Kabanata || 2

1K 32 6
                                    

Napahawak ako sa sikmura ko ng bigla nya akong siniko don. Kaya nabitawan ko sya. Hinarap naman nya ako habang tinataasan ng kilay.

" At sino naman nagsabi sayo aber? Na nagseselos ako. Kung makabintang 'to. Kapal ng apog mo ah! "

Singhal nya sa akin at pagkatapos ay nag-walk out. Napailing nalang ako. Hindi daw sya nagseselos pero kung makapagsalita, idagdag mo pa ang namumula nyang mukha.

Napangisi nalang ako at sumunod sa kanya sa sala. Nakita ko syang nakaupo na kumukuha ng kanin. Hindi man lang ako hinintay. Umupo na din ako sa harap nya.

" Ally, naalala mo ba nong una tayo magkakilala? "

Napatingin naman sya sa akin. Ang cute nya talaga. Nakatingin sya sa akin ng may inosenteng mata habang subo-subo nya pa ang kutsara sa bibig nya.

" Hmm... Nong hinahabol ka ng mga babae? "

Tumango naman ako. Tumawa naman sya kaya napakunot noo ako.

" Bakit? Anong nakakatawa? "

" Hahaha naalala ko lang kasi ang araw na 'yon. Grabe ang mga babaeng 'yon ha! Akala mo mga zombies sila tapos ikaw 'yong brain. Haha grabe talaga! "

Patuloy lang sya sa pagtawa. Napatawa na din ako, tama naman kasi sya. Parang mga zombie kung maghabol ang mga babaeng 'yon.

Pero 'yon na din ang huling beses na hinabol nila ako. Kinabukasan kasi non ay sinigawan ko ang mga babae tapos nong hindi pa din sila tumigil ay sinumbong ko na sila sa dean.

Kaya ayon! Lahat sila pinapunta sa dean's office. Hindi nga sila nagkasya sa opisina eh. Pinagsabihan sila at tinakot na ipapa-expel sila kapag hindi nila ako tinigilan.

Buti nalang at natakot ang mga babaeng 'yon. Para sila mga psycho. Creepy psycho. Simula ng araw na 'yon ay hindi ko na sila pinapansin at palaging sinugungitan.

Pero ang kapal talaga ng bangs nila. Hindi sila madala-dala sa kasungitan ko. Patuloy pa rin sila sa pagpapansin sa akin.

Simula din ng araw na 'yon ay hinanap ko si Allisa. Doon ko lang nalaman na classmate pala kami sa lahat ng subject namin. Kaya nong makita ko sya ay araw-araw ko na syang kinukulit.

*

" Ally! "

Tawag ko sa kanya ng makita ko sya. Lumingon naman sya sa akin ng may pagtataka. Nagpalinga-linga sya kaya luminga-linga din ako. Walang katao-tao sa pwesto namin. Nilapitan ko sya.

" Bakit? "

" Iniiwasan mo ba ako? "

Nagtataka kong tanong. Simula kasi ng makita ko sya ulit ay gusto ko na syang maging kaibigan pero sa twing lumalapit ako sa kanya ay iiwas naman sya.

Hindi ko alam kung bakit may tumutulak at nag-uutos sa akin na kaibiganin ko sya. Pero 'yon talaga ag gusto ng sistema ko. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon