CHAPTER 26

55 2 0
                                    

Andito kaming lahat sa hapagkainan. Hapagkainan na hindi ko alam kung gaganda paba. Hindi man lang pinapalipas ni reynier ang kasiyahan namin ni oscar. alam na alam ko kapag andyan sya ay palaging may nangyayaring hindi maganda. Hindi rin naman namin masisisi. Kaibigan niya itong si missy.

"Oscar gusto mo itong hipon diba?" Pagtatanong ni reynier towards oscar. Palibhasa nasa unahan ako at nasa tabi ko si oscar at ang katabi naman ni oscar ay si reynier. Kaya kung makaasta at makadikit parang boyfriend niya. Dumampot naman si reynier ng hipon para kay oscar at inilagay sa plato nito.

Wala akong magawa kundi tumingin lang sa kontrabidang pilit inaagaw ang boyfriend ko.
"Okay ka lang jay?" Yumango yango lang ako. Naagaw na naman ng attensyon namin sa pagpapansin ni reynier. "Ito oscar. Tikman mo to" humablot siya ng kung anong pagkain at isusubo kay oscar ngunit hindi ko kayang tumingin lang.

"Oooppss. Reynier! I can do my job as his boyfriend. Kaya ko syang kunan ng kung anong pagkain at Kaya ko rin syang subuan. Hindi pa ako patay para palitan mo ako ng trabaho." Mahina kong talak na alam koy kaming tatlo lang ni oscar ang nakakarinig. Napatingin naman si reynier sa kanila at pati na din ako. Pasalamat nalang sya at busy silang nakipagtalak sa isat isa.

Nakita ko namang ngumiti si reynier ng mala plangganang kaplastikan. "Gusto mo jay patayin na kita para mapalitan ka na?" Tumawa siya ng mahina habang ako namay nanggigigil na hablotin sya. "Tama na reynier. Nakakagulo ka lang." Wika ni oscar patungo sa kanya at umusog ng upuan palapit sakin.

Hindi na rin kami nagtagal sa bahay ni yuri at nauna na kami ni oscar na umuwi. Baka ano pa ang magawa ko kay reynier kung magtatagal lang kami doon. Kaya napagdesisyunan naming mauna. Gusto ko din namang masolo ang boyfriend ko. Bumalik kami sa plaza and this time kami nalang dalawa. Naglalakad kami habang dinadaanan ang mga tao. Ganun parin. Kahit gabing gabi na at marami pa ring mga tao, karamihan nga lang ay mga magjowa.

"Alam mo jay? naiinggit ako sa kanila ni yuri. Kaya nilang maglahad ng pagmamahal sa maraming tao. Kaya mo ba yun ?" Napaisip ako sa tanong niya at napangiti.
"Kinaya ko ngang harapin ang mga business partners ni mama at ipinakilala ka bilang boyfriend ko. Ngayon pa kaya?" Ako na mismo ang kumuha ng kamay niya na nakasubsub sa kanyang bulsa at hinawakan ito na parang walang bukas.

"Ganito ba gusto mo? Hawak kamay?" Pagtatanong ko at huminto sa paglalakad. Pinaharap ko si oscar sakin at hinawakan ang magkabilang kamay. Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng ibang tao sa amin. Kung ano ang tingin nila. It doesnt matter.

Napabuntong hininga ako habang kami ay nagkatinginan ni oscar na para bang bagong nagkakilala. "Alam mo oscar? Natoto akong hindi mahiya sa harap ng tao kasama ang mahal ko. Dahil sayo.... Nang dahil sayo, nawala ang takot ko na bakay ano ang sabihin ng tao. Nang dahil sayo, pinakita mo sakin na hindi mahalaga ang iba at ang tingin nila... nang dahil sayo, nadagdagan ang kompyansa ko sa sarili." Huminto ako sa pagsasalita't bumitaw saming pagkakahawak kamay at unti unting nilapit ang mga kamay ko sa magkabila niyang pisnge.

Lumapit narin ako sa kanya ng sobra. Yung lapit na mararamdaman mo ang bawat paghinga niya, ang bawat paglabas at pagbalik ng monting mga hangin sa matatangos nyang ilong. Yung isang tulak nalang ay maghahalikan na kami.
"I learn to love again. Its because of you" ngumiti muna ako bago nilapat ang aking natutuyong labi sa kanyang labi. wala na akong pinalampas na gabing hindi ko sya mahalikan. Walang oras na dadaan kapag hindi ko maipadama na mahal na mahal ko siya. Pinulupot naman niya ang kanyang kamay saking bewang at kinuha pa ako palapit sa kanya.

Ngayoy dikit na ang aming maiinit na katawan. ay nararamdaman ko ang pagpitik ng puso niya. Ngunit mas damang dama ko ang paghalik niya sa mga labi ko. He kissed me so gentle, he kissed me with care. And he kissed me with....... with....... with........ with......
With a boner that stand still under his unzip zipper??

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon