CHAPTER 9

64 1 0
                                    

Oscar's pov

Sa pagkarinig ko ng salitang iyon na alam na alam kong kay reynier galing ay tilay nakaramdam ako ng takot. Hindi takot na bakay matalo ako sa panliligaw kay jay kundi takot na bakay yun ang dahilan para mag away kaming magkakapatid.

Dahil akoy isang manliligaw lamang, wala akong karapatang magalit o kamuhian ang sino mang lalapit kay jay. Ang tanging magagawa ko lamang ay ipakita kay jay kung gaano ako ka desperado na ligawan siya.

Hindi ko nalang inabalang buksan ang pinto para yayain silang maghapunan.  Bigla nalang akong hinila ng aking mga paa pababa nitong pangalawang palapag ng bahay. Doon ko naalang sila hinintay sa dining.

Mas lalong nanlisik ang tingin ko nang akbayan ni reynier si jay. Pakshet.!! Selos batong nararamdaman ko ? Hindi dapat. Hindi pa dapat kasi wala pa akong karapatang magselos. Pilit kong ngumiti sa pagkaupo ni jay katabi ko kasabay narin si reynier na katabi rin ni jay.

Mukhang nag eenjoy sila sa nakikita ko. Bakit ba? Gusto ko sakin lang sasaya si jay. Dapat ako lang ang magpapasaya sa kanya. Tangna!! Umaatake na naman tong pagkaselfish ko. Oo! Nagiging selfish ako pag naiinlove. Di naman yan facebook na pagkatapos i post ay pweding i  like ng iba at i share.

Wala akong imik sa buong hapagkainan at tilay napapansin ito ni jay. Pilitin ko mang ayaw magselos pero tao lang ako. Dudumi din ang pag iisip ko lalong lalo na nakikita kong si reynier at jay ay nagkakasusundo. Di ko maiwasang mapatingin sa kanila na mas sweet pa nga sakin. Letsseee lang.

Pinalampas ko nalang iyon at pilit na huwag abalahin. Pinagbihis ko si jay para mamasyal sa cathedral, para naman makapagdate kami ng kami lang. Ngunit sumingit si reynier sa kalagitnaan ng aming pag uusap.

"Sama ako kuya." Hain niya agad samin. Napatingin naman kaagad si jay sa kinaruruonan ni reynier.

"Huwag muna nga....." hindi ko na natuloy dahil nagsalita kaagad si jay.

"Sige sama ka. Bihis ka na doon" mahinahon na sagot ni jay patungo kay reynier. Napatampal ako saking mukha. Tangna!!! Kakasabi ko lang magdidate kami. Yung kami lang. May date ba na tatlo?

Nagulat ako nang agawin ni jay ang kamay ko sa pagkakatampal ng aking mukha.

"Sama nalang natin siya. Minsan nga lang makagala si reynier. Sabi niya di pa daw siya nakakagala sa cathedral. Ok lang ba?" Wala na! Pabor at hawak palang sakin ni jay ay nawawala natong selos ko. Tilay isang hawak at ngiti lang niyay mapapa oo na ako.

Tinanguhan ko nalang siya bilang pagsagot ko ng oo. At ayun nga! Tatlo kaming andito sa cathedral. Nagsisindi ng kandila. Pagkatapos ay gumala sa plaza na puno ng mga vendors. Street foods at kung ano pa.

"Ang ganda pala dito eeh nooh? Ang laki laki tapos ang daming tao." Inosenteng wika ng kapatid ko. Oo ngayon lang sya nakakagala sa ganitong lugar. Ni minsan di yun lumalabas sa outside world at nakakulong lang sa bukid. Kahit na ang laki laki na ni reynier pero ngayon lang siya nakatongtong sa ganito.  Kahit naman siguro ako. Kung di lang siguro ako nahanap ng magulang koy nakakulong rin ako sa magandang bukid na yun.

"Oo! Ganito yun dito. Gusto mong kumain? " yaya ni jay kay reynier. Umabot nman hangaang taenga ang ngitit saya ng kapatid ko.

"Sige. Sige." Hinatak agad ni reynier si jay patungo sa nagtitinda ng kung ano at naiwan ako dito. Kinawayan nalang ako ni jay natilay sinasabing sunod ka nalang dito. Wala akong magawa kundi ipakita ang ngiti ko bilang sagot sa kaway ni jay. Langhiya. Mas mauunahan pa ata ako ng kapatid ko.

Hindi muna ako sumunod sa kanilat naghanap ng bulaklak.

"Magkano po itong maliit na boquet?" Tanong ko dun sa aling nagtitinda ng bulaklak.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon