CHAPTER 24

47 1 0
                                    

RYAN'S DIARY

Dalwang linggo nalang ang hihintayin para saming isang taong pagsasama ni jay. Ngunit hindi na yun mangyayari dahil hindi rin naman ako tatagal dito sa mundo. Hindi din naman ako tatagal sa situation kong hindi alam ni jay. naduduwag akong sabihin sa mahal ko dahil ayaw ko siyang saktan. Ayaw ko siyang mamomroblema sa sakit ko. Wala akong ibang paraan kundi gumawa ng aking diskarte.

--RYAN'S POV---

"Pinsan? May pabor sana ako sayo. Pwedi mo bang alagaan si jay para sakin?" Nabigla si oscar sa pagsasalita ko noon. Ngunit ilang segundo lang ay napangiti na siya. Sumang ayon naman siya sa pinapakiusap ko ngunit hindi naman mapakali si reynier. Hindi siya mapakali dahil mahal niya ang pinsan ko.

Kinabahan ako sa gagawin ko dahil alam kong masasaktan ang pinakamamahal ko pero ito lang ang tangi kong paraan para makalimutan niya ako. Para hindi siya masyadong masaktan sa pagkawala ko. Hanggang dumating ang araw na ako na ang naghiwalay sa kanya. Kahit ayaw ko man ay pinilit ko nalang na gustuhin para sa ikabubuti niya.

Kumuha ako ng maitatalik sa araw ng aming isang taon. Binayaran ko ang lalaki pagkatapos sa araw nong nagpahalik ako sa iba. Ni hindi ko nga lubos maisip na nasaktan ko ng sobra ang aking minamahal. I was trying to hold my tears that time. Pero noong tumakbo na papalayo ang mahal ko ay tsaka pako humagolgol ng iyak. Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin ng iba. Ang ginawa ko nalang ay pinulot ang mga dala ni jay na nalaglag sa daan na para ay sakin.

Tsokolate, Cake, bulaklak at isang teddy bear. Inilagay ko ang bulaklak sa kwarto kasama nitong teddy bear. Paminsan minsan ngay hinahagkan ko ito kapag nangungulila ako sa yakap ng mahal ko. Saksi ang teddy bear na ito kung gaano ako nasasaktan. Kung gaano ako nahihirapan sa situation. Siya ang palagi kong iniiyakan. Siya ang palagi kong kasama habang wala ang mahal ko.

Si oscar ang naging mata at tainga ko habang di ako nagpapakita kay jay. Siya ang nagsusumbong sakin kung asan si jay ngayon. At sa dahil hindi naman mahirap pakisamahan si oscar. Nakuha niya itong kaibiganin. Kaya sa bar? Kahit hirap na hirap na ako noon dahil labas masok na ako sa ospital ngunit pinilit ko paring pinuntahan sa kinaroroonan ng mahal ko.

Ang gusto ko lang noon ay makita siya na sa pagkakaalam niya na ang kinakasama ko ay jowa ko. we were just pretending na magjowa dahil kailangan. Tingin at sulyap lang ang gawa ko habang sumasayaw si jay. gusto ko ngang pigilan siya sa pag iinom dahil ayaw kong nakikita siyang naglalasing.

" cr muna ako. Naiihi na ako eeh" wika ni angelo. Si angelo ay yung taong binayaran ko. Tinanguhan ko lang siya at maya maya'y lumapit sakin si jay at nangamusta. Sa panahon na iyon. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan. Pero letse!! Naduduwag ako. Naduduwag akong sabihin ang totoo.

"Ikaw kamusta ka ? " pangangamusta ko parin. Na pilit pinipigilan ang sarili na ipakitang mahal ko pa siya.

"Ito... mahal ka parin" pag aamin ni jay. Rumispundi naman agad ang puso kong mahal din naman kita. Sobra pa sa inaakala mo. Ngunit iba ang sinasabi ng puso ko at sa bibig ko.Tinawanan ko lang ang sinabi niya.

"Magmove on ka na jay. Wala ng tayo. May madami pang mas hihigit sakin. " pagcoconvince ko sa kanya.

"Pero ikaw ang mahal ko ray. Ikaw.. ayaw kong mag move on kasi ikaw ang gusto ko." Sa pagkakabigkas palang ni jay ng mga salita niya ay gusto ko ng sumuko at sabihin sa kanyang mahal ko din siya. Ngunit pinipigilan ko ang sarili. Para saan paba tong kadramahang ito kung susuko lang ako sa isang salita ni jay man lang.

Tinawanan ko ulit ang talak niya. Tinawanan ko para matakpan ang mga mata kong gustong gusto siyang tingnan at ang katawan kong gustong gusto siyang yakapin.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon