RTS25

124 5 7
                                    

Lets see kung anong mangyayari sa kwento natin heheh. I am really sorry dahil hindi ko siya naepublish kahapon, kasi hindi ko pa naesulat buong chapter , so tinapos ko talaga siya. And Finally heto na ang chapter 25. XD

Btw Yohan is in the Multimedia. Ang gwapo niya shems hehe.

Enjoy reading!!

Kurt POV..
Bakit wala pa siya dito? Akala ko ba saglit lang siya dun? Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya? May pinuntahan kaya ang babaeng multo na yun? Saan naman? Tsk! Baka naman nagkita sila ng mokong na yun ugh!

"Oi kurt, hindi ka ba kakain? Malapit na kami matapos pero ikaw mukhang isang subo pa lang ginawa mo. " Sabi ni mikael

"Atsaka ang lalim na naman ata iniisip mo? Magtapat ka nga anong problema mo?" Tanong naman ni lee

"Tss. Wala.. " sabi ko tsaka sumubo sa aking pagkain.

"Hmm.. nasaan si Yam?"

"Bakit mo tinatanong edward? And how did you know na hindi ko siya kasama?"

"Ouh, bakit nagagalit ang tono ng boses mo? Nagtatanong lang naman ako, no need to get mad. Tsaka napansin ko kasi wala kang kinakausap sa tabi mo kaya, I presume wala si Yam." sabi ni edward

"Tsk! "

Hindi na ako nagsalita pero naririnig ko sina mikael at lee habang nag uusap sila.

"Lq ba sila? "

"Di ko alam. Sila na ba?"

"Hindi ko din alam. Pero sa tingin mo bakit nagagalit si kurt kung hindi naman sila dba?"

"Ohhh Oo, nga no! Holooo!" Sambit ni lee

Kanina ko pa sila gusto bugbugin sa mga pinagsasabi nila. Ang hilig hilig gumawa ng kwento ng mga lalaking to, parang mga babae! Tsk!

"Pero sa tingin mo sino ang may kasalanan?"

"Feel ko si kurt kasi ang bait ni yam eh hehehe"

"Sang ayon ako-"

"Pwede ba kayong dalawa, tigilan niyo na yang pagchichismis niyo sa akin! Pambihira para kayong mga babae kung makapagusap! At hindi kami ni Yam no! Asa, na maging kami. Wala akong gusto sa multo na yun." Singit ko sa kanila.

Tumahimik ang lamesa namin. Walang nagsalita, pero maya maya umubo si edward.

"Ehem... Sure ka bang, wala kang gusto kay Yam?"

"Oo, at hindi din kami nag away. Sadyang umalis lang siya ngayon upang maglibot dito sa boyce high. "

"Naglibot libot lang pala eh, pero bakit apektado ka kanina habang wala si Yam? Could it be, nag aalala ka magkita sila ni Yohan? " Sabi ni mikael

"Uiee selos si Kurt, dahil may iba na nakakakita kay Yam bukod sa kanya heheh." Tukso ni lee

"Selos ka dyan!? Hindi ako nagseselos no. Bakit naman ako magseselos? Bahala ang mokong na yun kung makita niya man ang babaeng multo na yun. Wala akong paki." Sabi ko tsaka uminom ng tubig.

"Whee d nga, kahit mukhang bagay na bagay sila dahil pareho ng first letter ang mga pangalan nila, they both start at letter Y. Alam mo pangalan pa lang parang meant to be na." Ani naman ni mikael

Tss.. ako naman ang nagpangalan sa babaeng yun. Kaya naman hindi iyon meant to be! Tsk!

"Kahit kapareho pa sila ng star sign wala akong pakialam." Sabi ko

"Talaga lang ha... Hmm.. Ouh! Si Yohan ouh!" Sabi ni edward

"Saan!?" Sabi ko naman at agad lumingon sa likod. At huli ko na narealize na pinagloloko pala ako ng mga kumag na eto. Dahil paano naman pupunta ang Yohan na yun dito eh iba ang cafeteria ng mga fourth year.

Rewrite the Stars {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon