Kabanata || 12

564 24 2
                                    

Tahimik kaming kumakain ng sabay ni Allisa ngayon. Nang matapos ang aminan kanina ay napagdesisyonan na namin na kumain dahil talagang sumigaw na ang tyan ko na gutom na sya at hindi na nya kaya.

Tsk! Panira ng moment ang tyan ko.

" So... "

Napatingin ako kay Allisa na kumakain parin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit.

" Tayo na ba? "

Napatigil sya sa pagkain at napaangat ng tingin sa akin. Kinakabahan ako sa magiging sagot nya. Kahit na kanina lang ay sinabi nya na mahal nya ako.

Hindi naman siguro masama kung tanongin ko sya kung kami na ba dahil matagal ko naman din syang mahal. Matagal na din akong nanliligaw sa kanya. Isang ligaw tingin. Pero kahit ganon ay sinisigurado ko naman na mararamdaman nya.

Inilapag nya ang hawak nyang kutsara't tinidor at tumingin sa akin. Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin. Damn! Ganon parin kalakas ang epekto ng mga mata nya sa akin kahit na ilang araw na kaming hindi nagkikita.

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita.

" Paano si Mich? Ang fiancee mo? "

Tumango-tango ako. 'Yon ba ang pumipigil sa kanya para mahalin ako? Pwes! Hindi ako papayag na may pumigil sa kanya.

" Wala naman kami eh. At isa pa hindi ko sya mahal. Ikaw ang mahal ko L. "

" Alam ko. "

Ngumiti ako dahil sa mabilis nyang sagot. Talagang alam nya dahil talagang pinaparamdam ko sa kanya 'yon.

" Pero sya ang gusto ng mga magulang mo para sayo. "

Napabuga ako ng hangin. Kahit sino pa ang ireto nila sa akin. Kung hindi din naman si Allisa ay hindi ako magpapakasal.

" Wala akong pakialam. Ikaw ang mahal ko. 'Wag ka ng mag-alala. Umatras na sya sa pakikipagkasunduan sa mga magulang ko. "

" T-Talaga? "

Napangiti ako sa kanya ng malapad.

" Oo. "

Agad akong nag-panic at lumapit sa kanya ng may nahulong na mga butil ng mga luha sa mga mata nya. Tinuyo ko ang mga luha nya gamit ang mga labi ko.

" Shhh... 'Wag kang umiyak, please. Nasasaktan ako. "

Ngumiti naman sya at hinawakan ang dalawa kong kamay na nakahawak sa mukha nya at hinalikan ito. Napangiti ako sa ginawa nya. Parang gusto ko din umiyak gaya nya dahil sa tuwa na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko aakalain na aabot ang araw na ito. Ang araw kung saan aaminin din sa akin ng babaeng mahal ko na mahal din nya ako.

" Masaya lang ako. Akala ko kasi mawawala ka na sa akin. Natakot ako na baka katulad ng mga magulang ko ay iwan mo din ako. "

Niyakap ko sya ng tuluyan na syang humikbi. Hinaplos ko ang likod nya para patahanin sya.

Pakiramdam ko ay parang nag-aawitan ang mga anghel sa langit dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya. Sapat na sa akin na malaman kong mahal nya ako at natatakot syang mawala ako.

" Natatakot ako na baka huli na ako. Nagsisisi ako na itinulak kita palayo. Nang hindi ka pumasok, naisip ko na baka magkasama na kayo at naghahanda na para sa kasal nyo. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit kita pinakawalan.

Dapat ipinaglaban kita. Dapat hindi ko hinayaan na makuha ka ng iba. Pero naging mahina at duwag ako. Alam ko naman na mahal na kita pero palagi ko nalang 'yon isinasawalang bahala. "

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon