Unexpected Love Ending

731 21 5
                                    

"SABIHIN mo nga sa akin Lexies, sino ang lalaking 'yon?"

"Hindi ko nga sya kilala kuya!"

"Hindi ako naniniwala! Kung hindi mo sya kilala, bakit binigyan ka nya ng bulaklak?"

Nagkatinginan sila ni Lexus ng marinig ang boses ng mga anak nila sa sala. Inalalayan sya ni Lexus na tumayo mula sa pagkakaupo saka sabay na bumaba sa sala kung saan nila nakita ang mga anak nilang nag-aaway.

Kitang-kita nya kung paano nanliliksi ang mga mata ng anak nyang si Allexus habang ang anak naman nyang si Allexies ay parang wala lang dito na galit sa kanya ang kambal.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Abot hanggang kwarto ang boses nyo ah." Salubong ng asawa nya sa mga anak nila.

Hinawakan nya ang balikat nito saka bahagyang hinaplos. Pinapakalma ang asawa.

"Ito kasing si Lexies dad nagpapaligaw na." Agad na sumbong ni Allexus habang nakaturo sa kapatid.

Hindi makapawalang napatingin si Lexus sa anak habang sya naman ay mahinahon lang.

Sanay na sya na laging nagbabangayan ang dalawa sa twing uuwi galing skwela. Masyado kasing nagmana si Allexus sa ama. Masyadong over protective. Masyadong bantay sarado si Allexies sa kuya nya.

"Totoo ba 'to Lexies?"

"Dad!" Asik nya sa ama. "Naniwala naman kayo. How many times do I have to tell you both." Turo nito kay Lexus at Allexus. "Na wala pa akong planong magka-boyfriend. I'm too young for that love. My God!" Tumalikod ito saka umakyat. "Tatanda ako ng maaga sa inyong dalawa." Narinig nyang pahabol na sabi ng anak.

"Hoy Lexies, hindi pa tayo tapos mag-usap. Bumaba ka dito." Sigaw ni Allexus.

"Kausapin mo sarili mo kuya! Stop bothering me!"

"Lexies..."

"Allex." Napabaling ito sa kanya. "Wag mo ng kulitin ang kapatid mo."

"But mom."

"Shh." Itinaas nya ang kamay senyales para tumigil ito sa pagsasalita. "Just trust Lexies. And besides, hindi na bata ang kapatid mo. Alam na nya ang ginagawa nya."

Napasimangot ito. "But she's still our princess. I need to protect her."

"I know son but she's already a lady now. She can already made desicion by her self. Ang kailangan nalang nating gawin ay ang gabayan sya."

Hindi na nakapagsalita si Allexus. Bumuntong hininga ito saka tumango.

"Okay mom. Punta muna ako sa kwarto ko. I have lots of paper works to do."

"Okay."

Humalik ito sa pisngi nya at kay Lexus bago tuloyang umakyat sa kwarto nito. Napapailing nalang sya saka sinamaan ng tingin ang asawa.

"What?" Inosente nitong tanong.

Napailing sya. "Tingnan mo ang nangyari."

"Bakit? Ano ba ang nangyari?"

Tinaasan nya ito ng kilay. "Dahil sa pakikipagkonsyaba mo dyan sa anak mo, palagi nalang nag-aaway ang dalawang 'yan."

"Baby." Naglalambing na yumakap ito sa likod nya. "Pinoprotektahan lang namin ang prinsesa natin."

"Alam ko pero malaki na si Lexies. Isa pa normal lang naman ang magka-boyfriend sya ah."

Biglang kumalas mula sa pagkakayakap si Lexus.

"No. Bata pa ang anak ko." Pagtutol nito.

Napairap sya. "Para sabihin ko sayo X, college na ang anak mo."

"But still..."

"No more buts." Hiniharang nya ang daliri sa mga labi nito para hindi na makapagsalita.

NAGISING si Allisa na hindi na katabi ang asawa. Bumangon na sya at naligo bago lumabas ng kwarto. Nang makapasok sa kusina ay nakita nya ang asawa na nagluluto. Walang ingay na lumapit sya dito at niyakap ito.

"Hmm, bango naman."

Bahagya itong lumingon at hinalikan sya sa labi. "Sinong mabango? Ang niluto ko o ako?" May pilyong ngiti nitong tanong.

"Ikaw." May pang-aakit nitong sagot sabay dila nya sa puno ng tenga nito dahilan para makiliti ito.

"L." May pagbabanta nitong ani.

"What?" painosente nyang tanong habang hinihimas ang likod nito.

Napatawa sya ng mahina ng makitang nakatiim-bagang ito. She really love teasing her husband. Marupok kasi ito pagdating sa kanya.

"Kapag hindi ka tumigil, ikaw ang kakainin ko."

Natatawa syang umalis mula sa pagkakayakap nya dito saka umupo sa counter. Nakapatong ang baba nya sa dalawa nyang palad habang nakatingin sa asawang nagluluto.

They are happily five years married. Kinabukasan ng makaalala sya ay agad na nag-propose sa kanya si Lexus at makalipas ang isang buwan ay nagpakasal sila.

Gusto nyang simple lang ang maging kasal nila at pumayag naman si Lexus, kung ano daw ang gusto nya ay ito ang masusunod. Pero, hindi pumayag ang mga kapatid nya. Kahit sa kasal man lang daw nya ay makabawi sila sa taon na hindi sila nagkasama. Dahil sa mahal nya ang mga ito at ayaw nyang magtampo ito sa kanya ay pumayag na sya.

Walang araw na hindi sila masaya. May araw naman na nag-aaway sila pero wala namang gabi na natutulog sila na may sama ng loob o tampo. Palagi nilang pinag-uusapan ang mga bagay na hindi nila maintindihan.

To make things better, the couple just need to talk. Talk with a lot of understanding. Wala din kasing saysay ang pag-uusap kung hindi kayo nagkakaintindihan.

Basta, ang natutunan nya sa lahat ng pinagdaanan nya ay lahat ng bagay na masamang nagyayari ay may magandang pangyayari ang susunod. Ika nga nila, 'There's always a rainbow after the rain'. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay, dahil may plano ang Diyos sa lahat ng tao.

I never though that I will love a man like Lexus Lennon. I never expected this thing they called love.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon