dalaga.
Dahan-dahang iminulat ng dalaga ang mga mata. "Good morning too."
"Kamusta ang tulog mo?"
"Okay lang." Yumakap ito sa kanya ng naglalambing. "May na-realize lang ako kagabi."
Sinuklay nya ang buhok nito gamit ang kamay nya saka hinalikan ang buhok nito. "Ano naman 'yon?"
"Your monster in bed."
"And your wild."
Napatawa nalang sya ng pabiro nitong hinampas ang dibdib nya. "Hindi kaya."
"Oo kaya. I still can hear your moan." He chuckle when he see her blush. "Ow, my baby got blush."
"Ewan ko sayo." Napatawa nalang sya ng isubsob nito ang mukha sa dibdib nya para itago ang pamumula nito.
SABAY silang kumain ng pananghalian sa condo unit ni Lexus. Tahimik lang silang kumakain hanggang sa basagin ito ni Lexus.
"Gusto ko dito ka na tumira L."
Napaangat sya ng tingin sa binata. Nakangiti ito pero makikita mo naman na seryoso ito sa sinasabi nya.
"Bakit naman?"
"Dahil fiancee kita." Sagot nito na para bang nasagot lahat ng katanungan nya.
"Pero hindi pa tayo kasal."
Ibinaba ng binata ang hawak nitong kutsara't tinidor at tinitigan sya. Napalunok sya sa uri ng tingin nito.
" L, fiancee kita kaya gusto ko dito ka na tumira and beside may nangyari na sa atin kaya okay lang na mag-live in tayo."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
ActionIsa lang akong simpleng studyante. Pero ang mga kapwa studyante ko ay hindi Simpleng studyante ang pagtingin sa akin. Heartthrob kung tawagin at ituring nila ako. Lahat sila ay iniidolo ako dahil sa Taglay na kagandahan ng mukha ko. Lahat sila ay pi...