RTS47

47 2 10
                                    

Sorry kung natagalan ang update, nahirapan ako esulat eh >__< anyways may naghihintay ba sa update dito? Kung meron man, let me hear you say "Yeaah!" Lol

Dedicated to Erraldddd maraming salamat sa pagtyatyaga sa kwento na eto. Malaking tulong talaga sa tuwing pakiramdam ko nawawalan na ako ng gana sa pagsulat ^^ and goodluck sa story mo. Full support ko iyon. Check out his story guys "Confession plan" ang ganda. Marami ka matutunan dun kung paano makapag confess kay crush ^^

Enjoy reading!

3rd Person POV.
"Wooow!!! Nakakaexcite, lika na kurt!!" Sigaw ni yam tsaka umuna maglakad papasok sa bukana ng entrance

Kumikinang ang kanyang mga mata habang nakikita ang lahat na attraksyon na nasa loob nito

Para siyang bumabalik sa pagkabata habang nasa loob ng City Field. Ang lugar kasi nito ay parang malawak na open area na kung pwede pag dausan ng ibat ibang events. And right now meron Full moon festival na sineselebrate ang syudad, kaya naman nag tayo na parang County fair dito sa city field.

Makikita dito ang ibat ibang stalls na may tinitinda na pagkain o mga laruan o at damit at mga palaro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makikita dito ang ibat ibang stalls na may tinitinda na pagkain o mga laruan o at damit at mga palaro. Meron din mga konting rides gaya ng carousel, ferris wheel, octopus, vikings at mini roller coaster.

Kaya naman marami ang pumapasyal ngayon dito dahil dalawang araw lang ang event na eto.

"Kurt! Kurt! Sakay tayo dun." Turo ni yam sa carousel.

Agad na kumunot ang noo ni Kurt ha ng makita ang ride na iyon

"S-sigurado ka ba dyan mo gustong sumakay?" Tanong ni kurt

Tumango tango lang si yam sa tanong ni Kurt at agad na dumiretso dun sa carousel.

Walang nagawa si Kurt kung hindi sumunod kay yam. Kahit na nababaklaan siya sa ride na iyon, iniisip niya na lang na para eto sa kasiyahan ni Yam.

Sinundan niya lang si Yam na pumili ng kabayo masasakyan at ng makahanap eto agad siya sumakay habang si Yam nasa likod niya.

"Kumapit ka sa bewang ko Yam, baka mahulog ka." Sabi ni kurt

"Kailangan pa ba yun? Kung hulog na hulog na ako sayo." Mahina lang ang pagkasabi ni Yam dito kaya hindi narinig ni kurt

"Ano sabi mo?"

"Heheh sabi ko, ang OA mo may pahawak hawak ka pa sa bewang na sinasabi. Akala mo naman totoong kabayo etong sinasakyan natin." Ani ni Yam sabay irap

"Mabuti ng sigurado, kaya sige na Yam." Pangungumbinsi ni Kurt

Napailing na lang si Yam sa sinabi ni Kurt pero sinunod niya pa rin eto. Niyakap niya ang bewang tsaka idinikit ang pisngi sa balikat ni Kurt

"Yan good girl." Sabi ni kurt

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon