Kabanata || 11

541 24 2
                                    

Pattern lock ng mga ARMY. ☝☝

Enjoy Reading :)

***

Napaungol ako at napasimot ng may maamoy akong mabango. Naramdaman ko na tumunog ang tyan ko dahil sa gutom. Nakakagutom ang amoy.

Napaupo ako ng maayos at napakusot ng mata. Napatingin ako sa relo at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng nakita kong alas-sais na pala ng gabi.

Napatingin ako sa bintana. Baka kasi sira ang relo ko. Napasandal nalang ako sa sofa ng makita kong madilim na sa labas. Talagang maghapon akong nakatulog. Hindi na ako magtataka kung bakit ganon nalang kagalit ang tyan ko.

Napasimot ulit ako ng maamoy ko na naman ang mabangong amoy.

Hmm amoy ulam. Sino naman kayang nagluluto ngayon na hanggang dito sa liblib ay abot ang amoy.

Napapikit nalang ako at patuloy na inaamoy ang mabangong ulam. Adobo pa naman ang naaamoy ko. Paborito kong ulam.

Napadilat ako ng wala sa oras ng may napansin ako. Napatingin ako sa paa ko. Wala na akong soot na sapatos at medyas. Nakapaa nalang ako at ang bag ko na nasa sahig kanina ay nakapatong na sa sofang nasa harap ko lang.

Paanong wala na akong soot na sapatos at medyas? Ang bag... Paanong?

Napalingon ako sa kusina ng may narinig akong umaagos na tubig.

May tao?

Sinoot ko ang tsinelas na nasa sahig at tinungo ang kusina. Ganon nalang ang gulat ko ng makita ko si Allisa na may nilulunod sa niluluto nya.

Sya pala ang nagluluto ng mabangong ulam.

Hindi nya napansin na nakatingin pala ako sa kanya. Patuloy lang sya sa ginawa nya. Kumuha sya ng dalawang plato, kutsa, tinidor at baso. Inilagay nya ito sa mesa.

Naramdaman nya siguro na may nagmamasid sa kanya kaya napalingon sya sa kinaroroonan ko. Nagulat ako ng ngumiti sya sa akin.

Ilang araw ko din hindi nakita ang ngiti nya. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pangungulila ko sa kanya.

" Gising ka na pala. Sandali lang, malapit na akong matapos. "

Binigyan nya muna ako ng isang matamis na ngiti bago binalikan ang niluto nya. Pinatay na nya ang stove at nagsandok na ng adobo sa bowl.

Kahit nagtataka ay napaupo nalang ako. Mamaya ko na sya tatanongin kung anong ginagawa nya dito. Sa ngayon, gutom na gutom na talaga ako.

Inihain na nya ang ulam at kanin. Umupo na din sya sa kaharap kong upuan. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin natatanggal ang ngiti sa mga labi nya.

" Kain na tayo. Alam kong gutom ka. Hindi ka na naman siguro nag-almusal sa inyo. Hindi ka din nakakain ng tanghalian dahil maghapon kang tulog. "

Mas nagulat ako sa mga sinabi nya. Alam nya na maghapon akong tulog? Ibig sabihin kanina pa sya dito?

" Bakit ka nandito? "

Napatigil naman sya sa pagsandok at napatingin sa akin. Unti-unti na ding nawawala ang mga ngiti sa labi nya.

Inilapag nya ang sandok sa bowl at tiningnan ako. Ayan na naman ang mga mata nya na nanghi-hypnotise.

" Kanina, nang malaman ko na pumasok ka na ulit. Hinintay kita sa room. Kaso hindi ka pumasok, kaya naisipan ko na baka nandito ka. At tama nga ako. Naabotan kitang tulog sa sofa. "

Nakatingin parin ako sa kanya ng may pagtataka. Hinintay nya ako? Bakit naman kaya? Akala ko ba gusto nyang iwasan ko na sya.

Napayuko naman sya.

" Gusto ko sanang mag-sorry. "

" Saan? Sa pagtapon mo sa akin na parang basura? "

Napaangat sya sa akin ng tingin. Kita ko sa mukha nya ang sobrang pagkabigla. Hindi nya siguro akalain na masasabi ko 'yon. Ako din eh. Hindi ko din akalain. Bigla nalang lumabas 'yon sa bibig ko.

" Hindi. Mahalaga ka sa akin X. "

" May mahalaga ba na basta-basta nalang itatapon ang pinagsamahan natin na parang basura lang? "

Napasandal ako sa upuan. Pinag-cross ko ang dalawa kong kamay at tinitigan sya. Napaiwas naman sya ng tingin.

" Hindi sa ganon 'yon. Alam ko na mali ang ginawa ko at nasaktan kita. "

" Lagi mo naman akong sinasaktan eh. Sanay na ako. "

" X naman. Makinig ka muna sa akin. "

Nagsusumamo nyang ani. Napabuntong hininga nalang ako at tumngo.

" Nagawa ko lang naman 'yon dahil natatakot ako. "

" Natatakot saan? "

" Na baka iwan mo ako. "

" Iwan? Pinangako ko sayo L na hindi kita iiwan. Paano mo naman na sabi na iiwan kita? "

" Alam ko. Pinanghahawakan ko ang pangako mong 'yon. Pero nang marinig ko na ikakasal ka na pala sa magandang babaeng 'yon. Doon ko lang napag-isip-isip na balang araw ay iiwan mo din ako at magpapakasal ka sa kanya.

Ano ba namang laban ko sa kanya. Maganda sya at sexy. Lahat ng lalaki magugustohan sya kaya hindi imposible na magkagusto ka din sa kanya. Natatakot ako na baka kapag nangyari 'yon ay iwan mo ako.

Alam kong nasaktan kita. Pero mas nasaktan ako sa ginawa ko sayo X. Nasaktan kita. Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin na pigiliin ang nararamdaman ko sayo. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na layuan ka.

Mahal kita X. Natatakot lang akong aminin sayo. M-matagal na kitang mahal. "

Nakayuko sya habang sinasabi nya 'yon kaya hindi ko nakikita ang itsura nya. Ako naman ay gulat na gulat sa mga naririnig ko galing sa kanya.

Nanaginip parin ba ako? Tulog parin ba ako? Baka naman isa lang itong panaginip. Kung panaginip man 'to. Sana 'wag na akong magising. Dito nalang ako, dahil dito mahal din ako ng babaeng mahal ko.

Napakurap ako ng bigla syang pumapakpak sa harap ng mukha ko. Naramdaman ko naman na parang masakit ang braso ko kaya napatingin ako doon. Doon ko lang napagtanto na kinurot ko na pala ang sarili ko.

" Tulala ka na naman. "

Inirapan nya ako. Napangiti nalang ako ng mapagtanto ko na totoo nga. Hindi nga ako nanaginip. Totoo ang mga narinig ko. Mahal nga nya ako.

Sa sobrang saya ko ay napatayo ako. Lumapit ako sa kanya at tinayo sya. Kita kong nagulat sya sa ginawa ko.

" Bakit ganyan ka makatingin at makangiti? "

Hindi ko sya sinagot at mas lumapad pa ang ngiti ko. Para ngang masisira na ang mukha ko eh.

" Tigilan mo ang pagngiti ng ganyan X ha. Nakakapanindig balahibo ang mga ngiti mong 'yan. "

Walang pagdadalawang isip na niyakap ko sya ng mahigpit. Nagulat sya sa ginawa ko dahil hindi agad sya nakaganti ng yakap sa akin.

" Hindi mo alam L kung gaano mo ako pinasaya. Mahal kita. Mahal na mahal. "

Napangiti ako ng yakapin nya din ako ng mahigpit at mas niyakap sya dahil sa sinabi nya.

Sana ito na ang simula ng masayang pagsasama namin.

" Mahal na mahal din kita X. "

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon