CHAPTER 33

42 2 0
                                    

(MYRA'S LIFE)

Pagkatapos ng pagkaaksidente ni joy. Ooopppsss!! Hindi pala aksidente! Sinadya pala. Sadyang sadya ko yun na ihagis siya sa hagdanan!

Pagkatapos non? Hospital ang kinalalabasan ng lahat. Una na coma si joy at pangalawa nanganak si mir.

"Saan yung baby ko MAY? Gusto ko siyang makita." Galak na wika sakin ni mir. Anong akala niya sakin? Katulong niya? Hanapan ng nawawalang anak! Psh!.

"Sorry mir ngunit lumabas ang bata na patay. Im sorry" awa awa kong pagkasabi sa kanya para naman maniwala siya. Para naman maging katotohanan ang kadramahan ko.

Infact? Kinuha ko ang bata at pinabantayan sa kung sinong taga bundok. Wala akong paki! I want her life miserable as hell! HAHAHA! gusto kong tumawa ngayon! Gusto kong humalakhak sa pagkakitang ang pangit ng reaction ni mir.

Tulo ng luha na parang gustong magwala! Iyak ng iyak na konti nalang ay bahain at tangayin na kami ng kanyang luha! Kawawa naman!

Lumipas ang isa at kalahating linggo. Naging maayos ang buhay ko. Naging maayos dahil aalis na si mir sa bansang ito!

"Alam kong naging masama ako sayo mir. But believe me, ikakalungkot ko ang pag alis mo!" Palungkot lungkutan kong wika! And she actually falls on that! Psh! Mga pusong mamon talaga nakakabwesit! Andaling maniwala!

"Ill miss you too MAY. sana magbati na kayo ni joy at sana kamustahin mo siya. Na coma siya dahil sayo! Makonsensya ka!" Napangiti lang akong kaaya aya sa paningin ni mir.

"Ofcourse. Nakokonsensya na ako eeh!" Nagyakapan pa kami ni mir and i really hate it! Hindi ko gustong yumakap sa kanya! Pweeee! Nakakahawa ang kabaitan! Grrrrrr! so gross!

Nilagyan ko ng laway ang aking mga mata para sabihing humihikbi ako. Para sabihing nalulungkot ako sa pag alis niya patungong states! Psh! Pwedi na talaga akong mag artista!

"Ohh sya sya!! Tama na ang yakapan. Ill leave all my pain and aches here. I want to start a new life. Alis na ako!" walang hanggang kadramahan ng mabait kong kakambal! Umalis ka na nga! Excited nako! Sabi ng utak ko ngunit hindi yan pwedi ilabas sa bibig!

"Take care" pakaway kaway pa ako na may guhit na ngiti saking mga labi! sa pagkawala ng kanyang presensya ay agad akong tumalikod! Haaayy! What a relief!

"My darkness will reign at last! Ngayong wala na si mir ni hindi man lang alam ni joy! I can act like mir. I can smile like her. Kaya ko ng traydorin si joy sa pangalan at pagkatao ni mir!"

after 18 years ay binalikan ko yung anak ni mir. Alam kong naaalagaan yun doon. Kapatid ng papa ni oscar ang tinitirhan niya. hindi ko nga lang alam kung nagkita ba sila ng papa niya. Ni hindi man lang bumalik sa pinas pagkatapos kong palayasin patungong ibang bansa.

Yes ? You heared it right again. Ako ang pakana kung bakit iniwan si mir ni erick! Im just being kind to erick. Tinulungan kong maabot ang pangarap niyang mag ibang bansa ngunit sa isang condition. "HIHIWALAYAN MO SI MIR".

Bongga ko ano? Ha ha ha! And back to the present.

Ako ang humayop sa mga buhay nila na ngayoy nagkagulo gulo.

Una. Sa pagpapalit ng medical results nina oscar at ryan.
Pangalawa. Ang pagsosolsol kay ryan na hiwalayan si jay.
Pangatlo. Ang pag tangkang pagpatay kay ryan.
Pang apat.Pagawa ng mga sulat na akala nila kay ryan galing..
Panglima. Ang paglagay ko ng penmanship sa lamesa ni oscar para siya ang maakusahan!

Diba andami? Ang dami ko ng nagawa. Andami ko ng achievements! Sobrang nagagalak ako. Kaya nga napatingin ako sa salamin.

Ang ganda ko!
Ang talino ko!
I Smiled with a triumph of my success!

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon