RTS10

193 13 9
                                    

180611. Espesyal ang araw na eto kaya may UD ^__^
Dito na tayo sa chapter na bigaTEN charot. Kaway kaway sa nagbabasa, gusto ko po kayo makilala so wag mahiya.

Enjoy reading!

"Kurt, ang gwapo talaga ni Edward no?"

Tsk!

"Uwaaah! Kurt, yung dimples niya! Shemaay!"

Tss!

"Alam mo ba Kurt, matagal ko ng idol yan si Edward, simula nung nakita ko ang picture niya nun sa isa sa mga tourista dito."

Fuck!

"Kurt,kyaaah! Shems ang-"

"Ok na yan Edward! Ang dami mo ng picture." Sabi ko kay edward habang nandito kami sa dalampasigan dahil nag request ang mokong ng photoshoot para sa kanyang mga OTD daw.

"What? Really? Nakakuha ka ng magandang angle sa akin?" Tanong niya tsaka lumapit.

Tinamad akong magsalita sa kanya dahil nabubwiset ako sa hindi malaman dahilan. Kaya naman walang gana ko pinakita sa kanya ang camera ko na kung saan nandun ang mga shots ko sa kanya.

"Wow! Ang ganda Kurt! Galing mo talaga." Puri niya. Pero kahit iyon ang sinabi niya bwiset pa rin ako sa kanya.

Kaya naman nang aakma pa sana siyang yayakapin ako. Agad ako lumayo sa kanya.

"Space! Tss..Basta yung bayad ko wag kalimutan. Dahil buburahin ko to." Sabi ko.

"Oo naman. Naku! Swerte ko talaga at may kaibigan ako na photographer."

Haays, maliit na bagay.

"Balik na muna ako sa kwarto dahil naiinitan na ako dito." Sabi ko sa kanya

"Sige sige, inom ka din ng maraming tubig ha dahil baka mamaya may kakausapin ka na naman na hindi namin nakikita. Puntahan ko na muna ang ibang mokong sa dagat." Sabi niya at umalis.

Ughh! Kailangan niya pa talaga ulitin ang nangyari kanina. Tsk! Napahiya ako dun eh. Mabuti na lang nakaisip ako agad na palusot. Dahil kung hindi mapagkakamalan talaga ako na baliw.

Tss! Hindi ko din naman kasalanan yun. Kasi hindi sinabi ng babaeng to na mu-mul-arghh! Pambihira! Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin!!

Bakit ako pa? Sa dinami dami ng tao dito ako pa talaga nakakakita sa kanya!? Fuck! Kaya nga kanina pa to sunod na sunod sa akin dahil sa ako lang daw nakakakita sa kanya bukod kay Zion..

"Kurt, saan tayo pupunta?" Tanong ng babae hindi nakikita ng iba except sa akin.

Inignora ko siya dahil papasok pa lang kami. Mamaya may makakita pa sa akin nagsasalita dito sa lobby.

"Kurt, kausapin mo naman ako. Bakit hindi mo na ako pinapansin? Huyyy!" Sabi niya tsaka pumunta sa harap ko. Medyo natigilan pa ako nung una sa ginagawa niya pero agad din ako naka recover tsaka nilagpasan siya.

"Kurrrt!!! Hintaay naman ouh!"

Ughh!! Bakit dumidikit ito sa akin!! Why!?? Atsaka why does a part of me is happy dahil ako lang ang nakakakita sa kanya, isa din yan sa problema ko eh! Pucha!

Sumakay na ako sa elevator pero nakasunod pa rin ako babae. At nang maisara na ang pinto.

"Hoy! Wag ka ngang sunod na sunod sa akin. Dahil hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na hindi maghabol ng lalaki. Ka babae mong tao!" Sermon ko sa kanya.

"Hahaha wag kang mag alala Kurt, walang makakakita sa akin sa ginagawa kong pagsunod sa iyo. Tsaka wag ka ngang feeling dyan na type kita, sadyang sumusunod ako sa iyo dahil nakikita mo ako. At gusto ko din ng kausap . Nakakalung-"

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon