CHAPTER 6

95 2 0
                                    

Pag gising ko ay wala na akong kayakap. Wala na si oscar sa tabi ko. Napatingin ako sa orasan na nagsasabing 10 na ng umaga. Hala! Kaya pala wala na si oscar dito. Napasarap ata ang tulog ko.  Bumangon na akot tumango sa banyo. Tinatawag ako ng kalikasan eh. Pagkatapos ay naghilamos narin at nagmomog.

Di ko na inabalang magbihis pa. Hinayaan ko nalang ang sarili na suotin itong pajama at tshirt. Hahawakan ko na nga sana ang doorknob dahil papalabas akoy nabunggo pa ako dahil may bumukas nito na siyang nakapagpaatras sakin at muntik ng mapaupo sa sahig.

" ayy hala!sorry po. . . Okay kalang ba?" Pagpapaumanhin ng isang lalaki. Hindi naman boses ni oscar dahil sa sobrang masculine voice ang tinig nito. Agad naman siyang kumaripas at hinawakan ako sa braso.

"Sorry po. Sorry po tlaga." Pagpapaumanhin niya ulit. Hinarap ko siya and the hell!!! Sino bang nilalang naa ito. ? Medyo napatulala ako ng ilang segundo. May gwapo pa palang nakatira dito maliban kay oscar.

"Okay lang. No need to worry." Wika ko saa kanya at tsaka pa niya ako binitawan sa braso.

"Akala ko kasi nandito si kuya." Pagtatalak niya. Magsasalita na sana ako nang may biglang sumingit sa usapan namin. Hindi lang pala siya sumingit. Umakbay pa sa gwapong nagkasala sakin.

"Uyy. Sya nga pala. Ito si reynier. Anak ni mama jeje." Pagpapakilala ni oscar sakin. Ayy?? Ito ba yung reynier? Hala. Gwapo din pero mas lalamang ang kapugian ni oscar.

Nginitian ko nalang silat nagpakilala. Hindi naman kasi maganda kung si oscar lang ang marunong magpakilala sa kung sino.

"Jay nga pala. Kaibigan ni oscar" pagpaapakilala ko rin. Dahil walanghiya parin itong si oscar. Hinatak niya si reynier palabas at bumaba. Naiwan na naman akong mag isa dito.  Sumunod nalang din ako pababa. At pagdating koy completo na silang lahat sa kusina at kami nalang tatlo ang kulang.

"Hali na kayo. Kakain na."yaya ni mama jeje. Makikimama narin ako. Sosyal naman kung tita o auntie. Umupo na ako sa gitna nina reynier at oscar.. pakiramdam koy ang ganda ganda ko. Napagitna ako sa mga aswang na gwapito. .

Kain lang kami ng kain. Na sabi ni mama jeje ay si oscar daw ang nagluto. Si oscar din daw ang nagbibitak ng mga kahoy para magamit sa pagluto. Ang bait niya aah. Is it necessary na si oscar talaga ang gagawa ng mga ito. ? Masasabi ko. Ang bait niya.

Tinikman ko lahat ng niluto ni oscar. Amapalaya na may itlog, sardinas din na may itlog, scrambbled egg and bacon. Si oscar din ang naghanda ng mga prutas na nasa mesa ngayon.

"Sarap parin ng luto mo kuya aah?" Wika ni reynier patungo kay oscar. Nginitian niya lang ito.

"Kumain ka nalang jan. " sagot nito. Hindi ko pala napapansin na habang kumakain si oscar ay pinapakain niya pala ang katabi niyang maliit na batang babae. Mga 4 years old yata. And the thing is. Lahat sila nagkakamay at ako lang ang hindi. Gusto ko man gumaya sa kanila pero hindi ako sanay.

"Kuya? Bakit di po siya nagkakamay?" Biglang wika ng isang batang lalaki. Hala! Ngayon lang ba sila nakakakita na may gumagamit ng kutsarat tinidor?

Napalingon silang lahat sakin. Napalipat lipat ang paningin ko sa kanilang lahat. Nyyeetaa. Kakahiya pala.

"Ahhmmm. Eehh?? Hehe?" Hilaw kong ngiti sa kaanila. Tangna. Di ko alam ang isasagot. Di naman pweding sabihin kong. Di ako marunong magkamay. Baka sabihin nilang maarte.

" kasi junjun. Madumi ang kamay niya." Pagsasagip ni oscar sa tanong nung junjun. . Pakiramdam ko tuloy. Huminto ang ikot ng paligid at unti untig kinukuha ang paghinga ko.

"Dapat dito. Walang kutsarat tinedor maliban laang sa serving spoon. " pagbubulong sakin ni oscar. Ngumiti nalang ako ng pilit. Do i need to do this?? Pshhh.!!

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon