Kabanata || 28

469 18 2
                                    

HUMINGA ng malalim si Lexus saka marahan na binitawan ang hininga. Malumay ang mga mata na tinitigan nya ang dalaga na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kama.

"Okay na sya ngayon. No need to worry." Sabi ng doctor pagkatapos tingnan ang dalaga.

"Pero bakit sumakit bigla ang ulo nya doc?" Tanong ni Shawn.

Huminga ng malalim ang doctor. "Headache are symptom that her memory are getting back together."

Biglang natuwa ang puso nya sa narinig. Her memory are getting back. Maaalala na sya ng dalaga. Maaalala na nito kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Hindi na sya makapaghintay na bumalik ang buo nitong alaala.

"Pero bakit ngayon lang doc? I mean, after all this years, eight years, bakit ngayon lang bumabalik ang alaala nya? Bakit hindi nong mga nakaraan?" Nalilitong tanong ni Shawn.

Kahit sya man ay marami ding mga tanong sa isip nya. Sang-ayon sya sa mga naging tanong ni Shawn.

"Isa lang ang ibig sabihin nito, kaya ngayon lang bumabalik ang memorya nya after eight years ay dahil may mga nakikita o nakikilala sya na part ng memorya nya noon."

Nagkatinginan sila ni Shawn. Kahit walang salitang lumalabas sa mga bibig nila ay iisa lang ang nasa isip nila. Dahil ba sa kanya kaya unti-unti ng bumabalik ang alaala ng dalaga?

"Kapag may tao syang nakalimutan na nakilala nya ulit, mas makakabuti ba kung palagi nya itong nakikita o makakasama?" Tanong ni Shawn habang patingin-tingin sa kanya.

"Yes. That would be the best thing to do para mas madaling mapabalik ang alaala nya. Mas madali syang makaalala kapag nakapunta sya sa mga lugar na napuntahan na nya dati. Lalo na ang mga taong kakilala nya noon."

Tumango sila ni Shawn. Nagbilin ang doctor bago umalis. Walang imik na umupo sya sa gilid ng kama ni Allisa. Hinawakan ang kamay saka hinalikan ang likod ng palad nito.

"L." Masuyo nyang hinaplos ang pisngi nito. "Sana maalala muna talaga ako."

Tinapik ni Shawn ang balikat nya. Napabuntong-hininga nalang sya. Bakit ba ganito nalang palagi? Palaging may hadlang sa pagmamahalan nila. Akala nya noon magiging masaya na sila dahil magkakaroon na sila ng mga anak pero nagkamali lang pala sya.

"Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong nya kay Shawn habang sa dalaga parin nakatingin.

Tumango si Shawn saka lumabas ng kwarto. Hinalikan nya muna ang noo ng dalaga bago lumabas sa kwarto saka sumunod kay Shawn. Pumunta sila sa library nito.

"Anong pag-uusapan natin?" Agad na tanong ng binata ng makaupo sila sa magkaharap na sofa.

"Gusto ko sanang kunin ang mag-ina ko." Tiningnan nya ng mabuti si Shawn. Tinitignan kung ano ang magiging reaction nito pero nakatingin lang ito sa kanya kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Ang sabi ng doctor mas madaling maibabalik ang mga alaala nya kung makakasama nya ang mga taong nakasama na nya noon."

Tumango-tango si Shawn. "Inaasahan ko na nasasabihin mo 'yan. Wala naman akong tutol. Gusto kong makaalala na si Allisa para maging masaya at buo na kayong pamilya." Bumuntong-hininga ito. "Pero wala sa akin ang desisyon. Na kay Allisa."

"Alam ko. Kaya gusto ko muna sya makausap, kung papayag ka."

"Oo naman." Tumayo ito saka tinapik ang balikat nya ng ikalawang beses. "Magiging okay din ang lahat."

"Sana nga."

DAHAN-DAHANG lumapit si Lexus sa dalagang nakaupo sa isang swing sa garden. Umupo sya sa tabi nito. Napatingin naman sa kanya ang dalaga na nakakunot ang noo.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon