Kabanata || 13

508 19 1
                                    

" Anong ginagawa mo dito? "

Kunot noong tanong nya. Nginitian ko naman sya ng matamis. Ang cute talaga ng girlfriend ko. Mas napangiti ako ng malapad sa naisip ko. Girlfriend. Ang sarap sa pakiramdam.

" Baliw ka na ba X? Ipapadala na ba kita sa mental? "

Napakurap-kurap ako at bahagya pang umiling-iling.

" Sorry. May naisip lang ako. "

Huminga naman sya ng malalim.

" Anong ginagawa mo dito? "

" Para makita ka. Nami-miss na kasi kita. Hindi mo ba ako na-miss? "

May pagtatampong tonong tanong ko. Hindi naman talaga ako nagtatampo. Well, konti lang. Para kasing ayaw nya akong makita. Isang linggo kaming walang pasok, ibig sabihin hindi ko sya makikita sa school. Kaya napagdesisyonan ko na puntahan sya sa pinagtatrabahoan nya.

Napabuga nalang sya ng hangin at ngumiti sa akin.

" Syempre na-miss din kita. Kaso may trabaho pa ako X. "

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. Na-miss din nya ako. Ang sarap pakinggan. Nakakabading pero 'yon ang totoo.

" Alam ko. Hindi naman kita iistorbohin eh. Kakain din ako. "

" Okay. Anong gusto mo? "

" Gaya parin ng dati. "

" Okay. Hintay ka lang. "

Tumango nalang ako at tiningnan sya papalayo. Napangiti ako ng mapansin kong hindi na sya gaya ng dati na palagi akong sinusungitan. Mas nagiging showy na sya sa nararamdaman nya sa akin. And I love the new her.

Ilang minuto din ang lumipas ay dumating na din sya kasama ang order ko. Kumain na ako at hindi ko na din sya inistorbo dahil medyo busy din sya. Marami-rami ding tao ang cafe ngayong araw.

Ilang oras pa akong tumambay bago ko napagdesisyonan na umalis. Hapon na at ayoko pa umuwi kaya napagdesisyonan ko na pumunta muna ng bookstore para bumili ng libro.

Naglalakad ako sa isang shelf kung saan nandon ang mga English book. Hinahanap ko ang kailangan kong libro. Napahinto ako ng may mapansin akong nakaharang sa daraanan ko. Napatingin ako sa may-ari ng dalawang pares ng heels.

" Mich. "

" Pwede ba kitang makausap? "

Ilang beses akong kumurap-kurap dahil baka nagkakamali lang ako sa nakikita ko. Nang makomperma kong sya nga ay tumikhim ako at tumango.

Nandito kami sa Starbucks. Magkaharap. Ilang minuto na kaming nakaupo dito pero hindi parin sya nagsasalita. Tumikhim ako para basagin ang katahimikan na bumabalot sa amin.

" Anong gusto mong pag-usapan natin? "

Humugot muna sya ng isang malalim na hininga at nag-angat ng tingin sa akin. Ngumiti sya pero may lungkot ang ngiting 'yon.

" Gusto ko lang sanang humingi ng pasensya sa nagawa ko. Alam ko naging desperada ako. Spoiled kasi ako. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Isa ka na sa mga gusto ko kaya naman hindi talaga kita tinigilan. "

Hindi ako nagkomento at nakinig lang sa mga sinasabi nya. Nagsasalita naman sya habang nakatingin lang sa hawak nyang tasa na may kape.

" Kahit alam ko na may mahal ka ng iba ay pinagpilitan ko parin ang sarili ko sayo. Gusto kita Lexus. Gustong-gusto talaga kita, kaya naman sinabi ko talaga sa sarili ko na hinding-hindi kita papakawalan at gagawin ko lahat para mapasa-akin ka. "

" Pero Mich - - - "

" I know. I know. Hindi mo ako gusto at kahit kailan ay hindi mo ako magugustohan. "

Natikom ko ang bibig ko ng tumingin sya sa akin at ngumiti ng malungkot. Nakaramdam ako ng guilt ng makita kong nanunubig ang mga mata nya. Napayuko ako dahil ayokong makita syang umiiyak ng dahil sa akin.

Alam ko na naging harsh ako sa mga babaeng nagkakagusto sa akin, lalo na sa kanya. Nakokonsensya din naman ako. Kahit palagi kong sinasaktan ang mga damdamin nila gamit ang mga salita ko ay nakokonsensya din naman ako kapag iilan sa kanila ay naiiyak.

Pero para sa akin ay kailangan kong gawin 'yon para hindi na sila umasa sa akin. Wala naman kasi talaga silang aasahan sa akin dahil may Allisa na ako. At sya lang ang mahal ko.

" I'm sorry. "

" It's okay. Kasalanan ko din naman kasi. Hindi mo naman ako pinaasa. Pinaasa ko lang ang sarili ko na magugustohan mo din ako. Kaya wala kang kasalanan. Sa katunayan gusto kong magpasalamat sayo. "

Napaangat ako ng tingin sa kanya ng may pagtataka.

" Para saan? "

" Dahil sayo may natutunan ako. Natutunan ko na hindi lahat ng gusto mo ay nakukuha mo. Kahit anong sikap mo, kung hindi para sayo ay wala parin itong silbi. Gaya ng kahit anong sipag kong paibigin ka kung may nagmamay-ari na pala ng puso mo ay hindi parin ako magtatagumpay. And thank you dahil pinagtaboyan mo ako. "

Ngumiti sya pero this time hindi na malungkot. May bahid na ng saya at nakikita ko ang kislap sa mga mata nya. 'Yong kislap ng taong umiibig.

" Dahil kung hindi mo ako pinagtaboyan, hindi ko malalaman na nandyan lang pala sa tabi ko ang lalaking nagmamahal sa akin ng totoo. "

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Bahagya ko 'yong pinisil.

" Masaya ako para sayo at salamat din. "

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpaalam na din sya dahil hinahanap na daw sya ng boyfriend nya. Nakwento nya sa akin na boyfriend nya daw ngayon ang best friend nya.

Tingnan mo nga naman. Minsan talaga hindi mo napapansin na nasa tabi mo lang pala ang taong tunay na nagmamahal sayo dahil nabubulag ka sa pagmamahal mo para sa iba. Malalaman mo lang na mahal mo din pala sila kapag wala na.

Masaya ako dahil nahanap na din ni Mich ang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo. Ngayon, masaya na ako dahil nagkausap kami at okay na din.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon