RTS8

187 16 11
                                    

The lucky 8 chapter heheh anyways pinalitan ko ang cover ng story dahil binigyan ako ni BabyWolfAngel88 ng isang napaka ganda na cover. Thank you talaga angel ha, super nagulat ako dun sa ginawa mo. Lovelots. This chapter is for you ^^

Mikael POV.
"Here you go guys! My own version of Choco Cheesecake!" I said tsaka inilahad sa table namin ang ginawa ko na Cake.

"Attack!" malakas na sambit ni Lee.

At sa isang iglap ang Circle shape ko na cake 1/8 na lang ang natira. Grabe! PG talaga ang mga mokong na to. Hindi pa nga ako nakakain, mauubos na nila.

Mabuti na lang wala pa dito sina Edward at Kurt dahil baka simot na nila lahat ito.

"Hoy! Hoy! Chill naman kayo, grabe PG na PG Lee ah!" Sabi ko sa lalaking payatot pero kung makakain parang pinagdamutan ng pagkain ng sampung taon.

"Hindi ako PG Mikael, sadyang nakakaakit ang amoy ng cake mo at ang sarap.! Wooh! Gawa ka ulit ah."

Sus! Nanguuto na naman ang isang to. Pero pinagbibigyan ko naman. Sabagay gusto ko naman talaga ang magluto. Ginagawa ko ang pagluluto kasi as a stress reliever. Lalo na kapag sobra sobra na ang stress sa assignments at project sa skwela.

It's been 3 months. Since school started at ang daming binibigay ng projects at reports ng mga teachers namin. Woooh!

So far yun lang naman ang nakakastress, dahil hindi na kami binubully ng mga estudyante dito pagkatapos nung nangyari sa June bumalik ang lahat sa normal. Katunayan nga madami dami na din mga naging kaibigan namin. Pero parang na trauma ata ang ilan kay Kurt heheh. Medyo baliw din kasi ang isang yun. Nagpatuloy sa pagbablackmail kapag Nagigipit. Tsk! tsk! Walang patawad maski kami damay.

Pero hindi naman gaano kalala ang mga ginagawa niya. Kinukunan ka lang niya ng stolen pictures tapos kung ayaw mo kumalat ito bayaran mo. At walang nakakatanggi sa kanya. Dahil ang picture mo talaga ay nakakahiya ipakita sa publiko.

Tapos sina Rocco naman ayun nambubully pa rin ng mga estudyante na hindi makakalaban sa kanya. Pwera sa amin, kapag kasi nagkakasalubong kami dedma lang pero kung si Kurt at siya magtagpo. Makikita mo na may mga kidlat sa kanilang mata habang nagtitigan.

Hindi na ulit naglapit ang dalawang yun. Bukod kasi na na DO sila or Disciplinary Office nun, winarningan na din kasi si Rocco na malapit na siya ma expelled once na mambugbog siya. Sabi ni Drake, noon kapag hindi ka sumunod kay Rocco binubugbog niya ito, at dahil nagtatrain siya parati ng Kickboxing, panigurado tulog ka kapag natamaan ka ng kamao niya at sipa. Kaya naman binantaan siya ng DO ng Boyce High na kapag ginamit niya pa ang skills niya ipaexpelled siya nito.

Eh binugbog niya kaya si Kurt nun sa Gym, pero ang sinabi ni Kurt noon sa DO. Wala daw. Naku pinagtakpan niya ang rocco na yun! Kaya akala ng DO walang sapakan naganap.

Tsk! Kung ako siguro si Kurt baka sinumbong ko na yun eh. But then hindi ako siya hehehe tsaka hindi ko kaya magplano ng ganun, tanging si Kurt Alonzo lang. Kaya naman idol ko ang dorm mate ko na iyon. Kahit isa ako sa parating biktima niya. Psh!

"Heheh selfie tayo guys, tapos send natin kay Edward pangpainggit " aya ni Lee sa amin.

Agad naman kami pumwesto upang makapagselfie sa harapan ng phone ni Lee, para maesend kay Edward wala kasi siya ngayon dahil may photoshoot ang mokong.

"Nice! Ang gwapo ko. Heheh " ani ni lee. Tiningnan namin ang picture at nabwesit sa nakita. Pambihira! kahit kailan madaya ang isang to. Siya lang ang maayos ang kuha, habang kami blurred

"Lee! You are unfair you click when we are not prepared. " reklamo ni macky

"Ang daya mo talaga Lee Parker." Sabi naman ni Drake

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon