RTS1

922 36 47
                                    

Dont know if your gonna like this, but hey its worth the shot!

This chapter is dedicated to BlueLadyOnze Hannah para tu sayo heheh maraming salamat sa support mo sa akin, pero please lang wag mong suportahan ang MUrt kaloka xDhaha

Enjoy Reading!

Third Person POV
"Bitiwan niyo ako! Ano ba! Wala naman akong ginawang masama sa inyo ah!"

Sigaw ng isang lalaking estudyante na nagpupumiglas sa hawak ng tatlong lalaking estudyante. Dinala nila ang binata sa likuran ng school na kung saan walang makakakita sa kanila.

"Wag ka ng magpupumiglas Ben, dahil kahit anong gawin mo hindi ka makakatakas sa amin! " sabay tawa ng lalaki nakahawak sa kanya na parang tuwang tuwa sa pang bubully.

"Oo nga, at kasalanan mo din naman. Kung sana sinagutan mo ng maayos assignments namin hindi ka sana nahihirapan ngayon." Ani naman ng isa sabay sinuntok sa sikmura ang hawak niyang lalaki.

"Tapang mo din kasi hahahah bakit mo minali ang assignments namin kanina sa Algebra ha! Napupuno ka na ba sa amin? Ha?" At gaya ng nauna sa kanya, sinuntok din nito ang hawak nila na lalaki.

Hinang hina na ang lalaki na hawak ng tatlong estudyante pero nagawa niya pa rin ito tingnan ng masama ang mga nakahawak sa kanya.

"Mga gago kayo!" Malakas niya mura, " Darating din ang araw makakaganti din ako sa inyo! Tandaan niyo, kakarmahin din kayoo!"

Gigil na gigil isinigaw iyon ng lalaki sa tatlo, pero hindi siya nito sineryoso at nagawa lang tawanan. At pagkatapos nun pinagtulungan nila pinagsusuntok ang kawawang lalaki.

Tumagal ng ilang minuto ang kanilang pangbubugbog sa lalaki ng maramdaman nila ang pagkakuntento. At nang tapos na sila dito, basta na lang nila ito iniwan sa ilalim ng puno na parang lantang gulay.

Sinubukan niya mapaupo kahit nanghihina pero kung hindi dahil sa puno sa kanyang likuran panigurado hindi niya kaya. Napaiyak ang lalaki sa inis at galit sa kanyang sitwasyon. At hindi niya maiwasan isipin kung bakit hindi man lang siya lumaban dito.

Kung bakit hindi niya kayang pigilan ang pang aapi na ginagawa nila sa kanya? All his school year life he had been bullied by those three. Nung una akala niya magsasawa din ang tatlo sa pangbubully, pero magtatapos na lang school year hindi pa rin siya nito tinantanan. And having to experience this right now is the peak of his anger. Ayaw na niya sa kanyang sitwasyon. He wants to stand up and beat those guys.

But how? How will he do that when he is just a frail looking highschool boy. Malalaki ang katawan ng tatlo kumpara sa kanya. Kaya naman papaano niya mapipigilan ang pang aapi.

Having to think all those thoughts made him feel hopeless. Ganyan na ba talaga ang tadhana niya? Ang patuloy na inaapi at hindi kaya lumaban. Is there no way for people like him who are weak and powerless to take revenge on those people who made his life miserable?

And to think they say life is fair. Pero bakit ganun ang nangyayari sa kanya?

Hindi napigilan ng lalaki mapaiyak habang naiisip ang mga bagay na iyon. Sunod sunod ang pagtulo ng mga luha sa kanya dala ng pagkabugbog at pagkawalang pag asa na kailanman habang buhay na siya maapi.

"B-bakit ganito? Ayoko habang buhay ganito na lang ako! Gusto kong lumaban...Pero...pero hindi ko kaya!" he sob so hard that he doesn't care if anyone would see him.

Wala na siya pakialam kung may makakita sa kanya, tutal weak naman ang tingin nila sa kanya. Kaya who cares if someone will see him cry like a baby.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon