Kabanata || 7

584 25 1
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa paanan ko. Napabangon ako at napakusot sa mata. 9am na pala, may pasok pa kami pero a-absent nalang ako para alagaan si Allisa.

Niligpit ko na ang hinigaan ko. Nilapitan ko ang mahimbing na natutulog na si Allisa at hinawakan ito sa noo. Nakahinga ako ng maluwag ng bumaba na ang lagnat nya.

Lumabas na ako at tinungo ang kusina para magluto ng almusal namin. Para pagkagising nya ay makakain na agad sya at makainom ng gamot.

Nagluto lang ako ng hotdog, itlog at fried rice. Napatingin ako sa hagdan ng may narinig ako na mga yabag at nakita ko si Allisa na kababa lang.

" Good morning. Kamusta pakiramdam mo? "

Pinaghila ko sya ng upuan at inalalayang umupo.

" Salamat. Good morning din. Mabuti na ang pakiramdam ko. Pwede na nga akong pumasok eh. "

" Na-ah. Hindi pwede. "

Nilagyan ko ng fried rice at hotdog ang pinggan nya.

" Bakit hindi? "

Nagtataka nyang tanong. Umupo ako sa kabilang upuan.

" Magpahinga ka nalang muna. Baka mabinat ka pa kapag pumasok ka na. "

" Okay na ako. Kaya ko na. "

Tiningnan ko sya ng masama kaya napalunok sya at napayuko.

" Kung pwede lang L. Kahit ngayon lang, makinig ka sa akin. "

" Sorry. "

Hindi na ako umimik at nagsimula ng kumain. Hanggang sa natapos kaming kumain ay wala ng umimik sa amin. Hindi naman ako galit sa kanya o naiinis. Nag-aalala lang talaga ako para sa kanya.

Paano nalang kapag naulit pa 'to? Paano kung hindi ko nalaman na may sakit pala sya? Eh di hanggang ngayon may sakit parin sya. Ang malala pa ay walang nagbabantay sa kanya.

Ako na ang naghuhugas ng pinagkainan namin. Gusto sana nya na sya na pero pinigilan ko sya at pinagpahinga sa sala. Kahit may sakit gusto nya pa rin na sya ang gumagalaw.

Kahit kailan ang tigas ng ulo. Napahinto ako sa paghuhugas ng may yumakap sa akin mula sa likod. Sandali lang ako napatigil at nagpatuloy ulit sa paghuhugas.

" Galit ka ba? "

Hindi ako sumagot at nagpatuloy parin sa paghuhugas.

" Sorr na X. 'Wag ka ng magalit. "

Hanggang sa matapos ako sa paghuhugas ay hindi ko parin sya kinikibo. Inabot ko ang towel at pinunasan ang basa kong kamay. Tinanggal ko ang kamay nya na nakayakap sa akin at hinarap ko sya ng marinig ko ang mahihina nyang hikbi.

Napabuntong hininga nalang ako at niyakap sya. Niyakap nya din ako pabalik ng mahigpit at sa dibdib ko sya nagpatuloy umiyak. Hinalikan ko ang ulo nya at hinaplos ang buhok nya.

" Hindi nga kasi ako galit. "

Natawa naman ako ng mahina ng umiling-iling sya na parang bata.

" Galit ka eh. "

Pagmamaktol nya habang nakasubsob parin ang mukha nya sa dibdib ko.

" Hindi nga. "

" Galit ka. "

Napahalakhak na ako ng nagpapadyak na sya. Hiniwalay ko sya mula sa pagkakayakap at tiningnan. Pinunasan ko ang mga luha nya na dumadaloy sa pisngi nya.

Napangiti ako. Ito kasi ang unang beses na umiyak sya. Actually, kagabi ang unang beses na nakita ko syang umiyak. Kaya nga labis ang pag-aalala ko ng makita kong umiiyak sya.

Natuwa ako, dahil kahit na sinabi nyang hindi nya ako mahal alam ko naman na ayaw nya akong mawala sa kanya. Ang pag-iyak nya kagabi ang patunay.

Kahit anong mangyari ay hindi ko sya iiwan, kahit ipagtaboyan nya ako ay babantayan ko pa din sya sa malayo. Lahat gagawin ko para sa kanya.

" Hindi nga ako galit. Okay? "

" Kung hindi ka galit, bakit hindi mo ako kinakausap? "

Napabuntong hininga ako. Inipit ko ang takas nyang buhok sa likod ng tenga nya. Nakatitig lang sya sa akin habang ginagawa ko 'yon.

" Nag-aalala lang ako, okay? Paano nalang kung hindi ko nalaman na may sakit ka pala. Paano kung hindi ako naghintay sa labas ng bahay mo kagabi? "

" Naghintay ka sa labas? "

Tumango naman ako at hinaplos ang mukha nya.

" Paano kung wala ako para mag-alaga sayo? "

Hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi nya at pumikit. Di naglaon ay dumilat din sya at tiningnan ako.

" Hindi mo naman ako iiwan di ba? "

" Hindi. Hinding-hindi kita iiwan. "

Niyakap ko sya.

" Ayoko ng magkasakit ka L. Kaya please, ingatan mo naman ang sarili mo. 'Wag mong masyadong abusohin ang katawan mo. "

Tumango naman sya kaya ngumiti na ako.

Pinaakyat ko na sya sa kwarto nya at pinagpahinga. Kahit magaling na sya ay kailangan nya paring magpahinga muna.

Nagpaalam ako sa kanya sandali na uuwi muna. Maliligo at magbibihis muna ako. Nang makarating ako ng bahay ay walang mga magulang na sumalubong sa akin.

Sabagay, kailan ba nila ako sinalubong? Mas nakakagulat kapag nandito sila sa bahay. Umakyat nalang ako ng kwarto at humiga sa kama. Ilang minuto muna akong napahinga bago maligo.

Nang makabihis na ako ay umalis na ako at tumungo sa mall. Bibilhan ko sya ng mga prutas para mas mapagaling sya ng mabilis. Habang tulak-tulak ko ang isang cart ay napalingon ako sa tumawag sa akin.

" Lexus? Oh my gosh! "

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nya akong yakapin. Agad ko naman syang natulak pero mahina lang naman. 'Yong tipong mahihiwalay sya sa akin mula sa pagkakayakap.

" Pasensya na miss pero kilala ba kita? "

Nagtataka kong tanong sa babaeng bigla-bigla nalang nangyayakap sa akin. Hindi ko kasi talaga sya kilala o baka naman isa sya sa mga babae na naghahabol o nagpapapansin sa akin sa campus.

" Oh sorry, na-carried away lang ako. "

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Maganda sya, matangkad, maputi at sexy pero wala ng makakapantay sa Allisa ko. Kumunot ang noo ko. Hindi ko talaga sya kakilala.

" Im Michee Tan, by the way. "

Pagpapakilala nya sabay lahad sa kamay nya. Kahit nagdadalawang isip pa ako na tanggapin ang kamay nya ay tinanggap ko nalang. Ang rude ko naman kasi kung hindi ko tatanggapin.

" Ah, hi? "

" I'm your fiancee. "

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. What the heck! Ni hindi ko nga sya kilala. Paano ko sya magiging fiancee?

" Excuse me? "

Hindi nya ako sinagot at tanging isang malapad na ngiti lang ang binigay nya sa akin.

" I'm sorry miss. Baka nagkakamali ka lang. Ikaw? Fiancee ko? "

Tumango naman sya kaya napailing at napatawa ako na para bang isang joke ang sinabi nya.

" Paano kita magiging fiancee hindi nga kita kilala eh. "

" I know. Kaya nga ako nagpapakilala sayo. Actually, hindi pa ito 'yong time na magkakilala tayo. Nagkasunduan kasi ang mga magulang natin na ipakasal tayo. Nang malaman ko na ikaw pala ang mapapangasawa ko... I already said yes. "

Bigla ako nakaramdam ng inis na naman sa mga magulang ko. Pinagkasundo na naman nila ako sa anak ng business partner nila.

" I'm sorry pero hindi ako papayag. "

" But - - - "

" Aalis na ako. Excuse me. "

Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko na sya nilingon. Kailangan kong makausap ang mga magulang ko sa lalong madaling panahon.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon