RTS48

41 1 4
                                    

Yehey! Natapos ko din ang Chapter 48. Dapat last week ko pa eto napost pero walang pumapasok na ideya sa isipan ko, siguro nagluluksa si Kurt kaya walang gana magsalita. But anyways sana naman magparamdam din kahit konti yung mga silent readers, since ilan chapter na lang matatapos na eto ^^

Enjoy reading!

Kurt POV..
"At iyon na nga, pagkatapos ko siya kinantahan ng aking napakagandang boses lumuhod agad ako sa harapan niya sabay tanong ng 'Isa, will you be my girlfriend?"

"Hala siya! Ang corny corny mo Edward may nalalaman ka pang luhod luhod dyan."

"Heheh sinabi mo pa Lee. At mabuti nung kinantahan mo si Isabelle hindi niya sinubukan takbuhan ka sa boses mo."

"Bwesit ka mikael! Hindi tatakbukan ni Isa boses ko. Sa katunayan nga eh napaiyak ko pa siya."

"Napaiyak dahil gusto na niya tumigil ka sa pagkanta pero nahihiya lang siya patigilan ka, ganon? Kawawa naman pala si Isabelle." Tukso ni lee dito kaya naman tumawa yung mga kaibigan sa sinabi niya

"Gago ka lee! May gana ka talaga sabihin iyon sa akin habang kinakain mo ang libre ko ngayon na pizza." Reklamo ni Edward "Alam niyo, naintindihan ko naman eh kung naiinggit kayo sa akin. Pero please lang bawas bawasan niyo dahil nakakapanget yan. Kung gusto niyo turuan ko na lang kayo on how to be me. Para naman magkagirlfriend na din kayo gaya sa akin."

"Tsk! Tsk! Tsk! So much confidence in your body edward. I wonder where you got that."

"Na sobraan yan sa mga flash ng camera kaya ganyan ang nangyayari sa utak niya heheh"

"Di ka talaga titigil lee? Baka gusto mo bawiin ko yan kinakain mo?"

"Syempre joke lang. Eto naman ouh di mabiro. Alam mo ba sobrang saya ko at naging kayo ni Isa dahil sa libre mo na eto. Kaya salamat Edward at sana hindi mauntog si Isabelle in the near future." Sabi ni lee habang naka akbay kay edward

"Langya ka talaga!" Sigaw ni edward

Hindi ko na alam kung anong ginawa ni Edward pagkatapos niya sabihin iyon pero narinig ko na lang ang marahas na pag galaw ng mesa tapos ang mga tawa ni Lee dahil sa pangiinis niya kay edward.

Sigh, buti pa si Edward masaya na siya ngayon. Masaya ako dahil naging sila na talaga ni Isabelle. Sana magtagal pa sila.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago ibinaling ulit ang paningin ko sa cellphone ko.

Hinihintay ko umilaw iyon dahil may inaabangan ako na mensahe galing sa inatasan ko magbantay kay Yam dun sa ospital.

Hanggang ngayon kasi di pa nagigising si Yam pero nagpapakita na daw eto ng mga sinyales na nagrerespond na eto, gaya ng paggalaw ng daliri niya. Kaya naman nagiwan ako na magbabantay dun para malaman ko kung sakali gumising na si Yam ng tuluyan.

But its been two days wala pa rin balita. Kaya naman balisang balisa ako, ok lang ba si Yam? Nakabalik na ba siya sa katawan niya? Bakit di pa rin siya gumigising?

Sigh..

"Kurt" nagulat ako sa biglang pagtawag ni Drake sa akin. Inangat ko ang paningin ko at nagulat ako na lahat sila nakatingin sa akin

"B-bakit kayo nakatingin sa akin?" Tanong ko

"Ok ka lang ba? Mukhang ang bigat ng iniisip mo ah." Sabi ni lee

"Tungkol ba eto kay Yam? Di pa rin ba nagtetext yung pinagbantay mo kung gising na siya?" Tanong naman ni Mikael

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko na nagsasabi sa akin nararamdaman ngayon "Oo, di pa rin. Kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin. Baka kasi may nangyari sa kanya para-"

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon