RTS38

45 4 11
                                    

I dont know what you will think about this chapter, so babalaan ko na kayo na maraming curse words dito. So sa mga bata dyan wag sundin heheh.. anyways dedicated ang update na eto sa kapatid ko sa ibang ina missis_montefalco Agi, para ni simu <3 Thanks for reading this story and for supporting me . Eto na ang update for you. Halong always ^^

Enjoy reading!

Kurt POV..
"Kurt, anong problema mo at parang nababalisa ka dyan? Para kang nawalan ng aso sa pagkabalisa mo eh. May hinahanap ka ba?" Ani ni Isabel sa akin habang nandito kami sa field ng boyce high.

Tapos na ang badminton na laro ko at nang manalo ako tumingin ako sa pwesto ni Yam para makita ang reaksyon niya..

I was expecting her happiness of my winning dahil alam ko mas grabe pa ang kasiyahan niya kung mananalo ako...

But to my suprise, she wasnt there anymore! Bigla ako kinabahan, at bago ko pa siya mahanap hinila na ako ni Isabel para econgratulate at inilibre para sa isang congratulatory snacks dito sa field.

Kaya naman hindi na ako nagkataon na maka angal dahil nandito sa field din si Edward at mukhang gusto ni Isabel na pagselosin eto.

Kung hindi lang malaki ang binayad ng babaeng tu kanina pa ako umalis eh. Pero hindi! Kailangan ko siya samahan dito kasi customer ko siya, at hindi ako nagbabastos ng customer..

"Wag mo akong intindihin, at humanap ka na dyan na gusto mo kainin para maka alis na tayo." Ani ko

"Oh? Nagmamadali? Bakit, may lakad ka ba kurt?" Tanong ni Isabel sa akin

Wala akong lakad pero may gusto akong hanapin! Dahil pakiramdam ko kung saan man naroon ang babae na yun may ginagawa siya o may kasama siya na hindi ko gusto! And I am not talking about her Ghost friends dahil ok lang naman kung yun talaga ang kasama niya ..

But there is a bigger possibility na ang kumag na yun ay biglang sumulpot at  kinuha si Yam. Alam niyo naman ang babaeng yun ang dali dali din ma aya kung kahit saan! Di man lang nagiisip minsan na baka baliw ang sinamahan niya!?

"Oh my look Kurt, mag milktea tayo. Uwaah! I am so craving for one " ani ni Isabel at hinala ako papunta sa isang milk tea stand dito sa field.

Hinayaan ko na si Isabel na mag order ng para sa akin dahil I dont really care on the flavor. What I really want right now, is to leave and look for Yam.

Ughh!! Kung eexcuse ko kaya ang sarili ko muna at epagliban ang plano namin ni Isabel na pagselosin si Edward bukas? Oo, pwede naman ata bukas na lang dba?

Yeah, we could do the plan-oh shit! Hindi pala pwede! Dahil last day na ngayon ng BH olympics at kung bukas ko gagawin eh mahihirapan si Isabel bumalik dito sa loob ng Boyce High.

Kailangan maepagbati ko na ang dalawang tu ngayon. Kasi para naman makuha ko na din ang 100,000 pesos ko!

"Here you go! Eto na milktea-ouh anong  nangyari sayo? At bakit nakakunot ang noo mo dyan? May iniisip ka?" Ani ni Isabel ng ibinigay sa akin ang milktea at umupo sa kaharap na upuan ko.

"Wala to. Wag mo akong intindihin." Sabi ko tsaka ininom ang milktea ko

"Really? Wala lang? Naku, mukhang hindi naman wala . Base sa reaksyon mo I could say that something is bothering you... " mataman na tumitig sa akin si Isabel habang naka angat ang gilid ng labi "Or is it..someone? "

Napatingin ako ng sinabi niya iyon at kahit nagulat ako sa kanyang sinabi, I tried to immediately hid my expression ng pagkagulat..

"Tsk! Pinagsasabi mo dyan. I told you its nothing. Ganito na talaga ang expression ko kaya wag mong bigyan ng malisya."

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon