Kabanata || 6

615 23 3
                                    

FAKE LOVE... FAKE LOVE... FAKE LOVE... FAKE LOVE... FAKE LOVE... FAKE LOVE... FAKE LOVE... FAKE LOVE... FAKE LOVE... FAKE LOVE... FAKE LOVE... FAKE LOVE...

ng BTS... Hoho grabe guys ang ganda ng MV nila. Paulit-ulit kong pinapanood. ang gwapo ni Jimin my labs.. :D

Grabe! Ilang araw palang mula ng mapakita ang MV nila ay umabot na ito sa 60M views at 4.something likes. Syempre isa na ako don. Haha

Nakakatuwa. Ang layo na ng narating ng BTS :) Hope na sila pa rin ang manalo sa billboard award. Hollywood lahat ng kakopetensya nila at tanging sila lang ang K-Pop group na kasali sa nominate. Grabe, nakaka-proud sila. Nakakatuwa din ang mga interviews nila.

- Pasensya na din kung matagal akong hindi nakapag-UD kasi nasira po ang phone ko. hoho what to do!

Sa ngayon nakikigamit lang po ako. Ito na po ang UD ko at bukas na po 'yong iba kong update sa iba ko pang story.

- Enjoy :)

***

Dalawang araw na ang nakakalipas nong gabing hinatid ko si Allisa. Dalawang araw na din syang hindi pumapasok. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi sya pumapasok. Hindi nya sinasagot ang mga tawag at text ko sa kanya.

Pinuntahan ko sila sa bahay nila pero wala namang tao. Bakit ba hindi sya nagpaparamdam sa akin? May nagawa kaya akong mali? Okay naman kami nang huli kaming magkita. Nag-aalala na ako sa kanya. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko alam kung anong kalagayan nya.

" Class dismiss. "

Agad akong lumabas ng silid namin at mabilis na tumungo sa parking lot. Pinaharurot ko agad ang kotse ko ng makapasok ako. Pinark ko ito at pumasok sa coffee shop na pinagtatrabahuan ni Allisa.

" Good afternoon sir. Table for one? "

Umiling ako sa tanong nya at bahagya pang lumapit sa kanya. Nakita ko pa kung paano naging kulay pula ang magkabila nyang pisngi. Hindi ko na pinansin 'yon at tinanong kung anong pakay ko.

" Magtatanong lang ako miss. Pumasok ba ngayon si Allisa? "

" Si Allisa? "

Tumango naman ako.

" Nako hindi eh. Kahapon nga din wala sya. "

" Alam mo ba kung bakit hindi sya pumasok? "

Umiling naman sya. Napabuntong hininga nalang ako. Bagsak ang mga balikat ko ng lumabas ako ng coffee shop. Hindi sya pumasok. Saan ko naman sya hahanapin ngayon?

Napatingala ako sa langit. Doon ko lang napagtanto na magdidilim na pala. Baka naman nasa bahay na sya ngayon. Agad akong pumasok sa kotse at pinatakbo ito papunta sa bahay nila.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon