CHAPTER 18

53 3 0
                                    

Labis akong nasaktan sa sinabi ni mama sakin. yung pagbungad niyang wala siyang anak na bakla. kahiya h.iya na ba talaga ako dahil saking pagiging iba sa lahat ng lalaki. bago pa man kami magpaliwanagan at mag eskandaluhan dito sa hallway ng hotel ay tumango kami saming silid kung saan kami kami lang ang magkakarinigan.

nakahawak ako sa braso ni oscar dala narin ng takot at kaba na nararamdaman ngayon. hindi ako preperado sa mangyayari, kung ano ang aming kahihinatnan ni oscar ngayong nalaman na ni mama ang lahat.

"anong ibig sabihin nito?oscar? jay? " galit na galit na wika samin ni mama na tila ang laki ng aming kasalanan. tangna! mas lalo akong napahigpit ng hawak sa braso ni oscar. pakiramdam koy namatay ako sa oras na ito. i am physically present but mentally absent. lumipad ng kung saan saan ang utak kot pag iisip.

nakatingin lang samin si mama ng napakasama! tingin na kailanmay ayokong makita, na ayaw kong maranasan pag nagagalit siya. tingin palang ni mama ay kakainin na ako ng buhay. lunok, yuko, hawak lang ang naging routine ko sa pangyayari ngayon. hindi nga ako makapagsalita na tilay gusto ko ng maging pepe.

"huwag mokong bigyan ng pagyuyuko na sagot dahil hindi ko yan kailangan!! sagutin niyo ako? ano naba ang nangyayari sa inyo?" napalakas na ng konti ang tono at boses ni mama. alam na alam kong galit na galit na siya.

"tita? mahal ko ang anak ninyo" mahinahong sagot ni oscar sa mama ko pero nakatanggap lang siya ng isang sampal. napawi ako sa pagkakayuko at napatingin sa mukha ni oscar na sinampal ni mama. gosh! i cant even believe she did that to oscar. kahit gusto ko mang hawakan ang nasasaktang pisnge ni oscar ngunit hindi makagalaw ang katawan ko. naninigas ito dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko. shittt!!

"mahal? anong klaseng pagmamahal na mayroon kayo? lalaki sa lalaki? hindi ba kayo kinikilabutan?? hindi pweding maging kayo! hindi pweding maging bakla ang anak ko. kung ano mang namamagitan sa inyong dalawa ngayon putulin niyo na!" pagsisinghal samin ni mama. and she damn terrifying! i am very terrified of how she looks and how she express her thoughts!

"ma? mahal ko si oscar at mahal niya ako! hindi ba pweding magmahalan nalang kami?" pagpapaliwanag ko na may dalang kaba sa boses ko.

"HINDI!!!! HINDI pwedi dahil hindi ka bakla anak!" pag iinsist ni mama na puno ng pagbubuntong hiningat habol ang hininga sa galit. kahit ayaw ko mang magsalita but i need to fight for what we deserve!

"BAKLA AKO MA! bakla. gay. shukla. badin......." hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil iniwas ko ang ulo ko nung aakmang sasampalin ako ng magaang kamay ng mama ko ngunit binalik ko rin ang tingin sa kanya dahil walang dumamping kamay sa pisnge ko.

"tita. sampalin, sipain at saktan niyo lang ako huwag lang itong anak niyo na mahal na mahal ko. with all due respect po, respituhin niyo naman kami o kahit itong anak niyo lang. dahil sa susunod na magkita tayo baka makuha ko pa kayong respituhin sa paraang gusto ninyo. dahil ba lalaki at sa lalaki kami ay di na pweding magmahalan? well tita. i will fight my love for your son and even you, cant stop me of loving him!.. excuse me tita.. tara na jay" walang pag alinlangang sagot ni oscar kay mama. na tila bang wala itong kinatatakutan. wala ba talaga o sadyang ipinaglaban lang niya ako sa mama ko.

hinatak ako ni oscar palabas ng silid at wala naman akong magawa kundi magpahatak. hindi naman ako pweding manatili doon kasama ang mama ko and for sure sermon lang ang aabutin ko kay mama.hindi ko nga mapagtanto na ganun pala si mama magalit. its my first time na halos makatanggap ako ng sampal galing sa kanya, kung wala lang siguro si oscar ay bakay makita ko nalang ang sarili na umiiyak dahil sa sampal.

[OSCAR'S POV]

isang linggo na ang lumipas simula noong magkasagutan kami ng mama ni jay. hindi ko nga mawari na nakasagot ako sa kabila ng kabaitan at kainosentihan ko. siguro hindi ko kayang pakinggan ang pagsasalita ng mama ni jay. hindi naman siguro masama kung sasagutin mo siya with manners. oo, aaminin kong hindi kaaya ayang pakinggan ang talak ko towards his mom at may possibilidad na magiging ayaw at kamuhian ako ng mama ni jay.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon