RTS49

62 4 12
                                    

Akala ko hindi aabot ng 2k words eto. I was wrong nag times two siya sa i expect ko na word count hehhe. Well anyways sana magustuhan niyo ang chapter na eto, I put my heart into this T___T

Enjoy reading!

Mikael POV..
"Kurt? Kurt? Nandito ka ba? " tanong ko ng makapasok ako sa kwarto namin

Walang Kurt na sumagot sa aking tanong, at nakakabingeng katahimikan lang ang sumalubong sa akin.

Agad naman ako nag aalala dahil dalawang araw simula ng malaman niya na gising si Yam ay bigla nagbago si Kurt. Pagkatapos niya sabihin na gising si yam sa amin, agad siya pumasok sa loob ng kanyang kwarto ay hindi na lumabas.

Bigla na din siya hindi pumapasok sa klase at nakalock din ang kanyang pinto kaya hindi ko siya masilip. At sa tuwing kinakatok ko, hindi sumasagot. Kaya sumuko na lang muna ako pansamantala dahil baka gusto niya mapag isa muna.

Akala ko kasi pagkatapos ko siya bigyan ng oras makapag isip ng ilang araw eh lalabasin din siya, at magkukwento.

Pero sobra na eto, ngayon araw hindi ko na matiis ang pinag gagawa niya pagkukulong . Lalo na at nakita ko na naman na hindi niya kinain ang niluto ko para sa kanya.

Naghuhunger strike ba si Kurt? O may plano siya patayin ang sarili sa gutom?!

Kaya inakyat ko ang hagdan papunta sa kwarto niya para pilitin siya pababain. Dahil pakiramdam ko kapag pinagpatuloy pa niya eto baka sa ospital ang bagsak niya.

"Kurt! Kurt! Buksan mo to!" Sambit ko habang kinakatok ang pinto niya.

Patuloy ako sa pagtawag at pagkatok pero hindi ako pinagbuksan ni Kurt. Kaya naman inilapat ko ang aking tenga sa pinto para may marinig sa loob.

Nung una wala akong naririnig, kaya mas diniin ko pa ang tenga ko sa pinto.

Kurt, ano ba ang ginagawa mo sa-

THUGSH!

BLAG!

Agad ako nataranta ng marinig ko iyon kaya dali dali ko binaba ang lagayan ng spare key namin para mabuksan ang pinto.

Nakng pucha! Kurt, ano ang nangyari at may kalabog na nangyayati sa kwarto mo! Ughh! At Bakit din ba kasi hindi ko din agad binuksan ang pinto niya, Tanga mo din Mikael! Tss!

"Kurt!!" Agad ko sabi ng mabuksan ko ang pinto.

At tumambad sa akin ang loob ng kwarto na madaming walang laman na can beers.

Pucha! Bakit ganito kadami ang mga lata dito? May painoman ba naganap sa loob ng kwarto ni kurt? Sino naman kasama niya uminom? O baka namam Ininom niya lahat eto?!

Nasapo ko ang aking ulo dahil sa akin nasaksihan na kalat. At dahil natuon ang atensyon ko dun hindi ko agad nakita si Kurt na nasa paanan na pala ng kama niya.

Shit! Lasing na lasing ang loko, nahulog na sa kama.

Tsk! Di na to pupwede, kailangan ko na tawagan ang tropa, dahil mukhang malaki ang problema ni Kurt.

Di din naman nag aksaya ang mga kaibigan namin na pumunta agad pagkatapos ko sila tawagan.

At nang makita nila ang kwarto ni Kurt maski sila nagulat din sa kalat.

"Nag inuman kayo mikael?" Tanong ni drake habang iginala ang paningin sa kwarto ni kurt.

"Anong kami? Siya lang! Nagulat nga din ako ng makita ko ang mga kalat na to kanina." Inis kong sabi habang pinupulot ang mga walang laman na lata at nilalagay sa loob ng plastic bag.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon