CHAPTER 21

46 3 0
                                    

Dahil sa nagawang mali. Na puro lang mali. Na pinapaaikot lang pala ako ng pagkakamali na gawa ni oscar! Sapat na rason naiyon para iwan ko sya ng tuluyan. I disobeyed my mom because of my love for him. God knows how much i love him til now, na kahit dalawang buwan na ang nakalipas simula noong nag away kami.  Ay mahal ko parin siya. Na hanggang ngayon ay di ako mapakali hanggat hindi ko siya nakikita. Na hindi ko na mararamdaman ang kanyang mga yakap. Mga halik na tumatagos saking bibig.

Pinipigilan ko ang sarili na mahulog ulit sa bihag niyang puro kasinungalingan. He fooled me twice and i wont let it happen for the third time. Kaya andito ako ngayon kaharap ang isang pinto at naghihintay na buksan ito.

"sir? ready na po ba kayo ? Bubuksan ko na po ang pinto" wika sakin ng aking assistant. Medyo kinakabahan ako dahil ngayon ko lang gagawin ito. Na ngayon ko lang tinanggap ang alok ni mama na mamahala sa isa niyang bagong companya. At nagawa niya akong ilagay sa positon ng presidente. Tinanggap ko ito para makabawi saking kasalanan.

"WELCOME THE NEWLY PRESIDENT OF CASTRO'S LUXURY RESORT. MR. Jay abarrientos" taas noo akong naglakad papasok sa conference room with an intimidating look. Pagkaharap na pagkaharap ko sa kanila ay agad naman nila akong binati at ako namay napangiti!

--OSCAR'S POV--

Sa pagkawala ni jay sa buhay ko ay tila wala na ang lahat sakin na mayroon ako. Alam ng lahat at lalo na ng panginoon kung gaano ko siya kamahal at ni minsan ay di ko siya niloko. Hindi ko lang maipaliwanag agad dahil naunahan na ako ng takot sa sarili at galit na nanggagaling kay jay. Kahit nakatanggap ako ng sampal galing sa mahal ko ay tinanggap ko. Cguro ngay kulang pa iyon. Kulang pa ang sampal sa sakit na nararamdaman niya.

Malapit ng mawala ang aming kompanya ni mama ngunit may pumuno ng pagkukulang. May nag invest ng kalahati ng resort namin at ngayoy sila na ang namamahala nito. Hindi ko alam kung sino ang bagong presidente ng resort namin dahil si mama at stock holders at ang new investor ang nag usap usap. Nakakalungkot dahil pinaghirapan iyon ni mama at papa ang resort at ngayoy napunta na sa iba. Nagpapasalamat parin ako dahil may parti parin kami sa kompanya.

Tingin ko ngay noong pagkawala ni jay ay nawala narin lahat ng swerte sa buhay ko. Dalwang buwan na kaming hindi nagkikita. Hindi niya ako kinakausap at di rin naman ako makakapasok sa bahay nila. Ayaw ko siyang ibaon sa limot dahil lang sa pangyayaring hindi ko nagawang ipaliwanag. I am still hoping for his return na kahit hanggang magtanda akong maghihintay sa kanya.

Kaya andito ako ngayon, nakaupo sa isang upuan katabi si reynier habang hinihintay ang pagdating ng bagong presidenti ng kompanya. " wala pa ba ang bagong presidenti ? Antagal naman niya? so unprofessional" reklamong hain ni reynier na syang nakapagpataas ng kilay ko.

"Please shut ur mouth! Di bagay sayo ang magreklamo!" Pagpapatay kong wika sa kanya! Napalingon naman sya't napahawak sa braso ko ngunit pinabitaw ko!

"Huwag mo nga akong hawakan! Hindi pa tayo tapos sa ginawa mo! Kaya hwag kang mag assume na mabuti ako sayo!!" Panggigigil kong bulong sa kanya at ngumiti ng hindi tumitingin.

Naputol ang pag uusap namin dahil dumating na ang bagong presidenti at inanonsyo ng assistant niya. Tumayo kaming lahat para sa pagrespeto ng newly president of the company.

"THE NEWLY PRESIDENT OF CASTRO'S LUXURY RESORT. MR. JAY ABARRIENTOS"

nabingi ako sa pagkasabi ng pangalan ng presidenti. Am i hearing this correctly? Si. Si. Si jay? nanlaki ang mga mata ko na naninigas ang katawan sa pagharap ni jay samin. Sa pagtagpo ng mga mata namin ng ilang segundo ay tilay walang jay ang lumabas. Hindi man lang siya ngumiti sakin o kahit sa pamamagitan lang ng mga mata niya idaan. Na kahit sabihin man lang ng mga mata niya na namiss niya ako. Na kailangan pa niya ako. Na gusto at mahal pa niya ako. Pero impossible!

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon