CHAPTER 11

70 2 0
                                    

RYAN??"

Bungad ko kaagad nang makita ang pagmumukha niya. Hindi siya kaagad nakarespondi sa talak ko.

"Magkakakilala kayo?" Kunot noong tanong ni oscar. Gusto kong ngumiti pero ayaw ng bibig ko eeh. Gusto kong mangamusta pero walang lumalabas sa lalamunan ko. Para bang may sariling mga utak tong katawan ko. Sa dinami dami ba naman kasi ng tao sa mundo. Bakit si ryan pa na ex ko ang pinsan niya.

"Ohhh hi jay" bati sakin ni ryan at ngumiting pilit. Ngumiti nalang rin ako ng pilit. Baka sabihin pa niyang hindi pa ako nakakamove on.  Kahit may hard feeling pa ako sa kanya subalit hindi iyon ibig sabihin na hindi pa ako nakamove on. Maybe on the other side of mine. May konti pa akong feelings kay ryan but unti unti naman iyon napapalitan sa tulong ni oscar.

"Ex ko siya insan" pag aamin ni ryan na nakangiti kaharap si oscar. Napataas naman ng kilay si oscar at napatango tango. Hindi rin naman nagtagal si ryan at umalis sa kwarto. Mukha bang sinasadya ito ng panahon?? Tadhana nga naman.!!!

Napabuntong hininga ako na kay lalim. I thought i already moved on. Hindi pa pala. Its just that the otherside of me missing him. Yun bang gusto mo siyang yakapin, o kahit halik man lang sa pisnge. Yun bang gusto mong hawakan saglit ang balat niya at maamoy man lang siya.

"Im sorry, hindi ko alam na si rayray pala ex mo. Gusto mong umuwi nalang para naman makapagpahinga ka?" Alalang tanong ni oscar. Pinaupo nalang niya ako sa kama at hinubaran ng damit. Oo siya ang nagbihis sakin. Pero di ko na yun napansin. Tila ngay nawala ako saglit sa mundo. Pakiramdam koy hinila ako ng sanglibutan pailalim. Akala ko okay na ako. Akala ko im ready pero bakit ganito? Isang bungad lang niya sakin ay pakiramdam koy akin siya ulit.

Napansin siguro ni oscar na bigla akong nawala sa sarili kaya napahawak siya sa kamay ko. "I know di kapa nakakamove on. Try to let it go and everything will be fine." Wika nalang niya at pinagkekwentuhan ako ng kung ano ano para maaliw at mawala saglit sa isipan ko si ryan. .

Nang sumapit ang gabi, tinawag na kami ng mama ni oscar para sabay sabay naa kaming maghapunan. Si oscar lang pala ang kaisa isang anak ng mga dulce kaya ganun nalang sila kasipag maghanap sa kanya.

"Ray?? Can you get the shrimp for me please, nakalimutan ko kasing dalhin dito" pag uutos ng mama ni oscar kay ryan. Oo! Andito si ryan. He will stay here for a couple of weeks. Kaya nga. Ilang na ilang ako. Ni hindi nga ako makatingin ng diretsahan kay ryan.

Buti nalang at andito si oscar para agawin ang attensiyon ko sa pagtitingin kay ryan.

"Kanina ka pa jan. Baka matunaw yung pinsan ko. Selos na ako niyan" hain sakin ni oscar. Nginitian ko nalang siya. At tinugun ang sarili sa pagkain.

Kain lang kami ng kain habng nagkikwentuhan. At ako lang ang tahimik. Ayaw kong magkwento at bakay iba ang maitugun ng bibig ko. Pero na giba ang katahimikan nang magtanung si ryan sakin.

"Kamusta ka na pala jay? Sorry nung last time huh? Doon sa bar" paghihingi niya ng paumanhin. Akala ko di na niya yun naaalala.

"Ok lang. I burried it already sa limot" pagsasagot ko. Pero ang totoo? Gusto ko talagang marinig ang paghihingi ng tawad niya.  Sarap lang sa pakiramdam.

"Mabuti naman. May boyfriend kana ba?" Napalunok ako ng singlaki ng bato sa tanong niya. Ilang segundo akong di nakasagot. Para nga akong natulala.

Kumuha muna ako ng lakas ng loob at bumuntong hininga. Tapos? Nilingunan ko si oscar saglit at hinawakan siya sa kamay na siyang kinabigla niya.

"Si oscar. Si oscar ang boyfriend ko" utal kong wika. It seems wala siyang reaction na nasasaktan siya. Walang bakas sa mga mata niya na itoy iiyak pagkatapos kong ianonsyo. Now i know. How tough he is. How numb his heart is. Instead of getting hurt. Sa nakikita ko?? Mas natutuwa pa siya.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon