CHAPTER 32

50 2 0
                                    

---REYNIER'S POV---

"Kailangan na nating kumilos, whats the purpose of my plan kung ako lang din naman ang gagawa? Kumilos kayo!! Letse!!" nanatili akong nakikinig sa likod ng pintoan nato. Hindi naman ako tsismusa ngunit kusa ko lang naririnig ang mga bagay na hindi dapat.

"Huwag kayong tatanga tanga! Kung tayo mabubuko. Ililibing ko kayo sa sementeryo ng buhay. Maliwanag.? Ayosin niyo ang pagpatay kay ryan. Malinis,mabilis at ni isang kuting na ibidensya ay wala!!"

Gulat ako saking narinig. Gulat ako na hindi ko alam kung bakit. Sa hindi ko alam na dahilan ay dinala ako ng aking katawan patungo sa bahay ni ryan!

Saking paglalakad ay nagkasalubong kaming dalawa ni oscar. Nilampasan ko lang siya at minabuting tignan kung maayos ba ang lagay ni ryan ngunit sa pagdating ko ay akoy huli na. Nakita kong nakahandusay ang katawan ni ryan na walang malay at walang buhay. Tinawagan ko naman si oscar at dali dali itong sinugod sa ospital.

"Patay na po ang pasyente, dead on arrival" anonsyo ng doctor. Wala kaming magawa kundi umiyak at tignan ang walang kamalay malay na katawan ni ryan.

--------

ako ang huling taong nagpaiwan sa sementeryo. Nakatingin ako sa lapida ni ryan at nag iisip. "What if kung nandun ako ng mas maaga? Nakompirma ko sana kung totoo ba ang narinig ko. Kung totoo bang sangkot siya sa pagkamatay mo ryan"

"If i only knew this would happened? I will save you, i can save you. Tumatagaktak ang luha ko patungo kung saang lupang mapadpad. Luha nalang ang nagsisilbing nagbabantay sa puntod ni ryan sa pag alis ko. Pagkapasok ko sa sasakyan ay bigla akong nanghina at namumuo na naman itong mga luha ko.

Sa hindi ko alam na dahilan ay sobra akong nasaktan sa pagkawala ni ryan. Siguro ngay nakokonsensya ako? O siguroy naaawa ako sa kanya. Napayuko ako sa manubela at pinikit ang mga mata. "Hindi ako naniniwalang namatay si ryan sa sakit niya. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya. "

I pulled back myself at huminga ng malalim. Inalis ko ang ulo sa pagkakayuko sa manubela at sa hindi kalayuan, may nakita akong mga taong bitbit ang mga gamit panghukay. Tatlong mga lalaki ang nakikita ko kung hindi ako nagkakamali. May ililibing ba ngayon? Alas 6 na ng gabi ?

Agad akong naintriga at sinundan ang kanilang mga lakad. Patago tago ako sa mga kahoy upang hindi makita at pasalamat nalang din ako at medyo madilim ang lugar.

Huminto sila sa puntod ni ryan at sinimulang hukayin ito. Hindi rin naman nagtagal ay kinuha nila ang bangkay ni ryan at binitbit pabalik sa sasakyan nila. Hindi naman kalayuan ang sasakyan ko upang hindi ko sila masundan.

Sa pag alis nila ay tinapakan ko agad ang accelerator at sinundan sundan hanggang sa mapadpad kami sa kung saang planeta ito. Kahoy ? Damo? At maliblib na lugar ang nakikita ko. Sobrang tahimik ng lugar at sobrang nakakatakot. Iniwan ko ang aking sasakyan at naglakad patungo sa kung saan ang mga lalaking dumangkot kay ryan.

Nakita kong dumampot ng telepono ang isang lalaki at may tinatawagan.

"Hello? Ano bang gagawin namin dito? Itapon? O patayin ng tuluyan? " napalunok ako na napatampal saking bibig. Tang ina! Wala ba silang konsensya? Wala ba silang puso? Ni hindi man lang sila naawa sa tao. I need to do something.

taranta kong hinablot ang aking telepono. Tinext ko agad si missy. "Missy? Tawagan moko ngayon din. Wala na daming tanong2 dali!!!" Hinagis ko ang telepono sa hindi naman kalayuan para marinig nila kung tutunog ito. Nagtago ako ng maayos sa may damuhan.

Ilang segundo ay hindi pa tumunog ang telepono ko. pabalik balik ang tingin ko sa telepono at sa taong dumampot kay ryan. Ano ba? Tawag ka na missy! Puno ng kaba ang dibdib ko na halos hindi na nga ako makahinga.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon