RTS44

67 2 9
                                    

Here is another update! Sana magustuhan niyo at suportahan sa epilogue. Malapit na tayo mga siszt and bro sa epilogue ^^

Enjoy reading!

3rd person POv..
Huminga muna ng malalim si Yam habang dinarama ang sariwa na hangin sa field.

Siya lang magisa ngayon dahil nagpaalaam si Kurt sa kanya kanina na may aasikasuhin lang daw.

Gusto niya sanang sumama pero alam niyang dapat bigyan din niya ng konting oras si kurt na siya lang mag isa. Lalo na at mukhang namimiss nito ang mga dating gawain.

Kahit na hindi sinasabi ni Kurt eto sa kanya alam ni Yam na parte na eto sa buhay ni Kurt ang kanyang racket. At sino ba naman siya para pigilan eto sa ginagawa.

Noon pa man hindi niya na pinipigilan si Kurt dito pero nang panahon na nagka aminan sila si Kurt mismo ang nagdesisyon na maghahiatus daw muna eto sa racket niya.

Hinayaan lang iyon ni Yam. Hanggang sa nagsimula na ang bagong school year at mukhang trip na ulit ni Kurt simulan ang racket niya. At alam ni Yam na tinatago eto ni Kurt sa kanya dahil gusto nito isipin na marangal siya na lalaki.

Natatawa na lang si Yam dito, at hinahayaan si Kurt sa kanyang gusto. Kaya naman paminsan minsan nagpapaalam siya dito na aalis para naman makakilos si kurt sa gusto niyang gawin.

"Kurtinaaaaa!!" Napaigtad si Yam ng marinig ang sigaw ng isang boses.

Agad niya hinanap kung kanino galing iyon, at ng makita kung sino ang sumigaw napailing na lang siya at bahagya napangiti.

Nakita niya kasi na hinahabol ni Xin Figuerro si Kurt dahil sa hawak nito na picture. Kitang kita na sobrang naiinis na si Xin kay Kurt, kabaliktaran naman sa isa na mukhang tuwang tuwa pa na hinahabol.

"Habol pa Prinsipe na nireregla!! Hahaha"

"HUMANDA KA TALAGA SA AKIN KAPAG NAABUTAN KITA!!"

Si Yam na ang naawa kay Xin Figuerro pero hindi niya naman pwede sitahin si Kurt dito. Kaya naman bumalik na lang siya sa kanyang pwesto dun sa field.

Pero bago pa siya makarating nakita niya sa likuran ng mga kahoy na nagkalat sa field sina Howie at Allen, ang mga kasamahan noon ni Rocco.

Nagtaka si Yam kung bakit nandito eto sa building na yun, dahil ang dalawang eto ay mga senior students na.

Magkaiba ang building ng mga seniors sa mga lower years dito sa Boyce High. At simula nung last year na umalis si Rocco sa Boyce High ngayon niya lang ulit nakita ang dalawang tu.

Ano kaya balak ng mga tu dito?

Bigla siya kinutuban ng masama sa dalawa kaya naman nilapitan niya ang pwesto nito.

"Rocco naman kung bakit kasi umalis alis ka pa dito sa Boyce High eh!" Reklamo ni Howie habang hawak ang cellphone sa kamay

"Oo, nga! Atsaka dapat sumama na lang kami sayo dyan sa William Academy. Kasi binebwesit kami dito ng mga estudyante. Akala mo kay tatapang, dahil umalis ka na." Si Allen na katabi ni howie

"Ouh! Mukha nagvivideo call ata sila kay Rocco. Hmm.. saan na kaya ang lalaki na iyon? " sabi ni yam ng makita kung anong ginagawa ng dalawa.

Dahan dahan na pumunta si yam sa gilid nina Howie tsaka nakivideo call na din. At dun niya nakita si Rocco sa screen.

Nakauniform eto ng iba tapos nakaupo habang nagyoyosi.

Hindi maiwasan hindi mapakunot ang noo ni Yam ng makita ang bisyo ni Rocco. At mas lalo nainis siya dito ng magsalita.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon