Kabanata || 17

494 20 2
                                    

Araw na naman ang lumipas. Hanggang ngayon ay hindi parin sya pinapansin ni Lexus. Ipinatong nya ang baba nya sa magkadikit nyang palad. Wala sya sa mood, hindi nya alam pero wala syang gana. Ni hindi nga sya kumain eh.

Ilang araw na din syang walang ganang kumain. Hindi nya alam kung dahil ba ito sa hindi pagpansin sa kanya ng binata. Naapektohan na ang kalusugan nya. Hindi nya lubos maisip na nakakawalang gana din pala kapag nasaktan ang puso mo.

Marahas syang napabuga ng hangin. Bakit ba sya nagkakaganito? Kasalanan din naman pala nya. Walang ibang pwedeng sisihin kundi sya lang. Napatingin sya sa harap nya ng may inilapag doon. Parang nanubig ang bagang nya ng maamoy ang mabangong pagkain na nasa loob ng Styrofoam.

Napangiti sya habang inangat ang tingin para sana pasalamatan ang nagbigay sa kanya. Pero ganon nalang ang pagkawala ng ngiti nya ng makita ang lalaking matagal na nyang gustong makausap.

" A-Anong ginagawa mo dito? "

Gusto nyang kutusan ang sarili dahil sa naging tanong nya. Talaga namang hindi na nakapagtataka kung nandito sya dahil magka-klasi din naman sila.

Hindi sya nito sinagot, sa halip ay kumuha ito ng isang upuan at umupo sa harap nya. Napatitig sya sa binata ng buksan nito ang styrofoam saka inilagay ang kutsara't tinidor sa ibabaw ng pagkain.

" Eat. "

Wala sa sariling napasunod sya. Simula ng mag-away sila ay parang ngayon lang sya nagkaroon ng ganang kumain ulit. Hindi nya pinansin ang pagtitig sa kanya ng binata. Basta kain lang sya ng kain, parang ngayon lang sya nakaramdam ng gutom. Pakiramdam nya ay ilang taon syang hindi nakakain.

Nang matapos sya ay nilahadan sya ng binata ng mineral water. Kahit nag-aalinlangan ay kinuha nya ito at ininom. Napasandal sya sa upuan nya saka hinimas ang tyan nyang busog.

" Argh! Busog na busog ako. "

" Good. "

Napahinto sya sa paghimas sa kanyang tyan at napatingin sa kaharap nya. Nakatitig ito sa kanya ng matiim. Parang ngayon lang sya nakaramdam ng hiya.

" Salamat pala sa pagkain. "

Nahihiya nyang pasasalamat. Tanging tango lang ang sinagot ng binata at patuloy syang tinigan. Pakiramdam nya tuloy ay wala syang ulo kung makatitig sa kanya ang binata. Akmang magtatanong na sya kung bakit ganito ito makatingin ng bigla itong magsalita.

" Pumayat ka. "

Napaiwas sya ng tingin. Napansin pala nito. Hindi sya nakasagot dahil hindi nya alam kung anong isasagot o sasabihin.

" Hindi ka ba masyadong kumakain? "

Napatitig sya sa binata, pero wala sa kanya ang atensyon nito kundi nasa styrofoam na nililigpit nya. Dahil sa ginagawa ng binata ay malaya nya itong napagmamasdan.

Ngayon nya lang napansin ang medyo maitim sa ilalim ng mga mata nito, tanda na hindi ito masyadong nakakatulog. Gaya nya rin ba ay hindi din ito mapakali habang may samaan sila ng loob? Wala sa sariling hinawakan nya ang mukha ng binata. Napaangat ng tingin sa kanya ang binata na may gulat sa mukha.

Biglang nanubig ang mga mata nya ng magtagpo ang mga mata nila. How she miss this kind and handsome right sitting in front of her. Hindi na nya napigilan ang luha at may nalaglag na na isang butil ng hawakan ng binata ang kamay nya na nasa mukha nito at hinalikan ito.

" I miss you. "

Hindi na nya napigilang sabihin iyon sa binata. Wala syang narinig na tugon. Nakapikit lang ang binata habang nasa labi parin nito ang kamay nya. Ganon ang posisyon nila ng ilang minuto. Nang magmulat ang binata ay pinunasan nito ang mga luha nyang masaganang nagsibagsakan.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon