CHAPTER 8

74 1 0
                                    

Nahulog ako sayo" sa pagkasabi ni oscar niyan ay pakiramdam koy lumakas bigla ang pagpitik ng puso ko. Gusto kong kiligin, gusto kong maniwala pero baka pinagtitripan na naman niya ako. para hindi halata na ginaganahan ang puso kot kaluluway napatawa ako sa harapan niya.

"Huuyyy!!oscar. . Tigil tigilan mo yang kabaliwan mo! Nadala na ako. " wika ko sa kanya. Siguro kung totoo talaga tong sinasabi niya.. ayyy naku!! Magpipraise the lord ako. Sino ba naman Ang mag aakalang na may magkakagusto sakin. And for the record gwapo pa niya...

"Seriouso ako jay. Di nato biro, di nato trip2 at di nato laro laro. Im inlove with you" pag aamin niya. Hala!! Dapat naba akong kiligin. Dapat naba kilitiin ko na tong puso ko? Hindi ako agad nakapag salita sa sinasabi niya. The hell!!! Seriouso ba talaga siya.

Hinawakan niya ang dalwa kong pisnget tumingin saking mga mata.

"If you dont believe me ? Liligawan kita kung papayag ka?" Pangiti ngiti pa niyang hain sakin. Ano ba dapat ang isasagot dito? Dahil hindi ako prepared sa mga tanong niya kaya napatamimi ako. As in? Im in a state of shock na di makapagsalitat nakatingin lang ng dirrtso sa mukha niya.

"Huyyy?? Ano na? Okay lang ba?" Nabaling narin ang attensiyon ko sa pagsasalita niya. .

"Ahmm.. eeeehhh? Seryoso ka ba? Ako liligawan mo ?" Pagpapanigurado ko. . Napangiti naman siyat inalog alog ang mukha ko.

"Oo nga... seryosong seryoso ako. Dadalhin ba kita dito kung di kita liligawan?" Sayang sangyaw pa niya. Ubod ng ngiti ang pinapakita niya sakin ngayon. Siguroy totoo na siguro.

"Hmm. . . Manligaw ka muna" pangdedeklara ko. Tumango tango lang siyat nakangiti parin na halos kita lahat ng ngipin. Tangna. Kyut mo!
Pagkatapos nun ay sinubuan niya ako ng sandwich at pinagpatuloy ang ginagawa namin.

Sa pagsapit ng gabi ay tila nakakatakot ang paligid. Kami lang kaya ang tao dito. Kami lang ang nag iingay. Kung noong nakaraang araw ay pinahihirapan ako ni oscar pero ngayon? Daig ko pa ang pagiging reyna. Ni hindi man lang niya ako pinayagan na tulungan siya. Sya ang nagsaing ng kanin, naghanap ng kahoy para gawing bonfire, tsaka nagluto ng ulam.

"Gutom ka naba? " pagtatanong niya habang inikot ikot ang isang karne sa apoy. Ngumiti lang akot tinanguan siya. Tangna!! Gabing gabi pero pakiramdam koy ang init init. Nakatopless lang si oscar at puno ng pawis ang buo niyang katawan. kayay nagmukha siyang hot katulad ng apoy.

Nang maluto na itoy siya parin ang naghanda ng mga plato at sinimulan na naming kumain nagkakamay. Nasanay narin naman akong magkamay doon sa bahay nila kaya di ako nahihirapan ngayon.

"Hep hep hep. . . Wag mo munang isubo yan!" Pagpipigil niya sakin. Napakunot noo maman akong nagtataka.

"Bakit naman?"

"Hayaan mong ako ang gumawa" kumuha naman siya ng kanin at ulam at isinubo sakin ng naka kamay. Tangna!! Umabot na ang kilig ko sa kalangitan! Di ko alam na may pagkasweet pala itong si oscar.

"Masarap ba?" Pagtatanong niya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Sa tanang buhay ko. Siya lang nakakagawa  ng ganitong bagay. Pakiramdam ko ngay pwedi na kaming manirahan sa bundok. Tiyak na mabubuhay na ako kasama si oscar.

Tumango tango lang ako na nagsasabing oo. Masarap ang kamay mo.. este ang pagkain na sinubo mo.!! Tangna.. nag iiba na ang isip ko. .

At siya na ang sumusubo sakin. Ni hindi ko nga nagamit ang kamay ko para pakainin ang sarili. Si oscar na lahat, nagsubo, nag painom sakin ng juice, at nagpunas ng dumi ko sa bibig.

Pagkatapos naming kumain ay tumango kami sa may malaking puno malapit lapit lang sa tent namin. Ilang lakad lang. Humiga kami doon at napatingin sa liwanag ng buwan na nagkahawak kamay. Oohh diba? Level up na kami.

LOVE FAILS (BOYxBOY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon