Kabanata || 10

545 23 2
                                    

Pakisabihan po ako kung may wrong spelling or any kind of error para ma-edit ko agad.

Thank you and enjoy reading :)

***

Dalawang araw na akong hindi pumapasok at dalawang araw na din akong nagmumokmok sa kwarto ko. Nakakahiya mang aminin ngunit dalawang gabi na akong umiiyak dahil sa nangyari noong nakaraan. Noong huli naming pag-uusap ni Allisa.

Mas nalulungkot ako dahil hindi man lang nya ako tinawagan para kamustahin. Dapat talaga hindi na ako umasa pero hindi ko naman maiwasan eh. Kahit walang aasahan ay umaasa parin ako.

Talaga bang totohanin nya ang sinabi nya na iiwasan nya ako?

May isang butil ng luha namang tumulo mula sa mata ko. Nakakabakla na 'to. Pero anong magagawa ko? Nasasaktan ako ngayon.

May kumatok sa pintoan pero hindi ako sumagot. Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang kumilos. Lahat. Wala akong gana. Parang wala na din akong ganang mabuhay.

Hindi ko akalain na ganito pala kasakit kapag nasaktan dahil nagmahal ka. Ito na siguro ang kapalit ng mga masasayang araw na kasama ko sya.

Isa't kalahating taong pagsasama namin. Sinayang lang nya at tinapon na parang basura. Ganon lang ba ako sa kanya? Basura na madaling itapon. Basura lang ba ang tingin nya sa pinagsamahan namin.

Napatakip ako sa mga mata ko gamit ang kanang braso ko dahil sa ilaw na mula sa pintoan. Tanghali na pero hindi ko parin binubuksan ang kurtina sa veranda o mas tamang sabihin na dalawang araw na akong hindi nasisinagan ng araw.

" Babe. "

Biglang namoo ang inis sa dibdib ko ng marinig ko ang malambing boses nya. Nagtalukbong nalang ako ng kumot para hindi ko makita ang nakakairita nyang mukha.

Narinig ko kung paano nya hinawi ang kurtina ng veranda. Narinig ko pa ang takong ng sandal nya na papalapit sa akin. Hinawi nya ang kumot kaya tinakpan ko nalang ang mga mata ko gamit ang braso ko dahil nasisilaw ako. Para tuloy akong bampira.

" Ano bang problema mo Lexus? "

Ikaw! Gusto kong sabihin sa kanya na sya ang problema ko. Dahil sa kanya kaya ako iniiwasan ni Allisa.

Nang dahil sa kanya ay nag-away kami at nang dahil sa kanya kaya ako nasasaktan ngayon.

Kahit gusto kong sabihin sa kanya 'yon ay parang wala akong lakas. Paano ba naman ako magkakalakas kung hindi ako kumakain. Pinipigilan ko rin na magalit sa kanya dahil baka makalimutan kong babae sya.

" Umalis ka nalang. "

Malumay kong ani at kinuha ulit ang kumot. Inis akong bumaling sa kanya ng kinuha nya ulit ang kumot.

" Bumango ka nga dyan! Ayos-ayosin mo nga 'yang sarili mo. Look at yourself. You look like a mess! "

Napapikit ako ng sigawan nya ako. Kapag hindi pa 'to tumigil baka hindi ako makapagpigil sa babaeng 'to.

" Umalis ka nalang pwede? Hindi kita kailangan at sino ka ba sa buhay ko para diktahan ako? "

" Sino ako? Sino ako!? "

Galit nyang sigaw habang tinuturo ang sarili nya. Kita ko ang sakit at umaapoy na galit sa mga mata nya.

" Fiancee mo ako Lexus for pity sake! Soon, magiging asawa mo na ako. "

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon