Panimula...

2.3K 53 4
                                    

Isa lang akong simpleng studyante.
Pero ang mga kapwa studyante ko ay hindi
Simpleng studyante ang pagtingin sa akin.

Heartthrob kung tawagin at ituring nila ako.
Lahat sila ay iniidolo ako dahil sa
Taglay na kagandahan ng mukha ko.

Lahat sila ay pinapansin ako pero ni
Isa sa kanila ay wala akong pinansin.
Dahil kahit isa sa mga babae ay wala akong
Interest.

Ang gusto ko lang ay mag-aral at makapagtapos.
Gusto ko lang makahanap ng trabaho.
Isa ito sa mga pangarap ko dahil gusto kong bumukod
Sa mga magulang ko na wala ng iba
Pang inisip kundi ang ipilit akong ipakasal
Sa anak ng mga business partner nila.

Hindi nila iniisip kung gusto ko bang gawin ang
Mga bagay na gusto nilang ipagawa sa akin.
Wala silang pakialam sa nararamdama ko.

Ang tanging iniisip lang nila ay ang negosyo nila.
Ang pagpapayaman at pera.

Lahat ng babae sa skwelahan ay gusto ako.
Pero ni isa sa kanila ay wala akong gusto.
Hindi ako nagka-interest sa mga babae.

Aral at bahay lang ako. Walang plano sa pag-ibig.
Walang planong magmahal.

Pero sa isang iglap nagbago ang lahat.
Dumating sya. Sa lahat ng babae ay sya ang
Kakaiba.

Ang akala ko na hindi ako magmamahal ay
Naging akala nalang.
Natuto akong magmahal at maging masaya
Nang dahil sa kanya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon