CHAPTER 4

107 2 0
                                    

kuha,dampot, tapon basura. Yan ang ginagawa ko ngayon. Naglilinis ng kwarto ko. Kwarto na puno ng aming larawan ni ryan at kung ano ano pa. Dapat wala na ang mga bagay na galing sa kanya. Damit, teddy bear, at mga imahi. It should be burn by now.

Kaya nakatingin lang ako sa mga bagay na unti unting kinakain ng apoy pero bakit masakit sakin? Bakit parang labag sa damdamin ko. Kahit sinaktan niya akot iniwan ay naging masaya din naman ako kahit papaano.

"No.no. hindi pwedi to.." wika kong mag isat dali daling kumaripas patungong kusina at kumuha ng isang baldeng tubig at kumaripas ulit pabalik sa may apoy.

And there. Binuhos ko lahat.  Napabuntong hininga akot minamasdan ang basang mga damit na ngayoy abo na.

"Its too late. Too late to fix everything" datdat ng bibig ko. Para naman akong baliw dito. Tumango nalang ako sa silid kot itinxt si oscar.

"I want to come with you"

Message sent.. . .

Isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Isang linggong di nagpapakita. Simula noong nangyari sa labas ng bahay namin ay di sya kumikibo. Hindi din siya nagrereply sa mga messages ko. He didnt even answer my calls.

Napatugon ako sa cellphone nang itoy tumunog.

"Okay. :) ill pick u up now"

Now?? As in ngayon?? Nilunok ko muna ang laway ko bago siya replyan.

" ngayon din ? "

Reply ko sa kanya. Pagkatapos? Wala na akong natanggap na txt galing sa kanya..

"Pssssttt!"
"Huy!! Ano na?"
"OSCAR!!!"
Nakakailang txt na ako at wala parin akong natatanggap na reply galing sa kanya. Ano ba ang problema nitong taong to. Weirdo ng konti..

Di ko alam kung ilang minuto na ang lumipas at nalaman laman ko nalang na nasa labas na pala siya ng bahay namin.

" ano ka ba? Ilang minuto ako nag aabang ng txt mo kung o oo kaba o hindi." He rolled his eyes na tila naiinis. At siya pa talaga ang may ganang mainis at mairita..

"Obviously. Oo ang sagot jan dahil dito na ako sa bahay ninyo. Lika na!" Hindi pa nga ako nakapag bihis o nakapaghanda ay hinila na niya ako patungo sa motorcycle niyat pinasakay. Magpapacute pa sana ako pero wala ng oras dahil siya na mismo ang bumuhat sakin pasakay sa motorcyle niya.

"Fasten ur seatbelt" wika niyat tinurn on ang makina.  Seatbelt?

"Ano to kotse para magkaroon ng seatbelt.?" Nginitian niya ako't walang pakundangang pinaandar agad ang motorcycle. Unexpectedly napayakap ako sa katawan niya. Ikaw ba naman ang nasa position ko. Kung makapagpatakbo siya ay parang racing sa sobrang lakas.

"Yan sabi ko. Seatbelt" hain niyat tumawa ng mahina. Tsaka ko pa nagets ang tinutukoy niya. Im his seatbelt tangna!!!

In behalf sa pagpapatakbo niya. Nabaling ang attention ko sa pabango niya. Ngayon ko lang napansin na ang bango bango niya. Yun bang masarap sa ilong. Hindi siya masakit kung sisinghutin. Kahit ayaw ko man amuyin ay dinudukot talaga ng hangin patungo sa ilong ko. Nyeeetttaa lang.. nakakaadik!!!

"Baba na" hain niya agad sakin pagdating sa aming destinasyon. Nagdadalwang isip akong bumaba. Nakapangtulog pa ako. Pajama.tshirt at tsinelas. Ni hindi pa nga ako naliligo.

"Ayaw ko" bara ko sa kanya. Napalingon naman siyang nakakunot noo.

"At bakit??" Hala? Nagtataka pa ang gago. Hinampas ko ang ulo niya.

"Dinala moko sa mall tapos ganito attire ko? Di mo man lang ako pinag bihis" pagrereklamo ko. Aba dapat lang nooh? Bihis na bihis nga siya eeh.

"Ano ba gusto mo ? Mag gagown ka pa? " ay nagpipolosopo pa itong gago.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon