TATLONG LINGGO. Tatlong linggo ng nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi parin sya kinakausap at pinapansin ng binata. Nami-miss na nya ito at gusto na nyang bumalik sila sa kung ano sila dati. Nami-miss na nya ang lalaking mahal nya.
Pabagsak syang umupo sa damohan at tumingala sa langit. Nagdadasal sa panginoon na sana pansinin na sya ng binata. Napabuntong hininga nalang sya ng maalala ang nangyari isang linggo ng nakakaraan.
***
Nagmamadali syang pumasok sa silid kung saan magaganap ang una nilang subject. Laking tuwa nya ng makita ang binata na nakaupo sa dati nitong upuan at mag-isa lang ito. Ito na ang pagkakataon nya para makausap ang binata ng walang nakakakita sa kanila.
Matagal na nyang gustong makausap ang binata pero naghahanap lang sya ng tamang tyempo na makausap ito ng sila lang. Hinihintay nya ito sa kubo pero hindi na ito pumupunta doon.
Huminga sya ng malalim para makausap ng maayos ang binata. Kinakabahan sya pero kailangan nyang labanan ang kabang 'yon para makausap ang binata at para maging maayos na sya.
Ayaw na nyang gumising ng isang araw na naman na iniisip na galit sa kanya si Lexus. Parang may sumasakal sa puso nya sa twing naiisip 'yon. Talagang nasasaktan sya sa sitwasyon nila ngayon.
" X. "
Bahagya syang napalunok ng tumingin ito sa kanya. Isang malamig at walang ekspresyong mga mata ang nakikita nya. Hindi na ito katulad dati kung tumingin sa kanya.
Noon, kapag tumitingin ito sa kanya ay may kislap ng saya at pagmamahal ang mga mata nito. Pero ngayon ay wala na syang nakikita kahit katiting man lang.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
ActionIsa lang akong simpleng studyante. Pero ang mga kapwa studyante ko ay hindi Simpleng studyante ang pagtingin sa akin. Heartthrob kung tawagin at ituring nila ako. Lahat sila ay iniidolo ako dahil sa Taglay na kagandahan ng mukha ko. Lahat sila ay pi...