Kabanata || 22

511 20 1
                                    

NAPANGITI si Allisa ng bumungad sa kanya ang kanyang dalawang kapatid ng buksan nya ang pintuan. Pinapasok nya ito at hinatid sa sala.

"Para pala sayo Allisa." Doon nya lang napansin na may dala pala si Lelouch. "Sinabi ni Lexus na naglilihi ka daw ng Ice cream kaya binihan ka na namin."

Nagningning ang mga mata nya sa narinig at nakita. Ice cream. Biglang nanubig ang bagang nya. Bigla-bigla ay gusto na nyang kainin 'yon.

"Salamat. Hindi na sana kayo nag-abala. Nakakahiya naman."

"Nako! Hindi ka dapat mahiya, pamilya tayo eh." Niyakap sya ni Allison. "Isa pa, bumabawi kami sayo."

Napangiti sya. Ang swerte nya talaga sa mga kapatid nya. Kahit nawalay sila ng matagal na panahon ay hindi 'yon naging hadlang para maging masaya sila.

Kung ang iba ay hihilingin na sana mabalik nila ang oras, sya ay ayaw nya. Ayaw nyang ibalik ang oras at hilingin na sana hindi sila nagkawalay. Nanghinayang sya sa mga panahong hindi sila nagkasama ng mga kapatid nya lalo na ang mga magulang nya ay hindi naman sya nagsisisi na dinukot sya dati.

Kung baga nagpapasalamat sya sa kung sino ang dumukot sa kanya, dahil kung hindi sya dinukot dati ay hindi nya makikilala ang dalawang tao na naging mga magulang nya at itinuring syang anak kahit hindi sya nito kadugo.

Kung hindi sya dinukot ay hindi nya mararanasan kung gaano kahirap ang buhay, kung paano magtrabaho para magkapera at higit sa lahat, kung hindi sya dinukot ay hindi nya makikilala si Lexus. Ang lalaking mahal nya at mahal na mahal sya.

Dahil sa nangyari ay marami syang natutunan. Dahil sa nangyari ay naging masaya sya at nahanap ang taong para sa kanya.

"Ang sarap ng luto mo Ally." Pagpuri ng kakambal nitong si Allison.

"Salamat." Nagagalak sya dahil nagustohan ng mga kapatid nya ang luto nya.

Nasa kusina sila ngayon at nananghalian ng sabay-sabay. Ito ang unang beses na kumain sila ng magkakasama.

Nang matapos sila ay nagpresinta na si Allison na sya na ang maghuhugas ng pinagkainan nila. Nang matapos ito ay tumambay sila sa sala.

"So Ally, tell me about your husband." Ngumiti ito sa kanya pero hindi aabot sa mata.

"Well," biglang lumapad ang ngiti nito na parang may naalala na masayang alala kasama ang asawa nito. "Gwapo sya, mabait, sweet at maalaga. For me he's the perfect husband."

Napangiti sya ng makita nya ang kislap sa mga mata nito. Nang magpatuloy sa pagkwento si Allison ay nalaman nya kung bakit magkahiwalay ang mag-asawa ngayon.

Nakikita nyang nahihirapan ang kakambal sa sitwasyon nya ngayon. Gusto nyang tumulong pero alam nya sa sarili nya na wala syang maitutulong. Pero kahit na nahihirapan si Allison sa sitwasyon ay nakikita nya ang pagiging positive nito. Nakikita nya ang pag-asa na malalampasan din nito kung ano man o kahit anong problema man ang dumating.

Nalaman din nya na may asawa na din pala ang kapatid nyang si Lelouch at buntis din ito. Hindi nya tuloy maiwasan makaramdam ng excitement na makilala ang maswerteng babae na napusoan ng kapatid nya.

HAPON na ng magpaalam ang mga kapatid nya at nangakong babalik kapag nagka-oras sila. Marami pa kasi silang gagawin. Masaya sya sa araw na 'yon dahil nabigyan sya ng pagkakataon na makasama at maka-bonding ang mga kapatid nya.

Nang gabi ding 'yon ay dumalaw din ang kasintahan nyang si Lexus. Sabay silang kumain ng haponan at mas naging masaya sya ng sabihin ng binata sa doon sya matutulog ng gabing iyon.

"Umalis sina mommy pabalik ng Pilipinas kaya makakasama kita ng ilang araw." Hinalikan ni Lexus ang buhok nya habang magkayakap silang nahiga sa kama.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon