NAGBABASA si Allisa habang nakaupo sa sofa ng sala. Wala syang magawa kaya nagbasa nalang sya. Isa pa, makakatulong din ito sa baby nya. Hinaplos nya ang tyan nya na malapit ng sumabog. Isang buwan nalang ang hihintayin nya at manganganak na sya.
Napangiti sya at puno ng excitement. Excited na syang makita ang mukha ng magiging anak nila ni Lexus. Napabuntong-hininga sya ng maisip ang binata. Kamusta na kaya ang pagkikipagkita nito sa fiance? Dalawang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kanya.
Hindi naman kasi sya pwedeng tumawag sa binata, baka kasi kasama nito ang mga magulang at mabuko pa sila. Kaya hinihintay nalang nya na ito ang tumawag.
Hindi nya maiwasang mag-isip ng masama at mga katanungan. Bakit hindi parin nagpaparamdam sa kanya ang binata? Bakit hindi man lang ito tumawag o nag-text? O baka naman, maganda ang pinakilaka ng mga magulang nito sa binata at nagustohan naman ito ng binata kaya ngayon ay hindi na ito nagpaparamdam.
Biglang nanubig ang mga mata nya. Paano kung ganon nga? Anong gagawin nya? Pinahid nya ang isang butil ng luha na kumawala mula sa mata nya saka umiling. No. Mahal sya ni Lexus, dapat hindi nya pagdudahan ang pagmamahal nito sa kanya. Tama! Mahal sya ni Lexus.
Huminga sya ng malalim bago tumayo para tumungo sa kwarto nya. Gabi na at kailangan na nyang magpahinga. Hindi makakabuti sa baby nya ang magpuyat, lalo na at mag-isip ng kung ano-ano.
NASA kalagitnaan ng pagtulog si Allisa ng magising sya. Napatingin sya sa orasan na nasa night stand para tingnan kung anong oras na. Nangunot ang noo nya ng makitang hating-gabi pa.
"Sandali!" Sigaw nya habang pababa ng hagdan.
Nainis sya ng hindi parin tumigil kung sino man ang nasa labas, kaka-doorbell. May balak atang sirain ng kung sino ang doorbell nya.
"Sabi ng sanda - -" naiwan sa ere ang iba pa nyang sasabihin ng makita kung sino ang nag-doorbell. Agad nyang niyakap ang binata. "X." Bulong nya dito.
Niyakap din sya ng mahigpit ng binata. "Damn! I was so worry about you."
"Okay lang ako. Pasok ka." Nauna syang pumasok. Narinig nya ang pagsara ng punto. Umupo sya sa sofa habang nakatayo lang ang binata. "Bakit ka ba pumunta dito? Gabing-gabi na ah."
"Nag-aalala ako sayo. Kanina pa ako tumatawag pero hindi mo sinasagot kaya kung ano-ano ng pumasok na senaryo sa isip ko." Kitang-kita nya ang pag-aalala na nakaukit sa maamo nitong mukha.
Tumatawag? Napatingin sya sa center table at napakagat-labi. Itinuro nya ito. "Sorry. Nakalimotan ko palang dalhin." Nandon ang cellphone nya na iniwan nya kanina.
Umaliwalas ang mukha ng binata at nakahinga ng maluwag. Lumapit ito sa kanya at lumuhod saka hinawakan ang dalawa nyang kamay.
"Sana hindi na 'to maulit. Pinag-alala mo ako."
Napakagat-labi sya. Nagi-guilty sya dahil pinag-alala nya ang binata. "Sorry."
Niyakap sya ng binata at hinaplos ang mahaba nyang buhok. "It's okay. At least your okay." Humiwalay ito sa pagkakayakap at napa-o ng may maalala sya. "May kasama pala ako."
Napakunot-noo sya. Kasama? Doon nya lang napansin ang dalawang bulto ng tao. Isang lalaki na gwapo at medyo hawig nya. Nagtaka sya sa sarili, paano naman nya magiging hawig ang lalaki? Napailing nalang sya at tumingin sa kasama nito. Hindi nya makita ang mukha nito dahil sa naka-hood ito, pero alam nya na babae ito dahil sa hugis ng katawan.
"Sino sila?" Tanong nya sa binata habang nakatingin sa dalawa, pero ang umaagaw talaga ng atensyon nya ay ang babaeng naka-hood.
Inalalayan syang itayo ng binata at inilahad ang isang kamay sa dalawang bisita. "Sya si Lelouch." Turo nito sa lalaki. "At si Allison, ang ipapakasal sa akin."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
ActionIsa lang akong simpleng studyante. Pero ang mga kapwa studyante ko ay hindi Simpleng studyante ang pagtingin sa akin. Heartthrob kung tawagin at ituring nila ako. Lahat sila ay iniidolo ako dahil sa Taglay na kagandahan ng mukha ko. Lahat sila ay pi...