CHAPTER 35

128 5 1
                                    

Cherish every moments, treasure every deeds. Appreciate every efforts and take time for everything. 'Cause everything is not consistent and will be gone and change completely.

Time?

Oras na para maghanda handa ako sa kahihinatnan ng mahal ko. Maghanda handa na ako sa ano man ang mangyayari. Kahit balibaliktarin ko man ang lahat, hindi na rin mawawala ang sakit ni oscar. Lumala pa ng lumala habang palipas at palipad ang panahon.

Habang nilalasap namin ang lamig ng hangin dito sa kabukiran ay Nakahiga naman ang ulo ni oscar sa may paanan ko habang nakatingin siya sa maaliwalas na kalangitan.

"Jay mahal?" Pagpapansin ni oscar sakin. Tinugunan ko siya sabay sa pagtaas ng aking dalawang kilay.

"May itatanong ako." Napaubo pa siya bago natapos ang tanong niya. Ganyan na talaga siya kalubha.

Napahawak ako sa may noo nya sabay sa paghahaplos ng kanyang buhok. "Ano yun ?"

Ngumiti sya na parang maiiyak. "Tulungan mo muna akong i ahon ang kamay ko patungo sa mukha mo" sinunud ko naman ang utos niya at tinanong ko ulit kung ano.

Hindi siya umimik at pinikit ang kanyang mga mata habang pinagsasawaan  ang mukha ko sa paghaplos ng kanyang kamay.

"Let me have this time to touch your face. I may be tough before but now ?" Napahinto sya sa pagsasalita dahil sa panginginig ng kanyang boses na parang maluluha.
"I am.... I am frightened not to touch and see your face again. Natatakot ako na baka sa pagmulat ng aking mga mata ay wala ka na. Natatakot ako na hindi ko na ulit maamoy ang amoy mo, natatakot ako na hindi kita makakapiling Kasi..... kasi mahal. Gusto ko ng sumuko pero pilit kong nilalaban ang sarili ko para sayo." Tumulo na ang luha niya sabay sa pagtulo rin ng luha ko.

Kahit gustuhin ko mang huwag umiyak sa harapan niya ngunit nasasaktan ako.

"Oscar naman!.. huwag naman sana! Huwag ganito." Pinunasan niya ang mga luha ko kahit hindi niya tinitignan.

"One thing i realized mahal. Mahirap kalabanin ang oras. Sana sinulit natin ang panahon noong malakas pa ako. Sana sinulit natin ang pagkakataon na magkasama tayo, sana sinulit natin ang oras na puno ng saya. Coz, we cant turn back time and spend out together again. Sobrang hirap, gusto ko pa sanang manatili sa piling mo ngunit ang oras ko ay papalapit n.............."

Hinarangan ko ang bibig ni oscar saking kamay. "Sssshhhhhhh! Tama na!"

Napalanghap ako ng hangin at kinuha ang kamay ni oscar at nilagay sa bibig ko at hinalik halikan.

"Dapat hindi kita sinaktan dati. Dapat binigay ko na ang lahat para mapasaya ka. Dapat hindi kita pinakawalan sa braso ko kahit naiinitan tayo. Dapat hindi ko na inalis ang bibig ko sa bibig mo oscar. Dahil hindi ko talaga alam kung kailan ang huling halik ko. Kung kailan ang huling hawak ko sa kamay mo. Kung kailan ang huling yakap ko sayo. Kung kailan ang huling magkakasama tayo...Maybe... maybe... maybe..." dumaragsa na ang mga luha ko. 😭😭😭

"Maybe this will be the last time that i can see your face. That i can see your being. That i can touch you. See you,  smell you, hug you, kiss you.. maybe this will be the last. Kasi minu minuto napaisip ako. Kailan ba talaga ang huli.? Para maipadama ko sayo kung gaano ka ka importanti sa buhay ko. Para naman kahit sa huling hinga mo andito ako. Andito ako oscar...... andito ako... kaya please.. be strong. Hindi pa ako handa......." i blurted out myself dahil nasasaktan ako.

Umabot ng minuto ang hikbi ko. "Jay mahal? Ipapangako mo Kung saka sakaling mawawala ako. Huwag mo na akong dalhin kay doctora o sa ospital ah. Wag mo na akong buhayin pa. At huwag kang iiyak. Dahil nasasaktan ako. Kaya tigil na." Yumango yango lang ako dahil walang lumalabas sa bibig ko...

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon