CHAPTER 22

51 1 0
                                    

Bising bisi ako sa pagsaayos nitong opisina na kahapon lang ay iniiyakan ko. Ibinigay ko ang mga gamit ni oscar na nakatambak dito. Lahat ng mga larawan na kami lang ang laman. It was before. Nagbago na ang lahat ngayon. Napahinto ako sa ginagawa ko nung bumukas ang pinto at lumitaw ang pagmumukha ni oscar sakin. Dahan dahan pa siyang lumapit patungo sakin.

"Jay? Pwedi bang mag usap muna tayo ?" Hain niya sakin na tila ay nagmamakaawa. Hindi ko siya tiningnan at minabuting itugon ang sarili sa mga gamit na inaayos ko sa mesa.  "Jay naman. Kausapin mo naman ako oh! Magpapaliwanag ako sa nangyari. Please" sa pagsasalita niya ay hinawakan niya ang kamay ko na siyang nakapagpahinto saking ginagawa. "Please. Pakinggan mo naman a....."

Hindi ko na siya pinapatuloy sa kanyang talak dahil ako na mismo ang nagsalita. " ano? Makikinig na naman ba ako sa mga kasinungalingan mo ? ganun ba ? " mahinahon na gigil kong wika patungo sa kanya. Humigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. Ngunit inalis ko ito sa pagkakabihag ng kamay niya.

"Jay naman. Huwag mo munang ipairal ang galit mo. Mahal ki...." hindi niya natuloy ang kanyang wika dahil lumipad agad ang malalambot kong kamay sa makapal niyang mukha. " mahal moko? Tapos niloko? Tapos lolokohin? At walang hanggang pangloloko sakin ? Ganun ba ? Langhiya palang pagmamahal na yan oscar!!! Ni hindi mo nga sinabi sakin na nawala at namatay na pala si ryan. Ni hindi mo nga lang ako binigyan ng pagkakataong makita ang mahal ko sa huling hantungan! Oo mahal kita pero bago pa yun mahal ko siya!"

Lumakad ako paalis sa kanya ngunit nahawakan niya ang braso ko. "hindi naman talaga iyon ang nangyari. Hindi kita niloko. Hindi kita niloloko at hinding hindi kita lolokohin" napalingon ulit ako sa kanya ng masinsinan na may pagkagalit ang expression ng mukha. " huwag mo na akong paikotin ng paulit ulit!" Naitulak ko siya para mapakawala ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Umalis ako sa resort para makahinga naman tong puso kong nasasaktan kapag nakikita si oscar. Tumambay muna ako sa starbucks upang makapag isip isip. Isip isip nung binigay ni kuya miko ang iilang sulat na para ay saakin.

---flashback---

"He passed away" pagkasabi na pagkasabi sakin ng mama ni ryan ay tila di ako makapaniwala. Di ako handa sa narinig kong balita.

"Ano po ang nangyari sa kanya tita ? " napa iling iling si tita na parang hindi din siya makapaniwala sa nangyari. Lumabas ang isang lalaki at kinuha si tita sa harapan ko at pinahinga sa kwarto niya. Sumunod lang din ako sa silid kung saan si tita namamanhinga. Ngayon ko lang napagtanto na si kuya miko pala ito. Miko castro pinsan nina ryan at oscar.

"Jay. Ako nalang ang magsasabi sayo sa nangyari kay ryan. Tara!" Dinala ako ni miko sa silid na kung saan dito kami palaging tumatambay dati. Dito kami namamahinga dati. At dito kami minsan gumagawa ng masasarap na sandali. Nilibot ko ang tingin sa paligid na halos na puno ng aming larawan. Isa lang ang nakakuha sakin ng attensyon. Yung picture frame sa mesa na kaming dalwa ni ryan ang nakalagay at nabigla ako nang makita ko ang teddy bear at bulaklak na ngayoy lantang lanta na. Ako ang nagbigay nito sa kanya sa anniversary namin. Kinuha ko ito at tiningnan.

"Jay? Alam mo yang si ryan? Mabait yan sobra. Ni wala ngang angal sa kung ano mang bagay. Ni minsan hindi ko sya narinig na nagrereklamo. ni hindi ko nga nakitang nagalit sa harapan ko. Pero isa lang ang alam ko na alam mo rin. MAHAL NA MAHAL KA NIYAN!" Sa pagtatalak ni kuya miko ay biglang lumabo ang paningin ko. Lumabo ang paningin ko dahil sa luhang sumakop na muntikan ng malalaglag. Kinuha ako ni kuya miko at pinaupo sa may kama ni ryan.

" alam mo jay. Sa pag ibig. Kailangan mong magsakripisyo para sa mahal mo. Pwedi mo syang saktan kung yun ang nararapat. Ang tadhana kasi jay ay mapaglaro. Minsan pinapaikot ka sa mundong puno ng pahamak. Malalagay ka sa taong hindi dapat at makakarinig ng mga balitang hindi totoo. Katulad ni ryan. Pinilit niyang huwag sabihin sayo na may sakit siya dahil alam niyang masasaktan ka. Dahil alam niyang mawawala rin siya at masayang ang pagmamahal mo. Kaming magpinsan ay minsan lang ang hindi dinadapuan ng sakit na cancer. Halos kaming lahat ay dadanas niyan. At di nakaligtaan na kay ryan ang sakit na iyon. Ayaw niyang magpagamot. Ayaw niyang magsayang ng oras. Kasi sabi niya habang buhay pa siya. Makikita kalang niyang masaya. Okay na siya" humagolgol ako habang hawak hawak ko ang imahi naming dalawa ni ryan. Ramdam ko namang hinagod hagod ni kuya miko ang likod ko.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon