CHAPTER 19

55 1 0
                                    

sa paghalik ko kay oscar ay bigla akong hinatak ni mama patungo sa kung saan, ni hindi ko nga mawari ang expression ng kanyang mukha. oo, i admit i ruined the party and hell i care. agad namang sumunod si oscar samin. dinala ako ni mama sa silid ko't agad nakatanggap ng sampal. hindi lang sampal. isang malakas na sampal.

agad namang kumaripas sa pagkuha sakin si oscar at pinulupot ang kanyang kamay patungo sa braso ko."hindi mo nalang ba ako binigyan ng kahihiyan? hindi mo man lang ako binigyan ng respeto??? ano nalang ba ang sasabihin ng ibang tao, ng business partners ko? na may bakla akong anak?" pagsesermon niya sakin at tinugunan ng pansin si oscar.

"ikaw? yang mukha mo? hinding hindi ko matatanggap. hinding hindi ko matatanggap hanggang may connection ka sa anak ko!" tinulak pa kami ni mama palayo sa kanya. tangna! ngayon ko lang naranasan ang ganito.

"sige! magsama kayong dalawa! yan naman gusto niyo diba?" nilapitan ako ni mama at sinaksak niya ang kanyang kamay sa may kokoti ko. "tandaan moto. kung sasama ka sa lalaking ito. huwag mo ng isiping may magulang ka pa at hindi ko narin iisipin na may anak ako! LAYAS!!!" pagtataboy niya samin ni oscar. nyeeettaa lang! ganito na ba ako kasama para magkalimutan kaming mag ina? puteek! ni hindi ko pa nga kaya manindigan sa sarili ko. hindi ko na pala napansin na kanina pa tumutulo ang mga luha ko. na kanina lang pala dumaragsa dahil nasasaktan na ang puso ko.

"JOCELYN!!!! enough!!" biglang pagsisingit ng papa ko na kahit hindi ko man tingnan ay kilalang kilala ko sa boses palang. "let them be. hayaan na natin sila. malaki na sila para malaman kung ano ang tama sa mali." pagtatanggol ni papa samin na hindi ko man lang inasahan. " kaya nga!! let them be! let them be out of my sight!" pagsasagot ni mama patungo kay papa.

"i said enough!!! jocelyn! lets accept the fact na ganyan ang anak natin, i cant believe either. but we dont have nothing to do with it aside from our guidance. let our son choose to whom he love." pagtanggol ulit samin ni papa. oo! strikto ang papa ko pero di niya kayang naghihirap ako. nilapitan naman ni mama si papa.

"sige! konsintihin mo yang anak mo na maging bakla!!!" agad namang umalis si mama sa harapan ni papa at sa harapan narin namin. tumango naman si papa sa kinaroroonan namin at binawi ako sa pagkakahawak sakin ni oscar at niyakap.

"it's okay son. tanggap kita kung ano ka, basta ipangako mo sakin na huwag kang gagawa na ikakasakit ng kalooban ko. just be you anak and daddy is always here for you. maging sino ka man" hinagud hagud pa ni papa ang likod ko na siyang nakapagpahikbi sakin ng sobra. i really did not expect it from him. kung sino pa yung strikto ay siya pa yung nakakaintindi. samantalang si mama, ang bait pero iba magalit!

tumiwalag na si papa sa pagkakayakap sakin at tinanguhan si oscar. "ijo, alagaan mo tong anak ko ha? huwag na huwag mo tong sasaktan. maliwanag?" tumango tango lang si oscar na tila hindi makapagsalita. ni pati ako ay hindi rin sa dahil naunahan na ako sa paghikbi pero kahit papaano, lumuwag luwag ang pakiramdam ko dahil tanggap ako ng papa ko.

"salamat pa" pagpapasalamat ko at ngumiti naman siya sakin. "ano paba magagawa ko. anak kita eeh." pangiti ngiting talak ni papa at lumakad pabalik sa labas ngunit bigla nalang itong huminto. " oh siya nga pala. dito kana matulog oscar sa kwarto ni jay okay? gabi na baka mapaano ka pa sa daan at mabyuda ng maaga ang anak ko" pagbibiro ni papa at tuluyang umalis.

hindi kalaunan, natapos na ang party at dito kami ngayon sa loob ng silid ko. nagkakamustahan lang kami ni oscar. isang linggo ba daw kaming hindi nagkita kaya hinakayat naming sulitin ang oras. nabaling lang ang attensiyon namin nang bumukas ang pinto at bumungad ang pagmumukha ni mama. mukha na galit at dismayado! she really cant accept me :(

"huwag kayong lumundag sa tuwa dahil nilabanan kayo ng asawa ko. psh!!!bago paman uminit ang ulo ko sa inyo. dito muna siya matutulog." sa pagkasabi ni mama ay bumungad ang isang lalaki galing sa likod. and the hell! si reynier ang tinutukoy niya. bakit siya pa? sa dami dami ba namang papatulugin dito at si reynier pa talaga.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon