CHAPTER 5

107 1 0
                                    

Sabi ni oscar. Pupunta daw kami sa lugar kung saan pwedi akong makalimot. Kung pukpukin ko nalang kaya tong ulo ko para makalimutan ko ang lahat ni pati ang pangalan ko. Yung bang hindi mo kilala ang lahat ng nasa paligid mo. Nang sa ganun mawala ang sakit ng puso ko. Yun nga lang masakit physically.

Nakatulog ako sa byahe namin ni hindi ko nga alam kung ilang oras ako nakatulog. Kung ilang oras ako humihilik at naglalaway.

"Were here" anonsyo niya.. napatingin nalang ako sa labas ng window shield. Ang nakikita ko lang ay isang malaking bahay na napaligiran ng mga punot preskong bulaklak. If ill going to descibe it. Mukha siyang hacienda. Ayy. Mali. Mukhang nasa bukid kami at ang bahay lang nila ang nakatayo. . .

Bahay ba talaga yan? Ni wala ngang nakatira. Ang tahi tahimik kasi.

"Ito na ba yun?? Ito na ba yung sinasabi mong makakalimutan ko ang lahat??" Pagtatanong ko sa kanya na may kasamang panlilisik na mata.

"Oo. Ito na yun. " ngiti ngiti niyang wika. Ayy nyeettaa... mababaliw ako dito.

"Talagang makakalimutan ko ang lahat dahil mababaliw ako dito. Ang tahimik at mukhang nakakatakot. Na tilay tayo lang dalwa ang nakatira." Pagrereklamo ko. Napataas naman siya ng kanang kilay niya..

"Dami mong satsat. Baba na!" Pag uutos niyat agad na bumusinat lumabas ng kotse. Abay!! Dineadma ako.?? Do i need to regret na sumama ako sa kanya? Nyyeeettaaa. . .

Tiningnan ko lang siyang naglalakad towards the house. And came to my surprise ang daming mga batang lumabas galing sa bahay. Sino ba sila ?? Anak niyang lahat? Kapatid? Kamag anak? Ina anak? Ano? . Sa pagtingin ko sa kanilay mukhang nagkakasiyahan. Napalibutan si oscar ng mga bata. Ang ibay yumakap at ang ibay binuhat ni oscar. May pahalik halik pa nga siya sa mga ito. .

Binaling ko ang tingin sa likod nila. Nakita ko ang mga mag asawa. Mukhang may edad narin naman sila. Nabalik ang tingin ko sa kinaruruonan ni oscar. Bigla niya akong tinuro at ang lahat ng mga mata ng bata ay nakatingin na sa akin. Tangna. Ano bang ginawa niya.

Mas lalo akong na alarma nung nag sitakbuhan silang lahat patungo sakin. Nakita ko nalang na  ubod ng ngiti si oscar. And here they are. Kumakatok sa bintanat pinto ng kotse. Wala akong magawa kundi ngumiti like im saying hi o hello. Di rin naman nagtagal ay ako na ang kusang lumabas. Natatakot lang ako na baka mabasag nila yung salamin ng kotse sa kakakatok.

"Hi kuya pogi."
"Hmmmm. Ang bango bango."
"Pabuhat po."
"Ako rin po"
"Pa back ride"

Datdat nila. Hindi ko alam kung sino ang uunahin. Ang kukulit nila. May iba sumisinghot. Yumayakap at nagpapabuhat.

"Buhatin mo na yan" pangiti ngiting hain ni oscar ng makalapit. Nagmukhang may pagkaalala ang mukha ko. Di ako sanay sa ganito. Ni hindi pa nga ako nakabuhat ng bata maliban sa pamangkin ko.

"Pabuhat po" sangyaw sa isang cute na babae. Madungis sila dahil siguro sa paglalaro. Nagdadalwang isip ako. Konti nga lang damit ko na binili namin madudungisan pa pagbubuhatin ko itong mga ito.

"Wag muna baby ahh. Sa susunod nalang." Pagpapaliwang ko. And here she goes. Parang iiyak. Tangna. Kawawa naman. Teary eyes na siya.. hala!!

"Buhatin mo na yan bago pa umiyak. Hahaha" singit ni oscar. Sinamaan ko naalang siya ng tingin.. lagot ka sakin mamaya.

Wala akong magawa kundi buhatin ang batang ito. Umupo ako ng konti para makuha ko ang bata. Hindi pa nga ako nakatayo ay may umakyat sa likod ko. At nag si akyatan sila sa parte ng katawan ko.

"Hep hep hep. Wi... wait" wika kong natataranta. Tangna. Pakiramdam koy silang lahat na ang tumungtong sa likod kot nagbabackride.. the hell.

"Ga... ga.. guys.. hinay hinaay lang." Pagrereklamo ko. Napaluhod na ako dahil di ko na nakayanan. Im struggling handling these kids. Nakakunot noo na akong nakaluhod pero mukhang nagkakasiyahan pa ang mga bata na nakatungtung sa likod ko.
Rinig ko pang natatawa si oscar sa likuran ko.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon