CHAPTER 23

48 1 0
                                    

Hindi ko alam na dahilan ay bigla akong kinabahan. Kaba na medyo natatakot. Kaba na medyo hindi pa handa sa ano man. Nawalan na nga ako ng isang dati kong mahal at mawawala pa ngayon ang pinili kong mahalin. Agad kong tinawag ang assistant ko at lumapit naman sakin. " ahm. Bert. Pakitawag nga si MR. CASTRO. Kakausapin ko ngayon din. Salamat " agad namang ginawa ni robert ang inutos ko sa kanya. hindi naman umabot ng isang oras at nandito na siya sa harapan ko. "Sir. Kanina pa ako naglilibot dito sa resort ngunit hindi ko mahagilap si sir oscar." Nginitian ko nalang at ako na mismo ang naghanap sa buong paligid. Dahil hindi haka haka ang pinagsasabi ni robert sakin ay totoo talagang wala si oscar sa resort.

Oo. Talagang wala siya. Nag isang araw? Dalwa? Tatlo? Apat ? At dumaan ang isa't kalahating linggo ay di sya nagpapakita sakin. Di sya lumilitaw sa opisina. Si reynier lang palagi ang nakikita ng magaganda kong mata. Ni hindi siya ang kailangan ko. Dahil wala akong ibang pagpipilian kundi kausapin ang demonyitang kinakapatid ni oscar. Pinautos ko nalang kay robert na papuntahin dito si reynier at ginawa naman niya.

"Anything MR. ABARRIENTOS ? " talagang diniinan niya ang pagtawag ng apelyido ko. Isama mo pa ang kanyang binibigay na expresion na tila ay hindi kaaya aya. " pinatawag kita para itanong kung asan si oscar kaya huwag kang assumera." Napangiti naman si reynier at umupo ng napakadesente. " ewan!" Tumayo siya at naglaho sa harapan ko. Napakawalang modo talaga! Sana di nalang ako nagtanong dahil wala rin naman akong mapapala. Hindi ko nalang yun inisip at pinag aabalahan ang pagtingin sa itatayong struktura ng resort.

Hindi rin kalaunan ay bumukas ang pinto ng opisina ko at dabog nang isara ito. Si oscar ? Naglakad sya patungo sakin na hindi man lang maitsura ang mukha niya. " sinasadya mo ba itong lahat ? Sinasadya mo ba itong mangyari sa kompanya namin jay? Wala naba talagang puso ang pamilya mo para agawan kami sa lahat??" Napakunot ako ng noo sa padabog niyang talak sakin ni hindi ko nga alam ang ibig niyang sabihin.

"Pwedi bang huminahon ka? Andito ka sa opisina ko at ......" hindi ko na natapos ang isasalita ko dahil sumingit siya. " opisina mo ? Oo. Opisina mong inagaw mo mula sakin at ng magulang ko!" Pinagtuturo pa niya ang pagmumukha ko na tila ba ay ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit malulugi ang resort nila.  " ano bang ibig mong sabihin? Hindi ba? Dapat magpasalamat ka pa dahil sinagip ng pamilya ko ang kompanya mo? Masama ba yun? " pagtatapon ko narin ng salita sa kanya. Siya pato ang may ganang magalit sakin. Dapat ngang magsama sila ng kapatid niya.

" ahh ganun? Dapat ba akong magpasalamat dahil ang mama mo ang may pakana para malugi at maagaw ang kompanya na pinaghirapan ng magulang ko. dapat paba? Dapat paba akong magdiwang dahil sa ginawa ng magulang mo sa pamilya ko.?" Napabuntong hininga ako dahil wala akong maisasalita. wala akong alam sa pinagtatalak niya.

"Excuse me sir? Huwag po kayong mag away dito. Nakakarinig ang mga empleyado. " pagsasaway samin ni oscar na hindi man lang binalingan ni oscar ng attensyon.  Nagkatinginan kami mata sa mata at talagang seryoso si oscar. Ngayon ko nga lang nakita siyang galit na galit na para bang makakapatay na ng tao.

Napayuko si oscar sabay sa pag upo niya at tila ay maiiyak sa galit. " alam. Alam mo jay. Mahal kita. Minahal kita ng higit pa sa buhay ko.  Ngunit di naman pepweding pati pinaghirapan ng magulang ko ang madamay. Di naman siguro patas iyon." Panginginig ng boses niya na halatang pinipigilan niyang umiyak.

"Paintindi mo nga sakin kung anong nangyari? Kausapin mo ako ng maayos oscar" paghihinahon ng talak ko. Hindi dahil yun ang dapat dahil yun ay naaawa ako. Hindi ko pala kayang tingnan na umiiyak ang mahal ko at ngayon ko lang nakita siyang humagolgol.

"When was the last time you talked to me sincerely? It was last 2 months ago. 2 months na hindi moko kinakausap. Last 2 months na palagi akong umiiyak. Last 2 months na hinahanapan ka ng oras upang makausap. Ngunit ? Nagawa mo bang makipag usap sakin ng maayos ?" Nawala na ang ulo ni oscar sa pagkakayuko at napatingin sakin na may dumaragsang luha sa mga mata.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon