RTS40

44 2 11
                                    

Kinakabahan ako sa chapter na eto >__< sana magustuhan niyo. Anyways inspired ang chapter na eto sa kanta ng December Avenue "Bulong" feel free to play the song on the multimedia ^^. Stay safe po tayo.

Enjoy reading!

Kurt POV..
"I finally found you!"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin iyon ng matagpuan ko na si Yam dito sa Rooftop ng Senior's building.

Grabe ang saya at ginhawa na nararamdaman ko ngayon, at hindi ko aakalain na mapapatunayan ko na totoo ang salitang parati ko naririnig sa mga taong baliw sa pag ibig.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang lalabas na siya sa katawan ko. Before when they say this, I thought its just an exaggeration. But no, its damn real!

And I am so damn happy to see her right here infront of me!

"Bakit ka nandito kurt?! Hindi dapat mo ako natagpuan ngayon! Diba sabi ko naman sayo kailangan ko lumayo, kaya naman bakit ka nandito?!" Sigaw ni yam sa akin

"Yam, gusto ko lang na-TEKA SANDALI! WAG KANG UMALIS!" sigaw ko ng tumalikod siya sa akin at mukhang aalis na naman siya.

"Kailangan kong umalis Kurt! Para eto sa ekakabuti ng atin sitwasyon, kaya naman umalis ka na. Lumayo ka na dito. At wag mo akong sundan!" Habang sinabi yan ni yam nakatalikod siya sa akin.

At ang sakit sakit lang ng sinabi niya. Lahat ng binitawan niya salita ay parang patalim na dumidiretso sa puso ko.

Fuck!

Pero kailangan hindi ako mapaghinaan ng loob. Kailangan ko sabihin sa kanya ang opinyon ko at nararamdaman!

"Ayoko! Hindi ako susunod sa gusto mo, dahil hindi ako sang ayon dito!. " Nang sinabi ko iyon pinagmasdan ko si Yam, at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.

"Kurt naman eh! Kailangan mo umalis, dahil para eto sa makakabuti sa atin. Kasi ginawa ko eto Para mawala na ang nararamdaman ko sayo at-"

"Paano ka nakakasiguro na makakabuti iyan desisyon mo sa atin yam?! Na ikaw lamg naman ang nag desisyon niyan. You didnt even ask for my opinion about it. And Do you think that by staying away from me makakalimutan mo ang nararamdaman mo sa akin ?" Putol ko sa sinabi niya

At dahil dun bigla napaharap si Yam sa akin na seryosong seryoso tsaka tinitingnan ako gamit ang isang matalim na titig.

"Alam kong hindi magiging madali ang paglimot, pero gagawin ko dahil ayoko masira ang pagkakaibigan natin! At di ko na kailangan ang opinyon mo dito, dahil alam ko para eto sa makakabuti. Simula pa lang alam ko mali na ang magkaroon ng pagkagusto sayo, kaya naman ginawa ko ang lahat para balewalain iyon." Aniya

"Ngunit, nabigo ako sa pagbalewala dahil habang tumatagal na magkakasama tayo hindi ko na namamalayan na unting unti na din pala lumalalim ang pagkagusto ko sayo. At eto na nga ang nangyari, hindi ko na napigilan at nasabi ko sayo! Hindi mo ba alam kurt, na grabe ang pagsisisi ko dahil hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtapat sayo!? Dahil kung napigilan ko lang sana..sana.. ok pa rin ang sitwasyon natin dalawa." Nakikita ko ang pagbabadya ng luha ni yam. Kaya naman hindi ko napigilan hindi mapahakbang palapit sa kanya.

"Wag! Wag mo akong lapitan please!" Bigla niyang sambit na nagpatigil sa akin.

"Dyan ka lang, at wag ka ng lumapit sa akin dahil mahihirapan na naman ako na layuan ka." Aniya tsaka iniwas ang paningin niya sa akin.

At nang makita ang lungkot sa kanyang mga mata parang gusto ko saktan ang aking sarili dahil alam ko ako ang may kasalanan nun.

Fuck it! Kailangan ko kumilos para mawala yan lungkot na nakikita ko sa mga mata ni Yam. Ayoko siyang makitang umiiyak, dahil mas gusto ko makita ang mga ngiti niya sa tuwing masaya siya kasama ako.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon