Kabanata 26

420 14 3
                                    

"SIGURADO ka na ba talaga na aalis ka?"

Humarap sa kanya ang dalaga at ngumiti pero isang malungkot na ngiti. Hindi nya maiwasang mag-alala at maging malungkot para rito.

"Yeah. Ito ang dapat kong gawin. I need to keep myself busy to forget the bad things that happen."

"Mami-miss kita tita." Malungkot na sabi ni Allexus.

Naiiyak namang niyakap ni Blaze ang bata. "Mami-miss din kita."

"Bakit pa kasi kayo aalis? Ayaw mo ba dito? Ayaw mo ba sa akin?"

Umupo si Blaze para mapantayan si Allexus.

"Hindi ganon baby. Syempre gusto ko dito at gusto din kita." Tiningnan sya ng dalaga. Nginitian nya ito at nginitian din sya pabalik bago bumaling kay Allexus. "May mga pangyayari lang kasi na kailangang lumayo ng isang tao para maging okay. Isa pa, nandon kasi ang work ni tita. I can't stay long here. But I will call you, okay?"

Kahit ayaw ng bata ay tumango parin ito. Allexus is way too smart to understand things. Tumayo na si Blaze at hinarap sya saka niyakap.

"Call me when you get there."

Tumango ito. "I will."

"And kick his ass for me."

Natawa ito sa sinabi nya. Pinahid nya ang luhang kumawala sa mga mata nito.

"Shh, don't cry. That asshole don't deserve your crystal tears." Tumango ulit ito. "Bakit kasi ayaw mo ipakita sa akin ang gagong 'yon ng masuntok ko naman."

"Nah. 'Wag na. He don't deserve your time."

Umingos sya. "Yeah right."

Ngumiti ulit ito saka sya niyakap ulit. "I'll miss you. Thank you for everything. For the friendship."

Niyakap nya pabalik ang dalaga ng mahigpit. Parang gusto na tuloy nyang maiyak.

"See you soon."

"See you."

Gusto nyang maiyak sa pag-alis ni Blaze. Parang pinipilipit ang puso nya habang tinitignan nya ang dalaga na papalayo. She's been his listener and friend at the same time. Ito ang pumalit kay Allison sa pakikinig sa kanya.

She's like a sister to him. A sister he never had. Ang swerte lang ni Blake dahil nagkaroon sya ng kapatid na kagaya Blaze. Na kahit minsan ay nagbabangayan ang dalawa ay alam naman nya na mahal nito ang isa't-isa.

Blaze need to go back to Paris. Blaze need to go to forget. Kinabukasan ng kinuha nya ito sa club ay sinabi sa kanya ng dalaga kung anong nangyari.

Biglang nagtagis ang bagang nya ng maalala naman ang ginawang kagagohan ng dating kasintahan ni Blaze. That asshole. Pinadalhan lang naman si Blaze ng scandal video ng dati nitong boyfriend at ang dating girlfriend ng lalaki.

Gustong-gusto nyang bugbogin ang hayop na nanakit sa kaibigan nya pero pinipigilan sya ni Blaze. Ayaw nito ng gulo.

Hindi nya lubos maisip na may ganong mga lalaki. Kung sya ay hindi nya iyon kayang gawin sa babaeng mahal nya.

"Lets go?"

Inilahad nya ang kamay kay Allexus na ngayon ay umiiyak na. Tumango naman ito saka tinanggap ang kamay nya.

"Wag ka ng umiyak. Ililibre nalang kita ng ice cream. Gusto mo 'yon di ba?"

"Opo." Tango nito habang sumisinghot.

Ginulo nalang nya ang buhok nito saka marahan na hinila palabas ng airport.

Sana sa pag-alis ni Blaze ay maging maayos na ito at mahanap na ang lalaking totoong para dito.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon